Carlos took a break from his work two days before the wedding. Ito kasi yung araw na tutulungan niya si Cornelia na maghakot at mag ayos ng mga gamit nito sa kanyang condo.
As much as he insisted na susunduin niya ito sa kanila, hindi naman ito pumayag. Hintayin na lang daw siya sa condo at di naman marami yung dadalhin nitong mga gamit.
Maaga pa siyang bumangon to have his breakfast and have the other room besides his ready.
Ngayon, medyo naging komportable na siya sa arrangement nila knowing na it is just for a year lang naman. At siguradong hindi rin naman sila halos magkikita kahit they live in the same roof dahil each of them is always busy with work as he had observed in the past weeks.
So, a year of living with her will be a breeze. He will just patiently tick off each day and then his family can have the perfumery back without any threats of it going to other people's hands.
Paglabas ni Carlos mula sa kwarto patungong sala, napalingon siya sa wall clock. Mag –aalas diyes na pala ngunit wala pa rin si Cornelia. Kanina pa ito nagtext that she is on the way na pero it is almost an hour now. Unless there is very heavy traffic, di naman talaga aabot ng sobra sa fifteen minutes yung drive mula sa kanilang village patungong city center.
Carlos dialed her number.
"Nasan ka na?" tanong niya ng sagutin nito ang tawag. "Akala ko ba on the way ka na kanina pa?" dagdag niya na medyo may halong inis ang kanyang pananalita.
" Ah, Carlos kasi, I had a little accident on the way..." sagot sa kanya ni Cornelia na medyo mahina yung boses.
"What?! Nasaan ka at pupuntahan kita."
At nagmamadali niyang pinuntahan si Cornelia sa sinabi nitong location at doon nadatnan niyang nakabunggo yung unahan ng kotse nito sa likuran ng isang kotse rin. Basag ang salamin ng kanyang kotse sa bandang passenger side.
Parang hinuli nang isang matinding kaba ang dibdib ni Carlos. Balisa siyang tumungo sa may nakatipon na mga tao.
Doon nakita niya si Cornelia na tinatanong ng isang pulis habang ito ay nakaupo sa bandang likod ng isang ambulansiya.
"Cornelia!" tawag niya dito. "Are you okay? What happened?" pinuntahan niya ito and instantly held her hand while touching her face and checking her up and down.
" I'm okay now Carlos." Sabi niya.
" Mam, yun lang po". Sabi naman ng pulis sa tabi niya. "Punta lang ho kayo ng station kung gusto nyo pong mag file ng charges sa other party kahit na po willing silang magbayad ng damages."
"It's okay po sir. Wala rin naman pong nangyari sa akin." Sagot naman ni Cornelia habang kinapa niya ang naka bandage na dressing sa taas ng kanang kilay.
"What?! No way!" react ni Carlos. "Sir, you will be hearing from us. Pupunta po kami sa station nyo and we will file for damages."
"Carlos... no need..."
"No Cornelia, I saw what happened to your car and you are lucky enough nothing worse happened but this should be dealt with properly. Kailangan nilang pagbayaran ito." Giit niya.
"Let's just talk about this later. I want to go home na." sabi sa kanya ni Cornelia.
Inalalayan niya si Cornelia at hinatid ito sa dala niyang kotse. Kinuha na rin niya ang mga dala nito sa nabanggang kotse at siya na rin yung nag arrange ng tow service para makuha at madeliver ito sa mansion nina Cornelia para ma repair ng papa niya. Tinawagan na rin niya muna ang papa nito upang ipaalam ang nangyari at para hindi ito mabigla kapag nakita yung nangyari sa kotse.
On their way to the condo tahimik lang si Cornelia at parang natutulala.
It must be the shock. Hula ni Carlos.
Pagdating nila pinaupo muna ni Carlos si Cornelia sa sofa at kumuha siya nang maaligamgam na tubig upang ipainom dito.
"Are you okay now?" tanong sa kanya ni Carlos.
Hindi ito kumikibo. Nakatingin lang ito sa malayo.
"Cornelia, naririnig mo ba ako?" hinawakan niya ito at napakalamig ng kamay ni Cornelia. Namumutla ito at parang hindi pa rin siya naririnig kaya niyugyog na niya ang katawan nito upang matauhan.
"Cornelia!" halos pasigaw na niyang tinawag ito.
"Carlos?" baling sa kanya ni Cornelia na puno ng pagtatanong ang mata at pinagpawisan na ito nang malamig.
"You're in shock, eto you drink this." Sabay abot dito ng tubig.
Nakaramdam si Cornelia ng sobrang lamig pagkatapos niyang uminom ng tubig at halos manginig siya. Nakita ito ni Carlos kaya agad niya itong niyakap at hinaplos ang likuran. Ibinaling naman ni Cornelia ang kanyang ulo sa dibdib nito at yumakap na rin siya dito nang mahigpit nang naramdaman niya ang ginhawa na dulot ng contact niya to.
Unti-unting naibsan ang panginginig ni Cornelia.
Si Carlos naman ay patuloy pa rin ang paghaplos sa likod niya at ngayon pati na ang mahaba nitong buhok ay hinahagod na rin nito.
"Thank God nothing happened to you!" sambit ni Carlos at medyo humigpit ang yakap niya sa mapapangasawa. "I'll bring you to your room." Dagdag pa niya at bigla na lang niyang binuhat si Cornelia. Buhat at kargang mag-asawa.
Dinala siya ni Carlos sa hinandang silid nito at inilapag sa kama ng dahan – dahan. Dahil sa nakayakap pa rin ng mahigpit si Cornelia sa kanya ay hindi agad sila nakapaghiwalay kahit nailapag na siya ni Carlos.
Nakaupo na si Carlos sa tabi niya at hinawakan nito ang kanyang mga kamay na nakabigkis pa rin sa bandang leeg nito upang ayusin na siya na makahiga ng maayos.
Sa pagkakataong iyon ay napatingala si Cornelia. Halos sabay namang tumama ang mga mukha nila ni Carlos nang sobrang lapit at dahil dito ay napasinghap si Cornelia at hindi niya inasahang bumaba ang labi ni Carlos to her own parted lips.
Hinalikan siya nito nang dahan-dahan habang sapo kanyang ulo.
At siya ay lubusan nang nagpaubaya sa ginagawa sa kanya ni Carlos at di niya naiwasang gumanti na rin sa mga halik nito.
"Babe..." sambit ni Carlos nang maghiwalay ang mga labi nila.
Pareho silang na sorpresa dito. At parang tumigil ang oras ng pagkakataong iyon.
"Must be the shock..." mahinang sabi ni Cornelia nang naalimpungatan na ito at inayos na rin niya ang sarili na pumagitna sa kama para mahiga na.
Hindi na umimik si Carlos, tinulungan niya na lang ang mapapangasawa to get comfortable in bed and take some rest. Sinabihan niya ito na tawagin lang siya kung meron siyang kailangan bago niya itong iwan.
Lumabas si Carlos sa terrace ng condo to breath some fresh air. Hindi niya maipaliwanag kung bakit siya nagkakaganito. Bakit parang gusto niyang angkinin si Cornelia. At bakit ganun na lang ang naramdaman niya kanina ng maaksidente ito. Considering that, halos sobra sa isang buwan pa lang mula ng makilala niya ito.

BINABASA MO ANG
Ever After Contract
RomanceA merger between two families. Unknown to them, Carlos and Cornelia are the subject of an agreement made by their grandfathers a long time ago when they were still babies. The agreement includes a merger clause which requires them to get ma...