Chapter 5

5.4K 104 0
                                        

"Talagang I just want to kill her! That, that...uugghhhh" gigil na gigil na usal ni Carlos nang nabasa niya ang note na naipit sa wiper ng kanyang sasakyan. Mas lalong nadagdagan pa ang gigil niya ng makita niya ang panibagong scratch sa gilid nito.

Halos di siya mapakali at susugurin na sana niya si Cornelia na papalabas pa lang ng building kasama ang pamilya nito.

"Naku, talagang inuubos ng babaeng ito ang pasyensya ko." He decided to calm himself down and to wait for her para ma confront niya ito. For the meantime he leaned on his car and waited.

"Papa, mauna na ho kayo. I will just drop by sa law firm nina Reina before going home. I have to let her see these documents maybe she can help me."

" Cornelia, alam mo na kahit ano yung magiging desisyon mo ay suportado ka namin ng Nana mo. At alam namin na hindi mo rin pababayaan na mawala sa atin yung natira nating property."

"Pa..." medyong nangungusap ang tingin na tinugon niya sa mga salitang yun ng kanyang ama. "Sige na pa, see you later sa bahay."

Tumango na lang ang papa niya at inaya na nito ang kanyang lola upang sumakay sa kanilang dalang kotse.

Si Cornelia naman ay lumakad na rin patungo kung saan siya naka park. Natigilan siyang bigla sa kalagitnaan ng daan, naalala niya yung nangyari kanina.

Hala... Patay talaga siya. For sure nakita na yun nang aroganteng lalake ang nangyari naman sa kotse nito. Naku Cornelia... Minadali niya yung kanyang hakbang habang punong-puno naman ng kung anong worst scenario ang kanyang isipan.

At heto na nga, naka-abang sa kanya si Carlos na kulang na lang lumabas naman ang usok sa mga tenga nito. Kitang-kita sa pagkatikom nang kanyang bibig ang pagpigil. Tinaas nito ang note na hawak niya sa kanyang kamay.

" Sorry..." it seems na sorry na lang palagi ang masasabi ko sa lalaking ito. " I meant what I had written na I'm willing to pay for the removal of that mark."

" Do you know what it involves to remove this mark?"

Actually alam niya, mula nung maliit pa siya. She can even do it by herself because her father had seen to it na alam niya yung basics sa maintenance ng sasakyan, but her interest also sa trabaho ng papa niya helped her to learn more. Like yung pag remove ng simpleng scratch marks at pagbalik nito sa almost perfect na dating color at patina. Pero she tried to zip her mouth na lang and waited for another round of verbal outburst from Carlos.

Tumingala si Carlos sa langit just to ease the tension that he feels at humugot ng napakalalim na buntong-hinga. Surprisingly, this made him calm down a little at napigilan niya ulit yung sarili niyang gumawa nang something na pagsisihan niya like yung patulan na talaga ang babaeng ito. And before he can lecture her again on what she had done, he just turned around to touch the mark, inirapan si Cornelia at went away para pumasok na sa loob ng kanyang sasakyan.

He really don't know why of all people, this girl pa yung sumira ng kabibili lang niyang sportscar, not just isang beses, twice already.

Pinaandar na ni Carlos ang sasakyan niya but before he can rev it up, napansin niya na nasa hood ng sasakyan nito si Cornelia na mukhang may inaayos. Seriously? Sabi niya sa kanyang isipan. He couldn't care less na sana but he saw her taking out a tool box at parang may aayusin ito. Seriously talaga, alam ba ng babaeng 'to ang ginagawa niya? And does he go down and help her or speed away na lang?

Usually, Carlos is a gentleman when it comes to women. Her mom had raised him that way, being the eldest and only boy, his mama made sure na tinuruan niya ng tamang asal ang kanyang anak. Lalo na at sa Europa ito lumaki.

Bumaba siya ng kotse.

"What's wrong?" nabigla si Cornelia ng may narinig na boses sa tabi niya. Sa kanyang sobrang pag concentrate na mapa start ang makina ng kotse niya, hindi niya namalayan na hindi pa umalis si Carlos. At nagulat na rin siya sa tono ng boses ni Carlos na medyo may halong pag-alala.

" Ah, just a simple loose connection, aayusin ko lang para mag start yung kotse ko."

"You know what to do?" Tanong ni Carlos.

" Ha? Yes. Madali lang naman to." Matipid niyang sagot habang patuloy na inaayos ang makina ng kanyang kotse at si Carlos naman ay patuloy rin ang pagtanaw sa ginagawa niya.

Indeed, she knows what she is doing. Carlos thought. Ironic kasi ito yung babaeng sumira sa kotse niya tapos marunong pa lang kumupuni ng makina ng sasakyan.

" Ah, favor please, pwede mo bang try I start yung sasakyan ko?" pakiusap ni Cornelia kay Carlos.

Pumasok si Carlos sa driver's side at sinubukang paandarin ito. He turned the key and the engine started. Medyo tumaas yung kilay niya.

Binaba na ni Cornelia ang hood.

"Thank you." Sabi ni Cornelia habang palabas si Carlos sa kotse niya.

Tumango lang si Carlos.

" I know we started on the wrong foot," ewan ni Cornelia pero para bang nakahugot siya ng confidence upang kausapin si Carlos, "but since nasa pareho tayong sitwasyon, I think it would be better if we try to help each other to solve this problem, since we both know that this is really an unfair deal and so old fashioned na scheme. You know that I am really sorry for what happened sa car mo and please please accept my apologies and let's work this out."

" I will think about it."  medyo abrupt na sagot ni Carlos.

Hindi alam ni Cornelia if matutuwa siya or what sa sagot nito kasi hindi niya mabasa ang reaction nito sa kanyang mga sinabi.

" Please let me know soonest because I will be doing my best of thinking of a way out of this. You have my number there. And let me know too how much I owe you on the damage sa car mo."

Tumango na lang si Carlos at bumalik na ulit sa sasakyan nito at deretso nang umalis.

Ever After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon