The Decent Son (28)

7.4K 261 27
                                    

Umupo lang kami ni Christian na pansin siguro niya na hirap na 'ko sa heels na suot ko. Seventeen palang ako noong huling beses na nag suot ako nito kaya hindi na talaga ako sanay.

"Mr. Christian," Tawag kay Christian ng isang tingin ko ay nasa mid-40's.

"Mr. Lim, may kailangan ba kayo?"

"Pinapatawag ka po ni Chairman. Ikaw lang daw po."

"Hindi ko pwedeng iwan dito si Yen, kaya isasama ko-"

"Christian," Pagpuputol ko sa pagsasalita ni Christian sa'kin. "Ayos lang ako dito, don't worry."

For sure ayaw lang akong makita ng Papa niya kaya ayaw niya akong ipasama.

"Are you sure?" Christian asked.

"Oo."

"Okay! Dito ka lang." Hinalikan niya lang ako sa ulo tsaka siya nag simulang mag lakad palayo.

Dahil wala naman akong magawa at walang makausap. Kumuha na lang ako ng wine sa isang waiter tsaka ko 'to ininum.

Nakakalahati ko na ang iniinum kong wine nakita ko ang papalapit na pinsan ni Christian na si Vin dito sa direksyon ko.

"Hi!" Bati niya habang may blangkong ngiti sa labi niya.

"Hi!" Bati ko din.

"Alam ko na ngayon kung bakit ka familiar."

"Talaga?"

"Oo! Ikaw si Alyenna Ferez hindi ba?"

Oh fuck!

"H-Hindi! Baka ka-mukha ko lang 'yon."

He chuckled, sarcastically. "Hindi ako pwedeng mag ka-maling ikaw 'yon! Tandang-tanda kita. Lumapit ako sa'yo no'n sa isang Club at nagpakilala then may isang gagong lalakeng bigla na lang lumapit at ginulpi ako. Sa pagkakatanda ko, Derek ang pangalan niya. Hindi ko siya makakalimutan dahil dalawang ribs ko ang binali niya."

Wait! Parang may na aalala nga akong gano'ng scenario. 'Yon 'yong unang beses na nakilala ko si Derek. Pinagtanggol niya ako noon sa isang manyak na lalake. So, ito pala 'yong manyak na 'yon? Kaya naman pala siya pamilyar.

"Naalala mo na ba Ms. Alyenna?" He asked, smirking arrogantly.

"Yen ang pangalan ko at hindi Alyenna!"

"Yen? Bakit nga ba Yen ang pangalan mong alam ni Christian? Hindi ba niya alam kung sino ka?"

"Hindi ko alam 'yang sinasabi mo!"

"Tinatanggi mo pa din? Siguro hindi alam ni Christian kung sino ka talaga nu? Well, sa pagkakaalam ko nandito rin si Mr. Ferez. Siguradong siya ang mag co-confirm kung sino ka!"

Tumayo ako at sinamaan siya ng tingin. "Fine! Ako nga 'yon! Kaya ang gusto ko itikum mo 'yang bibig mo!"

Puminto siya na tila namangha pa sa pagkainis ko. "Paanong hindi alam ni Christian kung sino ka?"

"Wala ka ng pakialam do'n! Manahimik ka na lang!" Irita kong sabi.

"Paano kung hindi kita sundin at ipaalam ko kay Christian kung sino ka?"

"Babaliin ko 'yang ilong mo!" Banta ko.

"You haven't change, Alyenna. Kaso wala ng Derek dito na magtatanggol sa'yo."

"Ano bang kailangan mong hayop ka?!"

"Ikaw! Kung nakalimutan mo na, ipapaalala ko lang ulit sa'yo. Same ang High school na pinasukan natin, do'n kita unang nakilala at talaga namang sobrang ganda mo noon. Hanggang ngayon pa din naman. Type na kita noon palang kaya nga noong na balitaan kong pumunta ka ng States, na lungkot talaga ako."

The Decent SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon