"Giant..."
Sa wakas ay nasolo ko na nga si giant.Nandito na kami sa loob ng aming kwarto at nakatalikod sya mula sa akin kaya hindi ko mawari kung ano ang lumalaro sa kanyang isipan ngayon.
Hahakbang na sana ako papunta sa kanyang kinatatayuan at bigyan sya ng mahigpit na yakap mula sa kanyang likuran pero natigilan ako nang-
"Ilang beses kang naisayaw ni Gio sa panahon na wala ako?"
Waaaah!hindi parin pala nawala sa kanyang isip yung nadatnan nyang tagpo namin ni Gio kanina.
Kung hindi lang sana makadagdag sa galit nya sa akin ngayon?gusto ko sanang ibalik sa kanya ang tanong na kung ilang beses din nyang naisayaw si Amica..mas malala pa nga diba?dahil nahahalikan pa sya ng babaeng iyon!
"Giant-"
"Ganyan ba kahirap sagutin ang tanong ko,Sweetheart?ilang segundo pa ang palilipasin mo para makahanap ka ng sagot!"
Oh god!pati ba naman yung kasagutan ko ay inoorasan na ni giant?Pakiramdam ko tuloy ay para akong nasa sitcom..
"You don't love me..."Sabi nya nang hindi man lang lumilingon.
"Giant,hindi totoo iyan!"
"If you do...bakit mo ako hinayaang iwanan sa liblib na lugar na yun?if you did...bakit mo ako hindi binalikan?"
Nanlalamig ang aking mga kamay bago ko naihilamos iyon sa aking mukha.His words like shattering me into pieces!
"Paano pala kung hindi bumalik ang aking alaala,Sweetheart?ganoon lang kadali sa'yo na isuko ako sa iba?that's bullshit!"
Nanginginig ang aking labi at ngayon ko lang napagtanto na mali pala yung ginawa kong disisyon.
"I'm sorry,dahil mahal kita!"Bulalas ko kasabay ang paglandas ng luha sa aking pisngi.
"I'm sorry,dahil hindi kita kayang kalimutan..giant!"
Napahikbi na ako pero ni hindi man lang nya akong nagawang lingunin para aluin man lang.
"I'm sorry,dahil kahit ano pa ang gawin ko ay ikaw parin ang sinisigaw nitong puso ko!"
Napansin ko ang paggalaw ng kanyang braso dahilan para bumakat ang nakakaakit nyang muscles.
"I'm sorry,dahil wala akong balak na kalimutan ka!"
Napa-facepalm si giant..pero bakit ba hindi nya ako nililingon?
"And I'm sorry,dahil minahal kita nang higit pa sa buhay ko.."
Tahimik lang akong lumuluha at hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaroon ng awkwardness ang muling paghaharap namin ni giant ngayon.
Nagbago na ba sya?
"I need to take a shower..."
Nanlalambot ang aking mga tuhod nang humakbang na sya papasok sa bathroom.
Gusto ko syang habulin..lambingin tulad ng dati kong ginagawa kapag nagagalit sa akin si giant..pero nagda-dalawang isip ako.
Siguro..kailangan nya muna ng space,alam ko naman na hindi nya ako matitiis kapag kusa ng huhupa ang inis na namumuo sa kanyang dibdib.
Maybe,kailangan ko nga syang bigyan ng oras para mapag-isa.Kaya naisipan ko nalang na lumabas ng kwarto at bumaba para tunguhin ang library room.
Marami pa palang trabaho na naghihintay sa akin.Kailangan ko itong tapusin para mabawasan ang paper works na aasikasuhin si giant.
Alam ko,ngayong bumalik na sya..ay hindi na nya ako papayagang ma-stressed sa kaiisip sa pagpapatakbo ng business.
Ilang oras na akong nakakulong sa loob ng library room hanggang sa dinapuan na ako ng antok.Hindi ko alam,pero nakaramdam ako ng pagtatampo kay giant.Ni hindi man lang nya ako nagawang silipin dito,baka naman tulog na sya..haist..
Marahan kong in-stretch ang aking katawan bago ako tumayo at nagpasyang umakyat pabalik sa silid namin.
