Chapter 17

7.6K 228 0
                                    

Kompleto na ang mga board members nang pumasok ako sa loob ng conference room.

Lahat sila ay magalang na bumati sa akin pero ni simpleng ngiti ay hindi man lang umalpas mula sa aking labi.

Dire-deretso ako sa upuan na nakalathala para sa akin.Pinasadahan ko ng mapanuring tingin ang lahat nang makaupo ako sa aking pwesto.

Pinasadahan ko ng tingin ang document na dinistribute ni Annie sa aming lahat bago ko ibinaling sa kanila ang aking buong atensyon.

"So,mahigit isang linggo lang akong nawala ay ito na ang nangyayari sa loob ng Alfemo of Company.Paano nalang pala kung mawawala ako ng dalawang linggo...buwan at taon?tuluyan na kayang mababaon ang kompanyang ito?"

Ni isa sa kanila ay wala man lang nagtangkang magsalita kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Kusing lang para sa akin ang halagang nawala mula sa loob ng kompanya ko...kung tutuusin mababawi ko kaagad ang halagang iyon,why?dahil katumbas lang iyon ng isang araw na kinikita ng kompanyang ito."

Wala paring reaksyon mula sa mga board members kaya itinuloy ko ang aking sasabihin.

"Pero hwag nyong iisipin na ipasawalang-bahala ko ang halagang nawala mula sa company...dahil kapag pinalampas ko ito,ay mas lalong lumaki ang ulo ng salarin.Wala naman akong maituturo kahit na isa sa inyo dahil alam kong wala akong hawak na matibay na ebidensya!pero gentlemen...hindi naman siguro makaturangan kapag ang irarason nyo sa akin ay ang mga kawawang empleyado ang may gawa nito..."

Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy sa pagbibigay mensahe.

"Iginalang ko kayo dahil pinagkatiwalaan kayo ng asawa ko...pero noon yun,noong si Klien Staneil Alfemo pa ang namamalakad sa kompanyang ito.Ngayon na ako na ang namamahala dito...at ganito din ang resulta ng nakikita ko,hindi ako nasisiyahan na marami tayo sa organization na ito..hindi ako natatakot na mawala kayo dahil kaya kong itaguyod ng mag-isa ang Alfemo of Company.Billions of money ang naiwan ng asawa ko,kahit hindi na ako magtrabaho o,kahit sabihin pang babagsak ang kompanyang ito ay hindi  parin mamumulubi ang aking pamilya!pero mas pinalakas ko ang kompanya na sinimulan ng asawa ko dahil iniisip ko kayo gentlemen!iniisip ko ang mga tao na nagdedepende dito sa loob ng Alfemo tower!hindi ako nagpapakatanyag dahil sa pansariling interest!pero dahil ganito naman ang isinusukli nyo sa mga kabutihan ko i was thinking...."

Nilaro-laro ko sa aking kamay ang hawak kong ballpen bago ko inisa-isang tingnan ang mga board members.

"Hwag nyo na akong hintayin na isa-isahin ko pa kayong ipapa-imbestiga!look gentlemen...marami na akong problemang kinakaharap kaya hwag na kayong dumagdag pa!two weeks...bibigyan ko kayo ng palugit,kapag hindi parin naresolba ang problemang ito pagkatapos ng dalawang linggo...well,dito na siguro magagamit ang salitang unity!kasalanan ng isa,damay lahat!so,kung hindi kayo magkaisa para malutas ang problemang ito...isulat nyo nalang ang halaga ng share nyo sa kompanyang ito at ibabalik ko ang pera nyo gaano man ito kalaki!"

Nagulat nalang ako nang biglang magreact ang isa sa mga board members.

"Mukhang kalabisan naman yata itong disisyon mo Mrs Alfemo.Mag-iisang taon ka pa lamang na namamahala dito sa kompanya ng asawa mo pero kung makaasta ka-"

"Wala kang karapatan na panghimasukan ang disisyon ko Mr Amueva!you only have thirty percent share on this company and i am the majority!!"

Natahimik ang lahat nang bigla akong tumayo at tinampal ko ng malakas ang ibabaw ng mesa sa may tapat ko.

Hindi ba nila napaghandaan na mas malala kay Klien Staneil Alfemo ang pumalit na CEO sa Alfemo of Company?

Kung kalabisan nga sa tingin ng iba itong ginagawa ko...I'm fine with that!kaysa naman na hahayaan ko silang mamimihasa!

Halos nakayuko ang ulo ng lahat at bagsak ang balikat nang magsitayuan at magsilabasan ang mga board members nang mag-adjourned ang meeting.

Tanging si Gio lamang ang naiwan sa loob ng conference room na kasama ko ngayon.

"What's wrong,Heartily?umalis ka na hindi man lang nagsabi tapos dumating ka na mainit ang ulo...may nangyari ba?"

Bumaling kay Gio ang aking paningin.Nakaguhit sa kanyang mukha ang sobrang pag-aalala.

Halos mag-iisang taon na hindi man lang nagsasawang nagpapadala ng bulaklak para sa akin si Gio.He never stop sending me a bunch of flowers kahit alam naman nya na sa basurahan lang ang bagsak ng mga flowers na yun.

Hindi sya sumusuko kahit na lagi ko syang nabubulyawan.He will always by my kid's side.

Ni hindi nya ako nakalimutan..kung bibigyan ko lang ng ibang kahulugan ang mga kabutihang ipinapakita nya sa akin simula nang mawala si giant?ay iisipin kong mahal parin ako ni Gio hanggang ngayon.

Gio...kung natuturuan lang sana ang puso...

Kung nagkaroon din sana ako ng amnesia katulad ni giant?why i can't love you back?kaso hindi eh!

Ang pusong ito ay nakalaan lang talaga para kay Klien Staneil Alfemo!

Nothing more...nothing less!

"Gio..."

"Yes Heartily..."

"Samahan mo ako."

Biglang umaliwalas ang mukha ni Gio at hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang labis na pagdududa sa kanyang mga mata.

Well,nagtataka siguro si Gio dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na magpapasama ako sa kanya.

Maliban nalang kapag nangungulit ang three boy's na pumunta sa amusement park at magkataong busy si Kuya Raisynzee kaya no choice...si Gio ang makakasama namin.

Of course hindi pwedeng wala kaming kasama since hindi ko nasasamahan sa bawat ride yung mga anak ko.Mabuti nalang talaga at laging nandyan si Gio.Ni hindi nya binibigo ang kahilingan ng mga anak ko.

"Where to?"Excited nyang tanong.

"Mag-marathon tayo..."

"WHAT!?"

Muntik na akong tumambling dahil sa lakas ng sigaw ni Gio.

"Ayaw mo?okay...tatawagan ko nalang si Kuya Raisynzee!"

"Of course gusto ko!nagulat lang ako Heartily...sa lahat kasi na pwedeng mapuntahan..marathon pa talaga?nahihingal na nga ako,magiging marathoner pa ngayon."

Napatawa nalang ako sa kanyang sinabi.

"Wala lang...gusto kong tumakbo kasi pakiramdam ko yun ang pinakamabisang stressed reliever  ko this time."

"Fine!get ready...kukuha  lang ako ng maisusuot ko,alangan naman na magtatakbo ako na naka-business suit!"

"Haha...okay,just give me a call kapag nakahanda ka na!"

Napapangiti nalang ako habang sinundan ko ng paningin ang paglabas ni Gio.

Anong kalokohan na naman ba itong naiisip ko ngayon?At naisipan ko pang idamay ang kawawang si Gio..

☆☆☆

When the Coldhearted Beast awaken  (When he Was gone)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon