PROLOGUE

21.3K 329 17
                                    

I'm pacing back and forth at the front of our gate waiting for my husband to come.

Where the hell is he?

Hawak ko sa aking kamay ang aking phone pero mula sa pag-alis nya kaninang umaga hanggang sa gumabi na ay ni hindi man lang nya ako nagawang tawagan o i-text man lang.

Nakakain na ang mga bata dahil sinabi ko sa kanila na hindi na namin makasabay sa dinner ang kanilang Daddy dahil malayo ang pinuntahan nito.

But for heaven's sake!he told me na half day lang syang mawawala.Itse-check lang daw nya kasi ang location na kung saan doon pinagkasunduan ng kanilang organization na magpatayo ng planta.But look...anong oras na ngayon ay hindi parin sya dumadating.

Nakakaramdam na ako ng matinding kaba mula sa aking dibdib.He's safe,right?

Walang masamang nangyari kay giant...wala!

He's a strong man na kinatatakutan ng lahat..

He's a famous..a tycoon..a dangerous one!

There's no one can mess with him!

Pero bakit ako kinakabahan?

Napaangat ako ng mukha nang biglang bumukas ang malaking gate.Sumilay ang ngiti mula sa aking labi at napalitan ng excitement ang aking nararamdaman sa pag-aakala kong si giant ang dumating.

But,my sweet smile vanish...my excitement fades away nang mapagtantong si Carlo at ang grupo nito ang iniluwa ng malaking gate.

Yumukod muna ito bago nagsalita na syang ikinapanginig ng aking tuhod.

"Ma'am Emyrein,may masamang balita.Sumabog ang chopper na kinalululanan ng Master!"

Napaawang ang aking bibig at pilit na nililinaw ng aking isipan kung ano itong pinagsasabi ni Carlo sa akin ngayon.

But before i realize..nakahakbang na pala ako sa kanyang harapan at binigyan sya ng malakas na suntok sa kanyang mukha.

"Gusto mo bang mawalan ng trabaho!!"I shouted at him.

"Ma'am-"

"Kung gusto mong magbiro,piliin mo yung biro na nakakatawa...naiintindihan mo ba,Carlo?"putol ko sa kanyang nais sabihin.

Napalunok ako at pilit na pinipigilan ang mga luha na nagbabadyang kumawala mula sa aking mga mata.

"Pero hindi po ito biro Ma'am!sumabog po talaga ang chopper na-"

Hindi na natapos ang iba pa nyang sasabihin dahil lumipad na ang aking kamay palapat sa kanyang pisngi.

Hindi pa iyon..pinagsusuntok ko pa si Carlo sa kanyang dibdib.

"Hindi totoo yan!hindi!"

Napahagulgol na ako ng iyak at bago pa ako napaluhod sa semento ay sya namang pagpasok ni Dad at Kuya Raisynzee.

"Baby!"

Patakbo akong dinaluhan ni Kuya bago niyakap ng mahigpit.Napasugod silang dalawa dito sa mansyon.Isa lang ang ibig sabihin nun..

Totoo ang ibinalita ni Carlo sa akin ngayon...

☆☆☆

When the Coldhearted Beast awaken  (When he Was gone)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon