1:30am 01-10-18
Lahat ng ginagawa ng isang tao ay may dahilan, may pinag-uugatan. Hindi pwedeng gawin n'ya ito dahil 'wala lang', madalas ang ibig sabihin ng sagot na "wala" o "wala lang" ay 'ayokong sabihin'. Sabi ng teacher ko "Hindi mo gagawin ang bagay na ayaw mo" pano kung ayaw mo talaga? Pano kung napilitan? o No choice? Ginusto mo parin yun dahil ginawa mo, kaya may pananagutan ka parin. Ang taong responsable ay ang taong handang humarap sa consequences ng mga ginawa nya. Isa yun sa responsibilidad ng tao. Ang taong matured ay ang taong kayang unawain ang mga nangyayari sa mga bagay sa paligid nya o sa sarili man n'ya nang hindi sinisisi ang ibang tao. Ang hirap kasi sa ibang tao hindi marunong tumanggap ng pagkakamali o kasalanan. Yung iba 'oo' daw may kasalanan nga pero tinuturo parin yung iba kasi mas malaki yung ginawa ng nila o sa madaling salita pinapababa nya yung kasalanan nya eh kasalanan parin naman yun, ayaw mapuruhan. Di ba pwedeng 'oo , nagkamali ako at nagawa ko ang bagay na yun.' Then period (.) Tapos wait for the consequence. Sabi nga sa isang paniniwala, 'walang maliit o malaking kasalanan ang kasalanan ay kasalanan at dapat pagbayaran."
Walang sense kung mag mandadamay ka pa ng ibang tao sa pagkakamaling na gawa mo pinapalaki mo lang yung kasalanan mo. Well it depends kung kailangan mo magbanggit ng pangalan pero di ka mag tuturo magkaiba yun. Pag papaka-baba, in words and action ipakita mo naman na guilty ka hindi yung parang ikaw pa yung biktima.
Humiliation is the Key 💚
SignOff:1:44

BINABASA MO ANG
Read and Think
Non-FictionAng Read and Think ay isang isang uri ng blog (informal diary-style text entries ) kunsaan napapalooban ng mga pananaw (ko) sa iba't ibang aspeto ng buhay (ko). Ang librong ito ay binuo lamang ng aking mapag-isip na utak na aking isinalin sa mga let...