Kanina na gising ang aking diwa pero hindi ko magawang imulat ang aking mata.Naramdaman ko na nakahiga ako sa matigas na lapag.
Ayokong magising!ayoko!
Kumawala na naman ang luha mula sa nakapikit kong mata.May mas sasakit pa ba sa nararamdaman kong ito?
Mag-iisang taon...halos isang taon na parang wala ako sa sarili at namuhay na parang zombie na walang ibang ginawa kundi ang hintayin ang kanyang pagbabalik.
Tapos sa loob pala ng mga panahon na iyon ay namuhay sya kapiling ang ibang babae?yun ba ang nagiging buhay ni giant habang malayo sya sa piling ko?malayo sa piling ng mga anak namin?
Gusto kong magwala!magsisigaw!pero wala akong ibang nagagawa kundi humagulgol nalang ng iyak.
"Ahmmm..."
Bigla akong natigilan nang marinig ang pagtikhim ng isang boses lalaki sa loob ng silid na kinahihigaan ko ngayon.Hindi pala ako nag-iisa kaya sa ayaw man at sa gusto ko ay kailangan ko ng idilat ang aking mga mata para mapagsino itong kasama ko dito sa loob ng silid.
Marahan kong ipinilig ang aking ulo sa direksyon ng pinanggalingan ng boses.
At halos nahigit ko ang aking paghinga nang matanaw ko si giant na kampanteng nakaupo sa lapag malapit sa aking kinahihigaan.Nakasandal ang kanyang likod sa dingding na gawa sa kawayan habang nakataas ang kabilang tuhod at malayang nakapatong sa ibabaw ng kanyang tuhod ang kanyang kanang braso.
I look at him intently in the eyes...pero katulad kanina,wala man lang akong naaaninag na emosyon mula sa kanyang expressive eyes!
He didn't recognize me at all...
Tumagilid ako ng higa patalikod mula sa kanyang pwesto para maikubli ang hindi maawat-awat na luha mula sa aking mga mata.
Ilang minuto din ako na nasa ganoong ayos at ilang minuto ding hindi kumikibo si giant.
"Anong pangalan mo?"He broke the silence na syang lalong ikinasikip ng aking dibdib.
Even our first encounter ay hindi man lang nagawa ni giant na tanungin ang aking pangalan instead ako ang nagtanong sa pangalan nito.
Why?dahil alam na nya kung sino ako bago pa ako napadpad sa loob ng kanyang mansyon eight years ago.
"Rein..."
Wala akong choice kundi ang sambitin ang aking pangalan..nagbabakasakali ako na sana ay mayroon man lang syang maalala tungkol sa kanyang nakaraan kapag marinig nya ang pangalan ko pero-
"Ulan?"
Napalunok ako.Wala na talagang pag-asa,he didn't notice it even the sound of my name...why?dahil siguro nasanay syang tawagin akong sweetheart?
Ngayon pinagsisihan ko tuloy kung bakit hinayaan ko sya na tawagin akong sweetheart instead of Rein.
Marahan kong pinunasan ang aking luha at lumunok muna ako ng mariin bago naglakas loob na nagtanong.
"I-ikaw..anong pangalan mo?"
Nanginginig ang aking kamay habang inaantay ang kanyang sagot.I can't see his expression dahil nakatalikod parin ako mula sa kanyang direksyon.
"Hindi ko alam,nagising nalang ako na tinatawag nilang Pinuno!"
Napasinghap ako...so,he really lost his memory.
"Kauna-unahang tao na nakilala ko na walang pangalan..."I muttered.
"Bakit ka nga pala umiiyak?"
BINABASA MO ANG
When the Coldhearted Beast awaken (When he Was gone)
Chick-LitREIN-KLIEN STORY SEASON 2. Para hindi malito..basahin muna yung 'When the Coldhearted Beast awaken'. Caution:heartbreaking! Kung ayaw nyong umiyak hwag nyo nalang pong basahin.. 《Sa lahat ng saya ay may lungkot..sa lahat ng ngiti ay may luha..ganoo...