Napakatagal na ng huling tula na naisulat ko dito...
Nakakatawang isipin na ganito pala ako noon...
Nang mga nakalipas na panahon...
Marami nang nangyari na nakapag pabago ng pananaw ko ngayon...
Mga naisulat kong "tula?" Patungkol sayo...
Nakakatawa dahil ibang iba ito sa tingin ko sayo ngayon...
Isang nakakatuwang ala ala nalang ang mga nangyari noon...
Ngunit ayoko naring balikan...
Nakakatuwa lang dahil nagbalik lang naman ako...
Dahil sa mga panibagong sakit ng damdamin...
Na masmasarap nalang ibuhos sa mga papel, letra at tinta...
Kaysa sa luha, dugo at sugat na maaari pang magiwan ng bakas ng sakit...
Gayun din naman sa mga letra, pero mas masarap balikan ang ala ala dito...
Nakakatuwa dahil, ang mga matatalinhagang salitang pala ito ay bunga ng sakit na nakalipas mo...
BINABASA MO ANG
Read and Think
Non-FictionAng Read and Think ay isang isang uri ng blog (informal diary-style text entries ) kunsaan napapalooban ng mga pananaw (ko) sa iba't ibang aspeto ng buhay (ko). Ang librong ito ay binuo lamang ng aking mapag-isip na utak na aking isinalin sa mga let...
