Yen POV
Tapos na 'ko sa pagaasikaso ko for work. Tumingin pa 'ko sandali sa salamin para tignan ang sarili ko. Nang makita kong keri na, lumabas na 'ko ng kwarto ko habang bitbit lang ang bag ko.
Dumiretso ako sa pagbaba. Napadaan ako sa sala at nakita ko do'n si Papa na nag babasa lang diaryo.
"Aalis na po 'ko." Paalam ko. Tumingin siya sa direksyon ko. Sinarado niya ang diaryo tsaka siya tumayo at nag lakad papalapit sa'kin. May kinuha din siya sa bulsa at nang ipakita niya 'to, susi ng kotse ang nakita ko.
"Para sa'n po 'yan?" Tanong ko.
"For you."
"Hindi ko na kailangan niyan, mag co-commute na lang po ako."
"No, accept this." Pagpupumilit niya.
"Dad, 'yong huling kotseng binigay mo sa'kin binenta ko dahil kay Derek."
"Hindi naman na si Derek ang boyfriend mo ngayon."
Sabi ko nga e.
"Pero-"
"Tanggapin mo na lang 'to Alyenna. Ayokong mag commute ka pa." Pagpuputol niya sa pagsasalita ko.
Kinuha ko na lang 'yon dahil kahit ano naman atang tanggi ko, ipipilit pa din niyang ibigay 'to.
"Salamat po."
"Ingat sa trabaho."
"Opo." Nag simula na lang akong mag lakad palabas ng Mansion. Tumingin ako sa mga kotseng naka park para malaman ko kung ano'ng kotse ba ang binigay ni Papa sa'kin at ang nakita ko ay isang kulay red na Audi R8.
"Wow!" I murmured.
I'm really back!
Sumakay na 'ko dito at ewan ko ba akala mo first time kong nakasakay ng kotse dahil medyo namangha ako. Simula kasi ng lumayas ako never ko ng na imagine na magkakaroon pa ulit ako ng kotse.
Pinagana ko na ang makina nito, swabe lang siyang umadar kaya napangiti ako. Sinimulan ko na ang pagmamaneho, dahil sa bago kong kotse feeling ko hindi ako male-late.
Habang nasa byahe nakita ko lang ang kotse ni Dante na nakabuntot sa'kin. Nag ring din naman anag cellphone ko na dahilan para mahati ang atensyon ko.
Kinuha ko lang 'yon at sinagot ang tawag ng mahal kong boyfriend.
"Hello baby?" I answered.
"Hi baby, papasok ka na ba sa trabaho?" Tanong niya.
"Yup, on the way na 'ko."
"I see. Gusto ka palang makasama ni Papa sa dinner para na din daw makausap tayo. Pwede ka ba mamaya?"
"Oo naman, pwede ako. Ipaalam mo na lang ako kay Papa." Kung gano'n magkikita pala ulit kami ni Mr. Danielles.
"I will. Susunduin na lang kita."
"No! Ako na lang ang susundo sa'yo."
"Ha?" Pagtataka niya.
"Binigyan ako ni Papa ng kotse. I'll give you a ride."
I heard him chuckled. "Okay. I'll wait here at my office."
"Okie-dokie!" I ended the call. Nag focus na lang muna ako sa pagmamaneho konhanggang sa finally makarating ako ng Cafe.
Pinark ko lang ang kotse ko at pinatay ang makina tsaka ako bumaba.
Pumasok ako ng Cafe at ang boss kong si Madison ang sumalubong sa'kin.
"Ikaw lang ata ang waitress na kilala ko na may Audi."
BINABASA MO ANG
The Decent Son
RomanceChristian Danielles is the decent son of Dante Danielles the CEO of Danielles Corporation. Sa last name palang, kagalang galang na dahil mula siya sa kilalang pamilya. Meet the indecent girl, Yen Salvador the ex-convict beautiful girl. Nakulong siya...