Katahimikan ng buong paligid ang nabungaran ko kinabukasan.Marahil ay pagod ang lahat dahil sa naganap na kasiyahan kagabi.
Ano kaya ang pwede kong gawin ngayong araw?Lalabas na sana ako sa makipot na pintuan ng gate nang-
"Pwede ba tayong mag-usap?"
Marahan akong humarap at hindi na ako nagtaka nang seryosong mukha ni Amica ang aking nabungaran.
"Wala akong pakialam kung mayroon mang nangyari sa inyong dalawa ng Pinuno kagabi!"Walang kakurap-kurap nyang sabi.
"Ang mahalaga sa akin ay ako parin ang babae na pipiliin nya para pakasalan."
Naikuyom ko ng mahigpit ang aking kamao bago nagsalita.
"Paano ka nakakasiguro na talagang ikaw ang pakakasalan ng Pinuno?"naghahamon ang aking titig sa kanya.
"Dahil wala syang balak na magpakasal sa isang babae na may asawa na!"
Nagulat ako sa narinig.
"Paano mo nalaman ang tungkol dyan?"
Ngumisi sya na may kasamang pang-uuyam.
"Nakapagtataka ba?syempre sinabi sa akin ng Pinuno!humingi sya ng tawad sa akin kagabi at ang sabi nya sa akin ay pinagsisihan nya kung bakit sya naakit sa isang katulad mo..kaya hwag ka ng mangarap na magustuhan ka ng Pinuno dahil hinding-hindi mangyayari iyan.."
Pakiramdam ko ay nawalan ako ng sasabihin dahil hanggang sa tinalikuran na ako ni Amica ay hindi ko na nagawang magsalita pa.
Tuluyan na akong lumabas at wala sa sarili na sinundan ang makipot na daan na dati ay pinagdalhan ni giant sa akin.
Nagtatakbo ako sa madamong daanan dahil pakiramdam ko ay sumisikip ang aking kalooban nang paulit-ulit na nagre-rewind sa aking utak yung mga pahayag ni Amica sa akin kanina.
Ang akala ko ay nakakatulong yung nangyari sa amin ni giant kagabi.Na kahit konti ay mayroon man lang syang maalala nang mag-isa ang katawan namin..pero hindi!mas lumala pa yata ang sitwasyon!
Mali ang pagkakaintindi nya..haist!ano ba ang dapat kong gawin?paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat?
Pahingal akong huminto nang matanaw ko ang lawa.May mga bangka na nakahilera sa gilid.Saan kaya nila ginagamit ang bangkang iyan?
May nakita akong lalaki na nakatayo sa tapat ng isang bangka.Magkukubli sana ako pero sakto naman ang kanyang paglingon.
Nakahinga ako ng maluwag nang mapansin ko ang kanyang pagyukod bilang pagbati.Ang akala ko pa naman ay kaaway.
Marahan ko syang nilapitan at nakiusap ako sa kanya na kung pwedeng makigamit sa kanyang bangka.
Pumayag naman sya at ito na mismo ang nagtulak ng bangka papunta sa ibabaw ng tubig.Nagpasalamat ako sa kanya nang maayos na akong makasampa at naupo sa loob ng bangka.
Hayyy...ang ganda naman ng view kapag nagmumula dito.Sayang..hindi ko man lang nadala yung sketchbook ko.Naiguhit ko sana ang tanawin na natatanaw ko ngayon.
Dinampot ko yung paddle.Paano kaya gamitin ito?
Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala man lang katao-tao sa lugar na ito.Mas mainam nga siguro ang katahimikan sa mga oras ngayon para makapag-isip ako ng maayos.
Hindi ko namalayan na napalayo na pala ako.May kalaliman na siguro yung tubig sa banda rito.
Ipinatong ko sa aking kandungan ang paddle nang mapagod ako sa ginagawa.
Giant..talaga bang papakasalan mo si Amica?
Haist!
Bumalikwas ako ng tayo kaya biglang gumalaw ang bangka.Nakalimutan kong nasa loob pala ako ng bangka!
BINABASA MO ANG
When the Coldhearted Beast awaken (When he Was gone)
Literatura FemininaREIN-KLIEN STORY SEASON 2. Para hindi malito..basahin muna yung 'When the Coldhearted Beast awaken'. Caution:heartbreaking! Kung ayaw nyong umiyak hwag nyo nalang pong basahin.. 《Sa lahat ng saya ay may lungkot..sa lahat ng ngiti ay may luha..ganoo...