Oras na ng uwian sa trabaho. Nandito pa 'ko sa locker room habang hawak ko ang cellphone ko. Naka receive kasi ako ng text mula kay Christian. Ang sabi niya papunta palang siya kaya hintayin daw niya ako.
Kinuha ko na ang bag ko at nag lakad na palabas ng locker room.
Nakita ko si Madi sa counter. Tumingin siya sa'kin nang mapansin ako tsaka siya lumapit sa'kin.
"Handa ka na ikwento kung anong pinag usapan nyo ng Papa ni Christian?" Tanong niya sa'kin.
Kanina pa niya ako kinukulit tungkol dyan. Pero lagi ko lang sinasabi na mamaya after work at heto nga siya naka abang na.
"Well, gusto lang naman niya na iwan ko si Christian. Iniisip niya ata na pera ang habol ko sa anak niya."
"Baka bawiin niya kapag nalaman niya kung sino ka. E mas mayaman pa nga kayong mga Ferez kesa sa mga Danielles e."
"Shh!" I scolded her.
"Ooppss! Sorry."
"Ang totoo niyan nag tataka na siya sa pagkatao ko. Pinaimbestigahan niya daw kasi ako at wala siyang nakitang Yen Salvador na may record sa mga pulis."
"E anong sinabi mo sa kanya tungkol do'n?"
"Sinabi ko sa kanya kung anong hinahanap niya. Sinabi ko 'yong record ko para itigil na niya ang pagpapa-imbestiga sa'kin dahil baka kapag tinuloy niya malaman niya kung sino ako at sabihin 'yon kay Christian."
"Bakit kasi hindi mo pa sabihin kay Christian kung sino ka? Habang pinapatagal mo 'yan lalong magiging mas masakit para sa kanya."
"Hindi ko alam." Totoo 'yon. Until now natatakot pa din ako sa pwedeng maging epekto sa kanya ng malalaman niya.
Haay! Bakit ba kasi ganito ka-komplikado ng buhay ko?
"Nandyan na boyfriend mo." Sabi ni Madison kaya na patingin ako sa direksyon ng entarance.
Nag lakad papalapit sa'kin si Christian. "Hi." Bati niya.
"Hi!" Bati ko.
"How's work?" He asked.
"Ayos naman."
"Gusto mo na bang umuwi?"
Tumango lang ako bilang sagot. Gusto ko ng magpahinga dahil sa nangyari ngayon feeling ko ang haba ng araw at sobrang nakakapagod.
Nag paalam lang muna kami kay Madi tsaka kami nag simulang lumabas ni Christian ng Cafe habang hawak niya ang kamay ko.
Dumiretso kaming dalawa sa pag sakay ng kotse niya.
"How's your today baby?" He asked.
Pilit akong ngumiti. "Ayos naman."
"Are you sure? Parang may gumugulo sa'yo." Paano niya nalaman 'yon?
"Wala, ayos lang ako." Ayoko namang sabihin sa kanya na kinausap ako ng Papa niya. Baka pagawayan pa nila 'yon.
"I'm not convince."
I sighed. "Ayos lang ako, pagod lang ako sa trabaho baby."
"Mmm. Okay." Hindi pa rin siya convince pero sinimulan naman na niya ang byahe namin.
Binaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana. Tahimik lang ako, wala din naman kasi ako sa mood na mag salita at wala din akong maisip na sabihin.
Nakarating kami ni Christian sa kanto malapit sa bahay. Pinark niya lang 'yong kotse pero nanatili pa din kami sa loob.
"Baby, sabihin mo na sa'kin kung anong gumugulo sa'yo. 'Wag mong sabihing wala, dahil alam kong meron." Tanong niya habang nakatitig sa'kin.
BINABASA MO ANG
The Decent Son
RomanceChristian Danielles is the decent son of Dante Danielles the CEO of Danielles Corporation. Sa last name palang, kagalang galang na dahil mula siya sa kilalang pamilya. Meet the indecent girl, Yen Salvador the ex-convict beautiful girl. Nakulong siya...