Maskara (Depression)

3 0 0
                                        

00:01 01-15-18

Ang hirap maging ako. Ang hirap magtago sa maskarang ginawa mo para itago yung totoong ikaw. Dahil ikaw mismo ayaw nang makita yung tunay mong pagkatao. "Ang maskarang dapat ipakita lamang sa ibang tao, pati sarili mo yun nalang din ang gustong makita." Ayoko sakin, ayoko sa sarili ko. Malungkot, mag-isa, depressed, stressed, lahat-lahat na ng dahilan para dumating ka sa point na di mo na alam ang gagawin o takasan at tanging naiisip mo nalang na paraan ay mag pakamatay. Hahahaha Suicide nakakatawang pakinggan para sa mga hindi naniniwala sa consepto ng depression hindi alam kung ano nga ba ang depression. Walang point ang suicide it doesn't really solve anything. Well andun ata ako sa gitna. Suicidal ako pero i found it lame and no point of actually doing it. Feeling ko ang lakas-lakas ko kasi kaya kong labanan yung depression ko. Pero masakit pag napuno kana, unti-unti nang napupunit yung maskarang ginawa mo para sa sarili mo at lumalabas na yung tunay na kulay mo, which is green. Charrought. I hate this kind of me but i love it at the same time. Ayoko kasi ng ganito dahil ang hirap nang i-express ng tunay na ako at gusto ko din ito at the same time dahil natatago nito yung ayokong ako. Hindi ko alam kung ano pa bang totoo o payak sa pagkatao ko. At di ko alam kung mag kakaroon pa ba ako ng pagkakataong mabuhay ng totoo sa sarili ko.

signOff:00:23

I guess "Just be yourself"  isn't really applicable for me.

Read and ThinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon