EPILOGUE

17.8K 630 127
                                    

Rein's POV

Dalawang buwan ang lumipas...

*

*

*

Tinupad ni Klien ang kanyang pangako na dadalhin nya ang aming mga anak sa real Disneyland.

Two weeks kaming nanatili sa California during vacation ng mga bata two months ago.

And after a week pagbalik namin mula sa California ay muling ginanap ang napaka-engrandeng wedding day namin ni giant.

Dalawang beses na kaming ikinasal ni Klien  pero si Kuya Raisynzee still single parin!but i think?plano na din nyang lumagay sa tahimik..sineryoso nya ang pakikipagrelasyon nya kay Minna.

At lahat kami ay masaya sa kaalamang iyon..

Matanong nyo kung kamusta naman si Gio?well,wala akong alam.Nararamdaman kong dinidistansya nya ang kanyang sarili sa akin simula nung huli  na magkasayaw kami that night na sa muling pagbabalik ni giant sa Alfemo residence.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Gio kung bakit ay biglaan nalang  ang kanyang pagbabago.

Binantaan ba sya ni Klien kaya nya ako  iniiwasan?

Or,nagbago sya dahil nagkaroon na sya ng sarili nyang girlfriend?pinagbawalan kaya sya ng kanyang girlfriend ngayon na kausapin ako?

Or,masama ba ang kanyang loob dahil sa sinabi ko sa kanya last time na kailangan na humanap na sya ng sariling pamilya?

Sa totoo lang..sa akin lang naman sya umiiwas!kasi alam nyo ba?in good terms naman sila ni Klien eh!

Sinasabihan nga nya si giant na dalhin sa labas ang mga anak namin dahil nami-miss nya ito.At gusto nyang makita..na pinapaunlakan naman ni giant pero sa isang kondisyon!yun ay dapat hindi ako kasama..haha.

Hindi ko naman sya masisisi kung bakit masyado syang napalapit sa mga bata since isang taon nya itong laging nakakasama.

But damn it!anong dahilan kung bakit sya lumalayo sa akin?dinamdam ba nya masyado ang pagiging harsh ko sa kanya dati?

Haist!ewan ko sa kanya!kung ano man ang rason nya...only heaven knows!

Bakit ko pa ba pinapakialaman ang tungkol sa buhay nya kung may sarili naman syang kwento?

Bakit ko pa kino-conclude dito sa loob ng story namin ni giant ang storya ng buhay nya?love story namin ni giant 'to kaya wala akong alam tungkol sa love story nya!

Ipanalangin ko na lamang,Gio..na sana mabigyan ka ng pansin ni Author..

Sana hindi sya tamarin na gawan ka ng sarili mong kwento..naaawa na ako sa'yo sa totoo lang!

Sana magkabati na tayo sa susunod na sequel ha?

"Mommy!matagal pa ba yan?nangangalay na ako dito!!"

Napakurap-kurap ako nang marinig ang nayayamot na boses ni Keeve.Hindi ko na namalayan na saglit palang lumipad ang aking utak.

Kaharap ko nga pala ang malaking canvas ngayon at ang motif na nililikha ko ay ang ALFEMO FAMILY PORTRAIT!

Kaya kung maitatanong nyo sa akin na nasaan na nga ba ang mag-aama ko?

Hayun sila nasa harapan ko.Napalagitnaan ng three boy's ang kanilang Daddy habang nakaupo sa hita ni Klien ang youngest daughter namin.At ako?madali nalang yun..kaya ko namang ipinta ang sarili dito sa iniwan kong space na katabi ni giant.

"Keeve,hwag kang malikot!sa'yo na ako naka-focus ngayon!"

Actually,ilang linggo ko nang sinimulan itong bagong motif ko...pero hindi na matapos-tapos,hwag nyo ng itanong kung bakit?sa kakulitan ba naman ng mga anak ko?

When the Coldhearted Beast awaken  (When he Was gone)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon