The Decent Son (45)

6.9K 200 3
                                    

Yen POV

"We're here." Christian said pagdating namin sa Mansion. "Welcome home, baby." He added.

I smiled. "Thank you for finding me."

"I'll do anything to find you."

Siya na ang unang bumaba sa'min, sumunod naman si Cho na nasa backseat. Pinag buksan ako ng pinto sa tsaka naman ako bumaba at humarap kay Cho.

"Maraming salamat sa pagtulong sa paghanap sa'kin." Sabi ko sa kanya.

"Wala 'yon! Para saan pa at mag tropa tayo tsaka nag aalala na din pala sa'yo si Buntis."

I chuckled. "Ibalita mo na lang muna na ayos ako o kaya sabihin mo bisitahin na lang ako dito. Sa ngayon kasi, hindi muna ako lalabas ng Mansion baka kasi bigla na naman akong dukutin ng baliw kong ex."

"Walang problema. Aalis na din ako, tutal nandito ka na din naman e."

"Salamat talaga." Niyakap ko din siya at naramdaman ko lang ang pagtapik niya sa likod ko.

"'Pag nahuli na 'yong baliw mong ex. mangako kang bibisita ka sa Tondo." Sabi niya.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. "Oo naman. Pangako 'yan."

"Sige, aalis na 'ko."

"Salamat sa tulong, Cho." Christian told him.

"Walang anuman." Kinaway na niya ang kamay niya tsaka siya nag simulang maglakad paalis.

Kami naman ni Christian ay pumasok na ng Mansion.

"Ate!!" Tawag ni Alyssa sa'kin nang makita ko at sa sobrang lakas nun nag echo pa 'yon sa loob ng Mansion.

Tumakbo siya papalapit sa'kin at niyakap agad ako. "Masaya akong ayos ka lang Ate."

I tapped her back. "I'm okay, wala namang ginawa si Derek sa'kin e." I reassured.

Bumitaw siya sa pagkakayakap ko at nakita kong teary-eye siya.

Si Papa naman ang nakita kong nag lalakad papalapit sa'kin. "Are you okay?" He asked.

"Opo."

"Masaya akong nakauwi ka na." Tumingin siya kay Christian at tinapik niya 'to sa arm niya. "Thank you sa paghanap sa kanya."

"Wala po kayong dapat ipagpasalamat Sir, lahat po gagawin ko para mahanap siya."

"Ang mabuti pa, magpahinga kayo." Papa told me. "Ako na ang bahalang kumausap sa mga pulis." He added.

"Okay po." Sagot ko.

Nag simula na 'kong maglakad paakyat habang nakasunod lang sa'kin si Christian at inaalalayan ako. Nasa likod ko lang ang kamay niya bilang pagalalay sa'kin.

Sa pagpasok naman namin sa kwarto ko, umupo lang agad ako sa kama ko at tumabi naman si Christian sa'kin. Isinandal ko naman agad ulo ko sa balikat niya.

"Are you really okay? Sinaktan ka ba ni Derek?" Tanong niya.

"No. Nag paka-gentleman siya ng kunti kahit papaano. Siguro na isip niya na baka magpaka-sweet siya babalik ang feelings ko sa kanya."

"Mabuti naman kung gano'n."

Inaalis ko ang pagkakasandal ko sa ulo niya at tumingin ako sa kanya. "Na miss talaga kita. Akala ko hindi na kita makikita."

"Hindi mangyayari 'yon kasi hahanapin kita kahit saan."

I smiled. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge niya at sinunggaban siya ng halik sa labi niya. Napahiga siya sa kama dahil sa ginawa ko. Bumitaw din naman agad ako sa paghalik sa kanya at tumingin ako sa mga mata niya. "Pasensya na, na miss lang kita." I apologized, smiling.

The Decent SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon