05-14-18 5:40am
"Hindi mo gagawin ang isang bagay na ayaw mo" Maraming paraan para umalis sa isang sitwasyon o lugar. Hindi mo pwedeng sabihin na pinilit ka o napilitan ka. Once na pinasok mo ang isang bagay ng hindi ka lumaban at hinayaan mong mangyari. May pananagutan ka rito. Hindi mo pwedeng isisi sa isang tao ang pagkakamaling ginawa nyong dalawa o higit pa. Hindi na uso ang pag mamalinis, pag papatay malisya, para ibuntong lahat ng sisi sa iba. "Kung pinasok mo ang isang problema ng mag isa, solusyunan mo ito ng mag isa." Same thing kung may mga kasama ka. The point is kung pinasok mo ang isang kasalanan o isang bagay na di maganda o isang problema, matuto kang harapin kung ano ang kahihinatnan nito. Sino nga bang may gusto ng napaparusahan sa mga bagay na ginawa nya? Kung yun naman ay nakapag pasaya sa kanya. Hindi worth ng panandaliang saya ang panghabang buhay na pag durusa. Kung natatakot ka sa kung ano mang kahihitnatnan ng kalokohan mo, better yet itigil mo na. Tama na. Wag mo lokohin ang sarili mo sa pag iisip na "ayoko pero gusto ko" kalokohan yun. Walang sense na mamuhay sa ganung prinsipyo. Yes you are young, wild and free. Bata ka pa and its for you to discover things. Malaya ka na gawin yung mga bagay na gusto mo, pero tandaan mo ang mga kabataan ay mapupusok. Lahat ng bagay na sa tingin niyang masarap st masaya, ginagawa at pinapasok. The point is oo malaya ka, malaya kang gawin lahat ng bagay na gusto mo dahil bata ka pa. Pero di dahilan ang pagiging bata para hindi isipin ang mga bagay na pipiliin mong gawin. Nasa murang edad ka palang pero nasa wastong pag iisip kana kung saan maari mo nang maisip, iproseso sa utak mo kung ano ang tama at mali. Maaring mula sa sarili mong karanasan, mula sa ibang tao, ipinayo, etc. Piliin mong gawin yung mga bagay na mag bebenefit ka, sa kaparaanang lalago ka bilang tao. Hindi ang makakapag degrade sa pagkatao mo habang tumatagal. Mag mature. Sinabi ko noon na "Maturity is not based on what you've known but of what you experienced." So Learn! Utang na loob ... haha once, is enough para malaman mo kung tama o mali ang isang bagay ... maybe twice, or thrice. Learn to evaluate kung san ka nag kamali para di ka paulit ulit sa isang bagay.
(Napaka layo ko na ata sa topic haha.) So ayun nga...
Choose Right. ♥
SignOff:06:03am

BINABASA MO ANG
Read and Think
Non-FictionAng Read and Think ay isang isang uri ng blog (informal diary-style text entries ) kunsaan napapalooban ng mga pananaw (ko) sa iba't ibang aspeto ng buhay (ko). Ang librong ito ay binuo lamang ng aking mapag-isip na utak na aking isinalin sa mga let...