Nakarating kami ni Christian sa Mansion ni Papa. Bumusina siya para pagbuksan kami ng gate ng kung sino mang nag babantay sa gate.
Base sa itsura ng Mansion dito sa labas, masasabi kong maraming nag bago dito. Ang tagal na nga talaga ng huling uwi ko dito sa sobrang tagal ni hindi ko na nga maalala.
Nag bukas na ang gate at kilala ko pa 'yong lalakeng nagbukas nito para sa'min. Si Manong Arnel. Hindi pa 'ko nag lalayas nandito na siya, hanggang ngayon nandito pa rin pala siya.
Pagpasok ni Christian ng kotse sa gate at pagpatay niya ng makina bumaba din naman agad kami. Kung saan sinalubong kami ng Mayordoma na si Manang Fe. Nandito pa rin pala siya.
Malaki ng a siguro binago ng Mansion pero 'yong mga tao dito hindi nagbago.
"Ma'am Alyenna, masaya akong makita ka ulit. Napaka ganda mo pa rin, ka-mukha mo na ngayon ang Mama mo."
I smiled. "Salamat po. Masaya din akong makita kayo."
"Kasintahan mo ba siya?" Tanong niya habang nakatingin kay Christian.
"Opo, kahit papaano may nabihag ako." Biro ko.
"Magandang araw po." Bati ni Christian.
"Magandang araw din po, Sir."
"Manang, nasaan po si Papa? Pinapunta niya kasi kami dito."
"Tatawagin ko lang po siya."
"Okay."
Sabay-sabay na kaming tatlo na pumasok ng Mansion dumiretso kami ni Christian sa living room habang si Manang naman para siguro tawagin si Papa.
Umupo na lang kami ni Christian sa couch, habang hihintay si Papa.
"Alam mo hanggang ngayon, na bibigla pa din ako na ikaw pala si Alyenna Ferez." Pagamin ni Christian.
Hinawakan ko siya sa kamay niya. "Masasanay ka din tsaka kahit naman ako si Alyenna para sa mga taong nakakakilala talaga sa'kin ako pa rin naman si Yen Salvador e."
"Buti dumating na kayo, kanina ko pa kayo hinihintay." Dinig naming sabi ni Papa kaya na punta sa kanya ang atensyon namin.
Biglang tumayo si Christian at nag bow sa kanya bilang pagbati.
"Maupo ka na Christian." He told him.
"Tungkol saan po ba ang paguusapan natin?" Tanong ko.
"Ang gusto ko, dito ka na din umuwi tulad ng kapatid mo. Mag aral ka ulit, tapusin mo ang pagaaral mo para hindi lang isang waitress ang maging trabaho mo. Makakapag trabaho ka pa ng iba sa kahit na anong profession na gusto mo."
Talaga bang Tatay ko 'tong kausap ko ngayon? Parang hindi dahil kontrolado niya dati lahat ng gusto niya para sa'min.
Siguro nga talagang bumabawi siya.
"Tingin ko okay naman po 'yon, hindi nga lang 'yong tungkol sa paguwi ko."
"Why not? It's for your safety?! Your bodyguard told me na nakita ka kanina ng kapatid ni Derek. What if sabihin niya kay Derek na nakita ka niya at hanapin ka?"
Na i-report na agad ni Dante 'yon?
"Tama siya baby, baka biglang magpakita si Derek." Pagaalala ni Christian.
"Hindi naman nila alam kung saan ako nakatira at for sure kung talagang hahanapin niya ako ang una niyang pupuntahan ay itong Mansion at sunod ang Ferez Building."
Hindi naman kasi lihim kay Derek ang totoong pagkatao ko e.
"Sa bahay ko na lang!" Christian suggested.
BINABASA MO ANG
The Decent Son
RomanceChristian Danielles is the decent son of Dante Danielles the CEO of Danielles Corporation. Sa last name palang, kagalang galang na dahil mula siya sa kilalang pamilya. Meet the indecent girl, Yen Salvador the ex-convict beautiful girl. Nakulong siya...