The Decent Son (13)

7.7K 245 7
                                    

"Layla laya ka na!" Sabi ng ateng pulis kay Lala pagkabukas nito ng selda.

Pag labas niya bigla niya 'kong niyakap na may luha sa mga mata niya. "Maraming salamat, Yen."

Tinapik ko 'yung likod niya. "Walang anuman, basta mangako kang 'wag ng gagawa ng kagagahan. Pag nakulong ka na naman hindi ko na alam kung saan pa uutang ng pang pyansa."

Bumitaw siya mula sa pagkakayakap sa'kin at ngumiti. "Pangako hindi na. Ayokong manganak sa kulungan nu."

Ngumiti ako. "Mabuti naman."

Inangkla ko na 'yung kamay ko sa braso niya para hilain na siya palabas ng presinto.

"Anong pakiramdam na nakalaya ka na naman sa pangalawang pagkakataon?" Tanong ko pagkalabas namin ng presinto.

"Mas masaya 'to ngayon kasi..." Humawak siya sa tummy niya. "May baby na dito."

I grin at her. "Umuwi na tayo?"

Tumango siya. "Sige."

Nag abang naman kami ngayon ng masasakyang jeep, habang nag hihintay nag salita ako.

"Nakita ko nga pala si Jimmy kaninang tanghali may kasama siyang babae."

Bigla ko din tuloy naalala na alam na ni Christian ang tungkol sa pagkakakulong ko dati dahil sa kadaldalan ng gagong Jimmy na 'yun!

"Wala na 'kong pakialam sa kanya!" Irita niyang sabi.

"Tama lang 'yan! Ipamukha mo sa gagong 'yun na hindi siya kawalan!"

Nang makasakay kami ni Lala sa jeep, mabilis lang din naman kaming nakarating sa kanto malapit sa bahay namin.

Pinagtinginan pa siya ng mga tambay sa kanto.

"Uy! Lala buti laya ka na!" Sabi nung isang tambay.

"Oo nga eh. Kaya kayo, magbago na kayo!"

Tumawa lang sila na parang biro ang sinabi ni Lala. "Hindi uso sa'min 'yun!"

Mga adik talaga! Pag itong mga 'to na tokhang, ewan ko na lang.

"Yen," Dinig kong tawag sa'kin mula sa likod at alam kong boses 'yun ni Christian.

Nilingon ko siya, nakatitig lang siya sa mga mata ko ng malalim at may laman.

"Nandito na naman ang mayamang manliligaw ni Yen!" Sabi na naman nung isang tambay.

Binlingan ko ng sama ng tingin 'yung tambay na 'yun.

"Pakyu ka! Manahimik ka dyan!" Inis kong sabi.

Binalik ko ulit ang tingin kay Christian. Hindi ko maintindihan kung anong ginagawa niya dito after niyang malaman na ex. con ako. At hindi lang basta ex.con, naging ex.con ako dahil sa salang pag patay.

"Pwede ba kitang makausap?" Seryoso niyang tanong.

"Para saan?"

"Alam mo na siguro kung tungkol saan, please?"

Kinagat ko ang lower lip ko tsaka ako tumango ng dahan-dahan. Tila siya naka hinga ng maluwag sa sagot ko sa kanya.

Tumingin muna ako kay Lala. "Mauna ka ng umuwi." Sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya ng makahulugan tsaka tumango sa'kin.

Nag simula na 'kong mag lakad papalapit sa kotse ni Christian at pa gentleman na naman siyang pinag buksan ako ng pinto sa kotse. Sumakay din naman agad ako. Pag sakay niya, sinimulan naman agad namin ang byahe.

Tahimik lang kami pareho habang nasa kalagitnaan ng byahe. Nakatingin lang ako sa kalsada at pinipilit na iwasang magkaroon kami ng eye contact. Sa sitwasyon ko ngayon hindi ko rin naman kaya na tumingin ng diretso sa mga mata niya.

The Decent SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon