Natapos kami sa pagkain ni Yen sa fast-food chain pero hindi namin naubos 'yung Burgers na ini-order ko kaya she decided na i-take out nalang namin. Sayang daw kasi.
Dahil gusto pa namin na uminum ng kunti kaya pag alis namin ng fast-food chain, pupunta kami sa isang convenient store para bumili ng beers. Niyaya ko siya na sa Club nalang kami mag inum kaya lang baka daw mapaaway na naman siya pag dun kami uminum kaya pumayag na 'ko bumili ng beers sa convenient store at bahala na kung saan namin 'to iinumin.
Habang nasa byahe kami papuntang convenient store nag tanong ako.
"Hindi pa ba 'ko masyadong nakaka istorbo sa dapat na pahinga mo ngayon?"
"Hindi pa naman, 'wag kang magalala tsaka wala naman din akong gagawin sa bahay. Baka yayain pa 'ko ng mga tambay dun na uminum na naman mag damagan, wala pa namang pasok bukas."
"Umiinum kayo mag damagan?" Gulat kong tanong.
"Oo, buti nga ayos pa bituka namin eh." Biro niya habang tumatawa.
Wow! Pwede pa pala 'yun?
Sa pag dating namin sa convenient store, i decided na ako nalang ang bumaba sa kotse para bumili. Pagkabile ko ng anim na beer para sa'ming dalawa, bumalik din naman agad ako sa kotse. Pag sakay ko pinakita ko sa kanya 'yung beer.
"Saan tayo iinum?" Tanong ko.
"Mmm. Gusto ko sanang mag offer na sa bahay ko kaya lang maliit 'yun, nakakahiya."
"Ayos lang, dun nalang tayo?"
"Sigurado ka?"
"Oo!" Itinabi ko nalang muna 'yung beers na binili ko tsaka ko sinimulan ang byahe.
"Maliit dun!" Pagpapaalala na naman niya habang nasa byahe na kami papunta sa bahay niya.
"Ayos lang. Iinum lang naman tayo eh, tsaka hindi ka mapapaaway kung nasa bahay mo tayo."
She chuckled. "Sabagay."
Nang makarating kami sa kanto malapit sa bahay niya, ginilid ko lang 'yung kotse ko tsaka kami sabay na bumaba. Ako ang may bitbit na beer habang siya naman 'yung burger.
Ayaw niya talagang bitawan 'yung burger, obvious masyadong paborito niya.
Nag simula kaming mag lakad papunta sa bahay niya. Medyo naiilang pa nga 'ko dahil sa mga tinginan nila sa'kin.
"Uy Yen, may kasama ka ah! Sino 'yan? Paano na si Cho?" Tanong ng isang lalake sa grupo ng mga lalakeng nag iinuman.
"Gago! Kaibigan ko lang 'to." Brusko niyang sabi.
"'Wag mo nalang sila pansin, tara na!" Yen told me.
"Tagay ka muna, Yen!" Sabi ulit ng lalake tsaka siya inabutan ng shot glass at isang basong tubig.
Kinuha 'yun ni Yen at ininum, inuna niya 'yung tubig tsaka 'yung laman ng shot glass. Pagkainum niya nun, hinawakan na ni Yen ang kamay ko tsaka niya 'ko hinila papalakad hanggang sa tingin ko makarating kami sa bahay niya.
She just unlocked it then pumasok na kami.
"Pasensya ka na sa bahay ko ah, wala 'tong sala kaya hindi ko alam kung saan ka pauupuin. Sa sahig lang ako kumakain eh."
"Ayos lang, you don't have to apologize." I reassured.
Nilapag niya muna sa gilid 'yung bag niya tsaka siya kumuha ng dalawang baso at isang plato.
"Uh maupo na tayo." Sabi niya sa'kin.
"Okay," Siya ang unang umupo sa sahig kaya ganun din ang ginawa ko. Nilagay niya 'yung burger sa plato tsaka naman niya inabot sa'kin 'yung isang baso. Ako na ang nag bukas ng beer at nilagay ito sa baso.
BINABASA MO ANG
The Decent Son
RomanceChristian Danielles is the decent son of Dante Danielles the CEO of Danielles Corporation. Sa last name palang, kagalang galang na dahil mula siya sa kilalang pamilya. Meet the indecent girl, Yen Salvador the ex-convict beautiful girl. Nakulong siya...