Sabay na kami ni Christian na sumakay sa magara niyang kotse. Nasa passenger seat ako habang siya syempre nasa driver's seat.
Sa pag start niya ng makina, sinimulan namin agad ang byahe. Kahit ngayong paalis na kami hindi ko pa rin maiwasang mainis dahil hindi manlang ako naka isa sa malditang anak ng congressman na 'yun.
Habang nasa byahe kami i decided na ibaba ang bintana para naman mapreskuhan ako, baka sakaling makatulong din 'to sa pagpapalamig ng ulo ko.
"Are you calm now?" Tanong ni Christian sa'kin.
"Hindi pa din, pero mawawala din 'to." Kung sana naka isang sapak ako dun sa babae edi sana naka ngiti ako ngayong uuwi.
Nakarating kami ni Christian sa kanto lang malapit sa bahay ko. Inilibot niya ang tingin sa paligid na halatang first timer makarating sa isang eskwarter area.
"Salamat sa paghatid." Pasasalamat ko kaya napunta ang atensyon niya sa'kin.
"Welcome."
Bumaba na 'ko ng kotse niya at sa pagtayo ko medyo nahilo ako. Heto na ang alak, nagpaparamdam na sa ulo ko. Nakita kong bumaba din si Christian sa kotse kaya lumapit na 'ko sa kanya kahit medyo gumegewang.
"Kaya mo bang maglakad?" Tanong niya sa'kin.
"Oo, 'wag kang magalala." Tinapik ko ang braso niya. "Sige na umalis ka na."
"Ihatid kaya muna kita sa mismong bahay mo?"
"Hindi na! Kaya kong mag lakad!" Sinampulan ko pa siya para convincing kaso itong si ako muntikan ng matumba buti nasalo niya 'ko.
"See, you can't. I'll walk you home."
"'Wag na nga, kaya ko na." Mamaya din kasi niyan mapag diskitahan pa siya ng mga adik dito. Ya-yamanin pa naman awra niya.
"Ayos lang ba ang lahat dito?" Dinig kong sabi ng isang pamilyar na boses mula sa likod ko. Nilingon ko kung sino 'yun at Pocholo ang nakita ko na maangas na nakatingin kay Christian.
"Ayos lang ang lahat dito, Cho. Umuwi ka na!" Paniniguro ko sa kanya.
"Ginugulo ka ba niya?" Tanong niya habang tinitignan mula ulo hanggang paa si Christian.
"Gago, hindi nu! Ba't naman niya 'ko guguluhin? Umalis ka na!" Pagtataboy ko sa kanya.
"Sigurado ka?"
"Oo nga! Kaibigan ko 'to, 'wag kang magaalala!" Ang kulit!
Sa wakas sumunod na siya at nag lakad na siya palayo.
"Boyfriend mo ba 'yun?" Tanong ni Christian na nag patawa sa'kin ng bongga.
"Hindi ko boyfriend 'yung gagong 'yun, tropa ko lang 'yun. Wala kaming talo-talo."
"I think gusto ka niya."
"Alam ko, kaso ayaw ko sa kanya eh." Tinapik ko ulit siya sa braso niya. "Sige na, umalis ka na baka mapag tripan ka pa dito."
"Are you sure, okay ka lang? Paano kung pagtripan ka ng mga lasing dyan?"
"Takot lang nila sa'kin!" Pinakitaan ko pa siya ng patpating kong braso para convincing pero syempre imbes na makumbinsi ko siya pinagtawanan pa niya 'ko.
"I like you, can i get your number?" Natatawa nitong sabi.
"Gusto mo 'ko? Aba, Pogi ang bilis mo ah!"
Mas lumakas ang tawa niya. "Ang ibig kong sabihin i like your personality. Since pinakilala mo naman na ako sa kaibigan sa tropa mo baka pwedeng totohanin na natin na maging mag kaibigan. What do you think?"
BINABASA MO ANG
The Decent Son
RomanceChristian Danielles is the decent son of Dante Danielles the CEO of Danielles Corporation. Sa last name palang, kagalang galang na dahil mula siya sa kilalang pamilya. Meet the indecent girl, Yen Salvador the ex-convict beautiful girl. Nakulong siya...