The Decent Son (1)

20.5K 456 6
                                    

Christian POV:

Papunta na 'kong Makati para pumunta sa isang lunch meeting. Dad wants me to go his lunch meeting with some of our shareholders. Gusto daw niya kasi akong ipakilala sa mga ito dahil plano na niya 'kong pa-upuin bilang General Manager ng Danielles Corp.

Noong binalita niya sa'kin 'yun medyo nag hesitate ako dahil 'di ko alam kung kaya ko na ba pero, nang mapaliwanagan naman na niya ko napapayag din naman ako.

Nakarating ako sa restaurant kung saan gaganapin ang meeting. Bumaba ako ng kotse ko at inayos ang suit ko. Papasok na sana ako ng restaurant nang marinig kong nag ring ang cellphone ko. Kinuha ko mula sa loob na bulsa ng suit ko at tinignan kung sino ang tumatawag, nang makita kong ang kaibigan kong si Simon yun sinagot ko muna ito..

"Dude, where are you?" Simon asked from the other line.

"I'm going to a lunch meeting." Pumito siya na tila namangha sa sinabi ko.

"After niyan anong gagawin mo?"

"Wala na, bakit?"

"May event dito sa Club mamayang gabi, baka gusto mong-" Hindi ko na natapos pakingan yung sasabihin ni Simon dahil may biglang humablot ng cellphone.

Napatingin ako sa gumawa nun at nakita ko ang isang lalakeng naka maong short at white T-shirt na may sumbrero na tumatakbo at hawak yung cellphone ko.

"Hey, that's my phone!" I yelled. Hinabol ko siya para mabawi ang cellphone ko, kaya ko pa namang bumili nun pero contacts ang importante dun at yung nag iisang picture ng babaeng importante sa buhay ko.

Pero bago ko pa magawang humabol sakanya may isang babaeng, pumatid sa isnatcher. Nang madapa ito, inupuan ito sa likod ng babae at kinuha yung cellphone ko.

"Ang laki laki ng katawan mo nang iisnatch ka?" Sabi nung babae dun sa isnatcher habang binatukan. Tumayo din naman yung babae tsaka pinosasan yung lalake ng mga guard na nagiikot.

Lumapit sakin yung babae at inabot yung cellphone ko. She's wearing V-neck shape gray T-shirt, and jeans, her hair tied up. She's actually beautiful kahit wala siyang make up. Meron din siyang feather tattoo na may naka sulat din na my love sa right arm niya.

"Oh, pogi! Kung di ka ba naman kasi hunghang eh, binabalandra mo sa kalsada yung cellphone mo eh talagang maiisnatchan ka niyan." She very manly-like said while chewing a bubble gum.

Kinuha ko yun. "What's hunghang?" I asked confused.

She raised her right eyebrow, amused. "Anak ng teteng naman oh, salitang kalye yun na ibig sabihin tanga or bobo! Ayos na?"

Did she just called me bobo? Okay, she's maybe beautiful.. but her manners, were not!

"Anyways.. thank you." I said, still trying to be gentleman.

He slapped my arm. "Walang anuman." Nagsimula na siyang maglakad palayo.

"Miss, wait!" I called almost yelling.

She faces me. "Oh bakit, ano yun pogi?"

Kinuha ko yung wallet ko at kumuha ng isang calling card. "Call me if you need anything, yun na ang kapalit ng tulong mo sakin."

Kinuha niya yung card at tinitigan ito. "Christian Danielles." She reads my name then tumingin siya sakin ng very maangas.

"Pogi, mukha man akong gusgusin sa paningin mo, hindi ko kailangan ng tulong mo!" Pinunit niya sa harap ko yung credit card ko na talaga namang ikinagulat ko. "Salamat mo lang, oks na sakin."

Tumalikod na ulit siya. "Then just tell me your name." I said.

"Yen Salvador." She answered without even facing me. Wala talagang manners.

"Okay, thank you Ms. Salvador." Pagkatapos kong mag pasalamat naglakad na din ako palayo.

Tumingin na ko sa relo at late na ko sa lunch meeting. Lagot ako nito! Dali dali akong tumakbo papunta sa restaurant at tinanong sa staff kung saan nagaganap ang lunch meeting ni Dante Danielles.

Sinamahan ako ng isang waitress papunta sakanila kung saan nakita ko si Papa at yung mga shareholders.

"Good day sirs, sorry im late." I greeted formally. "May nangyari lang nung paputa ako dito, im really sorry."

"That's alright, Christian. Have a seat." Mr. Lorenzo said.

Umupo ako sa tabi ni Papa na halatang hindi nagustuhan ang pagiging late ko siguradong sesermunan ako nito pag natapos tong lunch meeting.

Ang motto pa naman niya lagi ay NEVER BE LATE!

The Decent SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon