Nakarating kami ni Christian sa kanto sa'min. Pinark niya lang 'yung kotse niya at pinatay 'yung makina tsaka kami bumaba.
Hinawakan ni Christian ang kamay ko tsaka naman kami nag lakad papunta. Habang nag lalakad naman kami na abutan ko ang mga barkada ko naka tambay na naman para mag inuman.
"Naks Yen, puma-pag-ibig ka na ah!" Biro ni Botchok.
Nag middle finger lang ako sa kanya. "Ano meron?" Tanong ko sa lahat.
"Naisipan lang nilang mag inuman." Sagot ni Lala.
"Umiinum ka?" Tanong ko.
Umiiling siya. "Hindi nu! Alam mo namang bawal." Humawak siya sa tyan niya.
"Paupuin mo boyfriend mo dito, lasingin natin!" Sabi naman ni Dandan.
"Hindi pwede, may trabaho pa siya bukas."
"Kami din naman ah!"
"It's fine. I'll join them." Sabi ni Christian sa'kin.
"Seryoso ka? lalasingin ka ng mga 'yan!"
"Yah! Don't worry." He reassured.
"Patay tayo dyan! Englishero pare!" Sabi ni Botchok sabay tawa.
"Akin na 'yung suit mo, dadalhin ko sa bahay." Sabi ko sa kanya. Mukhang seryoso siya sa balak niyang makipag inuman sa friends ko kaya wala na 'kong magagawa.
Hinubad niya 'yung suit niya at inabot 'to sa'kin.
"Dito ka muna, mag bibihis lang ako. Babalik agad ako."
Tumango lang siya nilang tugon.
"Hoy! Bantayan nyo jowa ko ah! Babalik agad ako." Sabi ko sa lahat.
"Kami ng bahala sa kanya, Yen!" Sabi ni Dandan.
Nag madali na 'kong umuwi ng bahay para mabalikan ko agad si Christian.
Pagpasok ko ng bahay, na abutan ko lang si Alyssa na busy sa pag luluto niya. Dumiretso lang ako sa pag bibihis ko.
"Hindi ka hinatid ni Kuya Christian?" Tanong niya.
"Hinatid niya 'ko. Nandun siya sa tindahan ngayon, kainuman mga barkada ko." Sagot ko habang busy sa pag bibihis.
"Aba! Mukhang nag papalakas din siya sa mga kaibigan mo ah."
I chuckled. "Oo nga."
Humarap ako sa kanya after kong mag bihis. "Anyways, may napansin ka bang sumusunod sa'yo?" Tanong ko.
She shakes her head. "Wala naman, bakit?"
"May tig-isang body guard kasi tayo, pinadala 'yun ni Papa para bantayan tayo."
"Really? Paano mo nalaman?"
"Nahuli ko 'yung body guard ko, sinabi niya na meron ka din daw nun. Isang linggo na nila tayong palihim na binabantayan."
"Bakit daw naisip ni Papa na bigyan tayo ng body guard?"
"Dahil kay Derek. Naniniguro si Papa na hindi na siya makakalapit pa sa'kin o sa'tin."
"See? Hindi lang talaga masyadong vocal si Papa sa pagaalala sa'yo. Pero dinadaan naman niya sa aksyon."
"Siguro nga tama ka! Pero kinakabahan akong mapansin sila ni Christian at bigla niyang malaman na ako si Alyenna Ferez."
"Sabihin mo na kasi sa kanya."
"Susubukan ko!"
Nag simula na 'kong mag lakad palabas ng pinto pero bago ako tuluyang lumabas. May sinabi muna ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Decent Son
RomanceChristian Danielles is the decent son of Dante Danielles the CEO of Danielles Corporation. Sa last name palang, kagalang galang na dahil mula siya sa kilalang pamilya. Meet the indecent girl, Yen Salvador the ex-convict beautiful girl. Nakulong siya...