Yen POV:
Weeks after..
Sakit nang ulo agad ang naramdaman ko sa pagmulat pa lang ng mga mata 'ko. Paano kasi napalaban na naman ako ng inuman kagabi kasama yung mga tropa ko. Pag 'yun pa naman ang mga nagyayaya, siguradong abot madaling araw ang inuman namin. Tingin ko nga hanggang ngayon may tama pa din ako ng alak eh.
Siguradong tatalakan ako ng bisor ko mamaya sa trabaho pag nahalata niya 'to. Tsk. Kabago-bago ko pa man din dun, puro sermon na inabot ko sa kanya.
Bumangon ako ng higaan ko at uminum ng tubig pero dahil di naman malamig nainum ko kaya feeling ko di nawala yung amats ko. Kumuha nalang ako ng tuwalya at sinabit 'to sa balikat ko 'tsaka ako nag lakad papasok ng banyo para maligo na dahil may trabaho pa 'ko.
Sa pagtapos ko namang maligo, nag bihis na agad ako nang uniform kong polo shirt na kulay red na may nakatatak nang name ng Cafe na pinagtatrabahuhan ko, slux and black flat shoes.
Pagkabihis ko, lumabas muna din naman agad ako ng bahay bitbit ang bag pack ko na ang tanging laman lang ay tshirt at payong kung sakaling umulan tsaka ni-lock ang pinto.
Nag simula akong mag lakad, pero dumiretso muna ako sa tindahan na malapit sa bahay para bumili ng softdrinks.
"Manang, isang yosi nga tsaka Rc, yung malamig na malamig ah." Sabi ko sa tindira pagkadating na pagkadating ko sa tindahan.
"Uy, Yen!" Biglang pagpapakita ng kaibigan kong si Layla Lalaine, in short Lala. Iniklian namin kasi ang sosyal ng pangalan niya hindi bagay.
Si Lala ang sanggang dikit ko sa kulungan noong naka kulong pa kami. Tama kayo nang dinig nakulong kami. Siya nakulong dahil sa droga, ako naman homicide. Nauna siyang lumaya kesa sa'kin pero kahit ganun hindi nawala yung nabuong samahan namin sa selda kaya nung nalaman niyang nakalaya na 'ko tinulungan niya 'kong humanap ng matitirhan dahil sa totoo lang hindi ko din alam kung saan ako pupunta nung makalaya ako.
"Langya, mukhang lasing ka pa ah." Natatawa nitong sabi.
"Tangina n'yo kasi eh, parang ako lang nilalasing n'yo kagabi eh." I-ni-unang ibigay sa'kin nung tindera 'yung yosi kaya sinindihan ko muna 'to.
"Gaga! Si Cho ang tanggero hindi ako nu. Eh alam mo namang trip ka nun kaya mukhang nilalasing ka."
"Gago talaga 'yun, ayaw pa ring tumigil."
"Patay na patay sa'yo eh."
"Lul! Tigilan niya nga 'ko." Di ko trip 'yung ugok na 'yun. Si Cho o Pocholo ay kapit bahay namin, na maangas dito sa Tondo. Nakilala ko siya dahil kay Lala, kababata niya kasi. May itsura naman siya may mga tattoo tulad ko ang hanap buhay niya ay isang tricycle driver. Matagal na niya 'kong trip pormahan kaso ayaw 'ko, kaya binarkada nalang niya 'ko. Yun din naman ang gusto ko.
Sabihin nalang natin na sawa na 'ko sa mga bad boy.
Pagkaabot sa'kin ni Manang nung softdrinks ko na nakalagay sa plastic na may straw nag bayad agad ako. "Sige na, papasok pa 'ko eh." Pagpapaalam ko kay Lala.
"Sipag ah! Pautang ah!" Pagbibiro niya. Nag dirty finger nalang ako bilang sagot. Utangan daw ba 'ko eh ang dami ko nga ding utang. Wala pa nga 'kong bayad sa upa ko sa bahay, tubig, kuryente pa. Paniguradong pupuntahan ako nung nagpapaupa sa'kin bukas para singilin ako, dalawang buwan na utang ko dun eh. Ay teka- 'di lang pala dun sa nagpapaupa sa'kin ako may utang pati pala kay Benok. Tsk. Nagiging makakalimutin talaga ako pag dating sa utang.
Nakarating ako ng waiting shed, i decided na ubusin muna 'tong yosi ko sa pag hithit at soft drinks ko bago ako sumakay ng jeep.
Nang maubos ko naman, sumakay na agad ako jeep. Pumwesto ako sa bungad para makatulog pa 'ko. Pero bago yun, nag bayad muna ako sa driver tsaka kumuna ng chewing gum sa bag ko para 'di ako mangamoy yosi, para iwas talak ni bisor.
BINABASA MO ANG
The Decent Son
RomanceChristian Danielles is the decent son of Dante Danielles the CEO of Danielles Corporation. Sa last name palang, kagalang galang na dahil mula siya sa kilalang pamilya. Meet the indecent girl, Yen Salvador the ex-convict beautiful girl. Nakulong siya...