The Decent Son (9)

8.7K 257 7
                                    

Nasa kotse kami ngayon ni Christian, papunta kami sa... hindi ko alam.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang tahimik. Lutang pa din ako sa panaginip na 'yun. Ang totoo hindi lang basta panaginip 'yun, alala ko 'yun kasama ang ex kong si Derek.

Sa tuwing may nakikilala nalang ako ng lalakeng nakukuha ang atensyon ko parang bigla nalang siyang pumapasok sa utak ko para ipaalala na wala akong karapatang mag mahal ng iba. Na hindi dapat ako mag mahal ng iba maliban sa kanya.

Hanggang ngayon nagkaroon pa din ako ng phobia sa naging relasyon namin noon.

Langyang 'yan! Kailan ba siya mawawala sa utak ko?

"Yen," Tawag sa'kin ni Christian kaya binaling ko ang tingin sa kanya.

"Are you really okay?"

Umiwas ako ng tingin. "Oo." Pagsisinungaling ko.

"Okay." Matipid niyang sabi na tila hopeless na din dahil sa kanina ko pa pagsisingungaling sa kanyang okay ako kahit naman halatang-halata na hindi ako okay.

"Ayos lang bang pumunta tayo ng Bar at uminum nalang?" Tanong ko sa kanya.

"Yah. Ayos lang." Sagot niya.

"Sa cheap lang na lugar kung pwede." Request ko pa. Para naman abo't-kaya ko lang 'yung iinumin namin.

"Okay." Pagsangayon niya ulit.

Nang makarating kami ni Christian sa Bar na sinabi ko. Sabay na kami na bumaba sa kotse. I decided na sa labas ng Bar kami pumwesto tutal may table naman dito at ayaw ko sa loob kasi maingay.

"Anong gusto mong inumin?" Tanong ni Christian pagkaupo namin.

"Beer. Hati tayo sa bahay ah!"

"No, libre ko na 'to."

"Kaya nga dito sa cheap na Bar lang tayo ako nagyaya para makapag bayad ako kaya... hati tayo." Pagmamatigas ko.

"Okay, if that's what you really want."

"Thanks."

May lumapit na sa'ming isang waiter para kunin ang order namin. Nang maibigay naman namin 'yun umalis na siya agad.

Habang nag hihintay kami ng inorder naming Beer, nakatitig lang sa'kin si Christian. Bilang sukli nakipag titigan din ako sa kanya.

"Alam kong may gumugulo sa'yo. I just hope na sabihin mo sa'kin." Sabi niya.

"Bakit ba gusto mong malaman?"

"Dahil ganun ang mag kaibigan."

"Bakit nga ba gusto mo 'kong maging kaibigan? Magkaiba naman tayo ng estado sa buhay. Ako nakatira lang sa iskwater sa Tondo pero ikaw paniguradong nasa isang exclusive village para sa mga Milyonaryo. Kaya bakit?" Tanong ko.

Napaisip ako. Bakit ngayon ko lang 'to natanong?

"I don't know." Sagot niya na nagpakunot ng noo ko.

"Hindi mo alam paanong nangyari 'yun?"

"It just that... h-hindi ka mawala sa isip ko. Tuwing naaalala kita napapangiti nalang ako tsaka ko nararamdaman ang ka-gustuhan na makita ka. Huli ko pa 'tong naramdaman noong second year college pa 'ko."

"Sinasabi mo bang gusto mo 'ko?" Straight forward kong tanong.

Plano na niya sanang sumagot kaso biglang dumating 'yung order namin kaya hindi natuloy.

Pagkalapag ng waiter sa Beers, kumuha ako ng isang beer tsaka ako uminum.

"Hindi ko pa alam." Sagot niya mula sa tanong ko kanina.

The Decent SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon