Dinner time...
"Mommy nakalimutan mong ipaghain ang plate ni Daddy!!"
Wala sa loob na napaangat ako ng paningin at napatitig kay Klyde na kunot na kunot ang noo habang nakatingin sa akin.
Ngayon ko lang napansin na hindi pa pala sila kumakain at inaantay muna ang daily routine namin pagsapit ng meal time.
Ibinaling ko sa blangkong upuan ang aking paningin bago ko itinuon sa empty plates ang aking atensyon.
Lumunok muna ako ng mariin bago nagsalita.I think this is the right time para unti-unti ko nang sanayin ang mga anak ko na dapat na naming kalimutan ang kanilang Daddy..dahil hinding-hindi na ito babalik pa sa aming piling.
"Look boy's...it's better kung hindi nalang natin iisipin si Daddy...tutal hindi naman natin sya kasama ngayon diba?so,ititigil na-"
"NO!!!"
Sabay pang sigaw ng aking twins dahilan para mapahinto ako sa pagsasalita.
"Magagalit si Daddy kapag kinalimutan natin sya Mommy!"
Hindi ko na napigilan ang pagkawala ng maraming luha mula sa aking mga mata nang sumegundo na naman si Klyde.
Sa tagal ng pagkawala ni Klien mula sa aming piling ay never kong pinakita sa mga anak ko ang aking pag-iyak...ngayon lang,dahil hindi ko na talaga kaya ang magtimpi pa na hwag umiyak sa kanilang harapan.
"Hinding-hindi ako kakain kapag hindi mo hinainan ang plate ni Daddy,Mommy.."
Napahagulgol ako ng iyak habang pinagmamasdan ko ang hitsura ng aking mga anak.
Miss na miss na nila ang kanilang Daddy...
Kasalanan ko 'to...kasalanan ko kung bakit nahihirapan ng mag-move on ang mga anak ko dahil iniisip parin nila na anumang oras ay babalik at babalik ang kanilang Daddy!
Pero damn it!paano ko ipaliliwanag sa kanila na tuluyan na kaming kinalimutan ng kanilang Daddy?
Na hinding-hindi na nya kami maaalala pa kahit kelan?
Na masaya na sya sa kanyang buhay ngayon dahil magkakaroon na sya ng panibagong pamilya?
"Isusumbong kita kay Daddy kapag dumating sya Kuya Klyde!"~Keeve~
"At bakit naman?"~Klyde~
"Kasi pinaiyak mo si Mommy"~Keeve~
"Don't cry na Mommy...hainan mo na ng pagkain si Daddy,kasi I'm hungry na!"~Keen~
"Rein,sige na tumayo ka na dyan...pagbigyan mo na ang mga bata,sinanay mo kasi kaya hayan..."
Bumaling kay Manang ang aking paningin at wala sa loob na tumango.
Pinunasan ko muna ng tissue ang aking mga mata bago ako tumayo pero naunahan na ako ni Missy.
"Momtie,ako na ang maghahain-"
"No!!!ayaw ni Daddy na ibang tao ang maghahain ng pagkain nya Ate Missy...gusto nyang si Mommy lang ang maghahain ng pagkain na para sa kanya!"~Klyde~
Pinandilatan sya ni Missy.
"Big boy,hindi naman nya nakikita kasi wala naman sya dito,so paano sya magagalit..huh!?"
"Isusumbong namin..."Churos na sabad nina Keeve at Keen.
"Okay...okay...I'm sorry na boy's,baby maupo kana...ako na ang maghahain..."
Mabilis na akong tumayo at umikot sa upuan na pwesto ni giant.
BINABASA MO ANG
When the Coldhearted Beast awaken (When he Was gone)
Chick-LitREIN-KLIEN STORY SEASON 2. Para hindi malito..basahin muna yung 'When the Coldhearted Beast awaken'. Caution:heartbreaking! Kung ayaw nyong umiyak hwag nyo nalang pong basahin.. 《Sa lahat ng saya ay may lungkot..sa lahat ng ngiti ay may luha..ganoo...