Pero bigla akong nag-panic nang mabungaran ko ang katahimikan ng silid.Blangko ang ibabaw ng kama at wala din sa loob ng kwarto ang crib ni Princess Klienny.
Oh god!
Hahakbang na sana ako palabas ng pintuan nang may mapansin akong note na nakapatong sa ibabaw ng tokador.Kunot-noo kong hinakbang ang kinaroroonan ng tokador at-
Napatutop ako sa aking bibig nang mapansin ang kumikislap na bagay na nakapatong sa isang maliit na papel.
Oh my god!my wedding ring...
'TALAGANG ISUSUMPA NA KITA SWEETHEART KAPAG SINUBUKAN MONG HUBARIN AT IBIBIGAY SA IBA YANG SIMBOLO NG PAGMAMAHALAN NATIN!'
So,ito pala ang dahilan kung bakit sobra ang kinikimkim nyang galit sa akin..
Oh my giant..my love!
Mabilis kong dinampot ang singsing at kaagad na isinuot iyon sa aking daliri.
Oh my god!how i miss this ring...
Dinala ko iyon sa aking labi at kinintalan ng marahang halik.Pero teka,saan nagpunta si giant?at bakit wala din ang crib ni Princess Klienny..dapat natutulog na sila sa mga oras na 'to.
Mabilis akong lumabas mula sa kwarto at una kong tinungo ang kwarto ni Princess Klienny.
Nagbabakasakali ako na baka naisipan ni giant na kailangan na ni Princess Klienny na masanay nang mag-isa sa kwarto tulad ng mga big brothers nito.
Pero empty ang silid nang buksan ko iyon.Magkasunod kong tiningnan ang kwarto nang twins pero empty din iyon..maging ang kwarto ni Klyde ay empty din.
Oh my god!
Hindi ko na maiwasang hindi kabahan..tinangay na ba ni giant ang mga bata?pero saan naman sila pwedeng pumunta sa ganitong oras?
Patakbo akong bumaba sa hagdan para i-check ang guest room.Mamaya ko na gagamabalain sina Manang at Missy kung wala talaga sa loob ng bahay ang mag-aama ko.
Nakahinga ako ng maluwag nang mabungaran ko ang apat na kapwa nakatihaya ng higa sa ibabaw ng malapad na kama sa loob ng guest room.
Nakadipa si Klien habang nakaunan sa magkabila nyang braso ang three boy's.At mapayapa din namang natutulog si Princess Klienny sa loob ng kanyang crib na nasa gilid din lang ng kama.
Huminga ako ng malalim at hindi ko namalayan ang pagsilay ng matamis na ngiti sa aking labi.Hahayaan ko nalang muna na makakatabi nya sa pagtulog ang mga bata ngayong gabi...since they were missed each other.
Mabuti naman ako..kasi nakapiling ko ng isang linggo ang Daddy ng mga anak ko noong pumunta ako sa Bundok Supo.
Marahan ko nang isinara ang pintuan at napagpasyahan ko nang pumanhik.Kailangan ko na ding matulog dahil maaga akong magigising bukas para pumunta sa Alfemo tower.
Kailangan kong ayusin ang trabahong iiwanan ko kay giant para hindi na sasakit ang kanyang ulo sa pag'o-organize.
*
*
*
"Manang,yung breakfast po na paborito ni giant,hwag nyong kaligtaang ihanda ha?"Paalala ko kay Manang Imelda bago ako lumabas ng living room.
"Hindi ka ba mag-aagahan muna,Rein?"Tanong sa akin ni Manang nang makasalubong ko sya sa hallway.
"Hindi na Manang,marami kasing naghihintay na trabaho sa akin sa office eh!hindi ko naman pwedeng hayaan na si Klien ang magtatapos nun.."
Tumango nalang si Manang bilang pagsang-ayon nya sa aking sinabi.
☆☆☆
BINABASA MO ANG
When the Coldhearted Beast awaken (When he Was gone)
ChickLitREIN-KLIEN STORY SEASON 2. Para hindi malito..basahin muna yung 'When the Coldhearted Beast awaken'. Caution:heartbreaking! Kung ayaw nyong umiyak hwag nyo nalang pong basahin.. 《Sa lahat ng saya ay may lungkot..sa lahat ng ngiti ay may luha..ganoo...