"BITAWAN NYO AKO!MGA HAYOP KAYO!!"
Napalihis ako ng daan at mabilis na kumubli sa malaking puno nang marinig ko ang hiyaw ng isang babae.
Marahan kong inilabas ang dala kong baril bago ako sumilip sa pinanggalingan ng tinig.
I gritted my teeth at napahigpit din ang pagkakawak ko sa aking pistol nang matanaw ko na hawak ng dalawang lalaki na nakasuot ng maitim na maskara sa magkabilang braso yung babae na malakas na nagpupumiglas.
I have a urged to helping her...hindi kaya ang dalawang lalaking iyan ay isa sa mga taong katutubo na nakatira sa Bundok Supo?
Iyon pa naman ang naging babala sa akin ng matandang babae na nakausap ko kanina.
Napansin ko na aakma sanang sapakin nung isang lalaki ang babaeng namimilipit sa sakit dahil sa mahigpit nilang pagkakahawak.Pero bago pa tumama ang kanyang palad sa mukha ng kawawang babae ay naunahan ko ng paputukin ang hawak kong baril.Tumama ang bala ng baril sa kanyang braso.
"Shit!mayroon syang kasama!!"Sigaw ng isa habang napalinga sa paligid.
Nagkaroon ng pagkakataong makawala mula sa kanilang pagkakahawak yung babae dahil saglit na nawala ang kanilang atensyon.Yun ang hinintay kong magandang pagkakataon.
Muli kong pinaputukan ang isang lalaki.Tumama ang bala sa kanyang binti dahilan para mapaluhod sya sa damuhan.
Ibinaba ko ang aking backpack at patakbo akong lumabas mula sa aking pinagkukublihan.
"HOY MGA GAGO!!ANG BABAE IGINAGALANG AT HINDI SINASAKTAN!"sigaw ko.
Nagulantang ang dalawang lalaki nang marinig ang malakas kong sigaw.Pero bago pa nila matanggal mula sa kanilang likuran ang nakasakbit na palaso ay naunahan ko na silang binigyan ng magkakasunod na flying kick.
Tumama iyon sa kanilang mukha dahilan para kapwa silang masubsob sa damuhan at tuluyan nang mawalan ng malay.
"Maraming salamat sa tulong pero kailangan na po nating umalis dito baka maabutan tayo ng mga kasamahan nila!"
Nilingon ko ang babaeng nagsalita.Sa tingin ko parang nasa mid-twenties palang sya.May hitsura naman sya kung ikukumpara ko sa mga taong katutubo na nakunan ng camera sa tabloid na nakita ko.
Muli kong binalikan ang aking gamit na nasa ilalim ng malaking puno na pinagkublihan ko kanina.
Naramdaman ko ang kanyang pagsunod sa likuran ko kaya wala akong choice kundi ang kausapin sya.
"Anong atraso mo at kung bakit ka nila hinuli?"Tanong ko matapos kong isakbit sa aking likod ang aking backpack.
"Wala akong atraso!hinarangan nila ako sa daan..sila ang mga kalaban na ibig sakupin ang Bundok Supo!wala akong kasama ngayon dahil pupunta lang naman ako sa bayan para mamili ng mga kakailanganin ng aking ka-tribo..pero hindi ko inaasahan na ganito ang nangyari.Salamat sa'yo..dahil kung hindi mo ako natulungan baka talagang napahamak na ako."
Biglang lumukso ang aking puso nang marinig ko ang lugar na kanyang sinambit.
"Sasama ako sa'yo!"Final kong saad.
May pagdududa nya akong tinitigan sa aking mga mata.
"Ako nga pala si Rein..isang pintor!"
Inilahad ko ang aking kamay para makipagkamay sa kanya pero sinundan lang nya ng paningin ang aking kamay.
Nagulat nalang ako nang bigla nyang hawakan ang aking kaliwang kamay at inignora ang aking kanang kamay na ngayon ay nakaambang parin sa kanyang harapan.
BINABASA MO ANG
When the Coldhearted Beast awaken (When he Was gone)
Literatura FemininaREIN-KLIEN STORY SEASON 2. Para hindi malito..basahin muna yung 'When the Coldhearted Beast awaken'. Caution:heartbreaking! Kung ayaw nyong umiyak hwag nyo nalang pong basahin.. 《Sa lahat ng saya ay may lungkot..sa lahat ng ngiti ay may luha..ganoo...