06-05-18 06:10am...
Sabi nila... Pina-hiram lamang ang buhay, kung kaya't dapat natin itong pahalagahan at alagaan. Make the most out of it, kasi "You Only Live Once." Ika nga. Pero sa totoo lang, hindi ka naman maaring mamili una pa lang. Nag desisyon lamang ang nanay at tatay mo na gawin ka, baka nga di ka pa sinasadya e. Tapos biglang ayun, nabuhay ka na, sa ayaw mo't sa gusto buhay ka na. Ang sabi nila... May dahilan kung bakit na buhay ka sa mundo, may misyon kang dapat gawin o kung ano man at pinahintulutan kang mabuhay ng Kataas-taasan at di lang inabort ng nanay mo. Sa totoo lang hindi mo naman dapat alamin yung misyon na 'yon. Ang mabuhay ay isa nang misyon. Sa mundong ito na napaka kumplikado, kailangan mo lang bigyang takbo yang buhay na 'pinahiram' sayo at antayin kung hanggang kailan 'yun matatapos. Ang hirap kasi sa mga tao pag nabubuhay na sila nakakalimutan na nilang may katapusan. Eh pano naman yung nag aantay ng katapusan, nakakalimutan na nilang mabuhay. Andun yata ako sa pangalawa. Sa nakikita ko sa mga tao, sa mga nabubuhay, nagiging sarado yung isip nila. Nakikita nalang nila ay yung gusto nila makuha sa hinaharap kaya paulit-ulit nilang ginagawa yung mga bagay na akala nilang makakapag dala sa kanila sa gusto nila. Iba kasi pag Nag aantay ka lang ng katapusan, wala kang inaasahan, ginagawa mo lang kung anong alam mong makakabuti para sa kasalukuyan, pinapalipas mo lang yung mga araw, at pinipilit na lagpasan ito ng matiwasay. Mas malaya kang mag isip kung ganun. Mas marami kang makikita kaysa sa iisang bagay lamang.
Napaka hiwaga ng buhay. Kahit paulit-ulit lang ang nangyayari hindi parin tayo natututo. Ang umuunlad lang ang umuunlad at ang mga nasa lapag ay nananatiling nasa lapag. Hindi balanse ang mundo. Pag naging balanse ng mundo, mawawalan ng saysay ito. Kaya patuloy na umiikot ang mundo kasi may dahilan pa para umikot ito. May hangganan ba ang mundo? Hanggang kailan kaya ito iikot? Naisip ko lang. Matagal nang inaantay ng mga tao noon ang Pag babalik ng May-Likha. Namatay nalang sila wala parin S'ya. At sa henerasyon nating ito, inaasahan parin natin ang pagdating N'ya na ika nila'y malapit na. Ayoko nang antayin ang Pag dating. Hahayaan ko nalang lumipas ang oras at dumating ang katapusan ng buhay. Mas madali iyon para sakin. Sa totoo lang Simple lang ang buhay. Tayo kasi ginagawa nating kumplikado ito. Oo kumplikado ang mundo pero hindi dahilan yun para sabayan mo. Nagiging kumplikado ang mundo dahil sa mga taong nagsama sama at naniniwalang sila ang nag papaikot nito. Hindi mo kailangan paikutin ang mundo dahil iikot ito kahit wala ka. Bigyan mo na magandang takbo ang buhay mo. Hindi mo kailangang sumunod, sabi ni maam charo "ikaw ang bida ng buhay mo." Sa totoo lang ikaw na rin ang direktor, script writer, light man, camera man, audio man, at buong crew ng buhay mo. Ikaw ang gagawa ng pelikula ng buhay mo pero hindi ito pinaplano. Hindi ka pwedeng mag plano dahil lahat ng pinaplano di natutuloy, dun tayo sa biglaan.
Ayoko na... antagal kasi ng pasukan... nababagot nako... nakakabaliw din yung bakasyon... mas gusto ko mabaliw sa klase kaysa mabaliw sa bahay... para may dahilan... hayssss ...
SignOff:06:49am
Vote.
Comment.
BINABASA MO ANG
Read and Think
Non-FictionAng Read and Think ay isang isang uri ng blog (informal diary-style text entries ) kunsaan napapalooban ng mga pananaw (ko) sa iba't ibang aspeto ng buhay (ko). Ang librong ito ay binuo lamang ng aking mapag-isip na utak na aking isinalin sa mga let...
