Pagkatapos ng pagtatapat ni Carlos sa asawa, hindi na nila muling nabalikan ang subject. Ngunit si Carlos ay palaging nakaabang sa kinikilos ng asawa at si Cornelia naman ay nakikiramdam rin sa kanya.Napansin ni Cornelia na bawat magkakaroon ng pagkakataon ay parati siyang hinahawakan ng asawa. Kapag pinagbubuksan siya nito ng pintuan ng kotse ay hahawakan pa siya nito sa siko o kamay upang alalayan na makapasok. O di kaya minsan ay aakbayan siya nito kung papalabas o papasok sila ng condo.
Hindi rin naman tinututulan ito ni Cornelia. Kunwari deadma lang siya pero yung totoo talaga ay dama niya rin ang pagbuhos ni Carlos sa kanya ng pagka gentleman at pagka affectionate nito. Minsan nga na inakbayan siya nito ay gusto rin niyang iyakap ang mga kamay sa bewang nito.
Kinonondisyon na siya nito para matupad at pumayag na rin siya sa proposal. Alam niya yun talaga ang pakay ni Carlos.
At parang hindi na aabot si Cornelia ng weekend na hindi maipahiwatig sa asawa na payag siya sa balak nito.
Excited nga siya. Para siyang magbibigay ng kanyang matamis na oo sa isang manliligaw. Pero alam niyang this is not their case. Dapat parati siyang dilat sa katotohanan na physical attraction lang ito talaga. Which is something new for her. At yun na yun.
Biyernes ng gabi, nagkataong muli na maaga ang mga uwi nila.
Tinawagan niya ang asawa upang ipaalam na maaga siyang uuwi at sinabihan siya nitong hintayin na lang siya at sabay na lang sila.Nakaantay siya sa labas ng building ng dumating ito at bumaba ng sasakyan. NIlapitan siya ni Carlos sabay halik sa kanyang pisngi. Nginitian lang siya ni Cornelia.
“Do you want to have dinner na lang before we go home?” tanong nito sa kanya.
“Mas mabuti pa nga,” sagot naman ni Cornelia. “And can we buy groceries na lang? Wala na kasing laman yung ref at cupboards natin, if that’s okay with you?”
“Okay, we do the groceries first and then dinner.” Pagpayag nito.
Kaya dumaan muna ang dalawa ng supermarket. Balak sana ni Cornelia na siya na lang ang mamimili pero nag insist si Carlos na samahan ito. Ito rin ang nagtulak ng cart and once in while he would grab stuffs also. Cornelia discovered then kung ano ang mga gustong pagkain ng asawa. He loves cold cuts, cured meats, cheeses and olives. Very European talaga. Hindi siya mahilig sa junk foods. Sabi nito sa kanya, he likes his food home cooked nga pero since he lives alone in Europe he opt to eat out a lot in restaurants and on weekends he goes home para makakain ng lutong bahay.
Kaya napuno ng meat at meat products yung kanilang cart at dinagdagan na lang yun ni Cornelia ng vegetables and fruits and other essentials.
When they reached the counter, Carlos paid for the groceries.
“By the way Cornelia, I have set up an account for you, so that you can buy whatever you want while we are together.” Mungkahi nito.
Sasagot na sana si Cornelia para magprotesta dito, ng ilagay ni Carlos ang hintuturo nito sa kanyang bibig upang hindi siya makapagsalita.
“I don’t want any refusal on this. Use it.” Insist pa nito habang inilagay sa kamay niya ang isang ATM card.
Kinuha na lang ni Cornelia ito at hindi rin naman siya makapagprotesta dahil sa may mga tao sa paligid.
“Thank you Carlos.” Sabi nito, pero sa kanyang isipan ay hindi rin naman niya gagamitin ito.
Mula sa grocery, Carlos had chosen to have their dinner at a hotel’s restaurant.
In the course of their dinner they had continued to discover more about each.
Para silang magkasintahan na nagde-date at nag-uusisa ng mga hilig ng bawat isa.
Sa ngayon, Carlos have this effect on Cornelia which makes her comfortable and chatty na around him. It is also the same with Carlos, Cornelia makes him talk about himself willingly and reveal certain things about him without being intrusive. In fact, she makes him want her to understand him, which made him wonder why since he is not like this naman kahit na sa kanyang pamilya. He has always the tendency to hold back certain things sa kayang sarili.
Pero ngayon, with his wife para siyang nagkaroon ng matalik na kaibigan na babae for the first time. Yung makakausap niya na hindi siya naju-judge, pakikinggan lang siya at yung makapagpalitan niya ng mga ideas at the same time.
Noon, iaamin niya na he likes girls and women as either trophy girlfriends or sexual partners only. He had never really had a “friend” na babae. And he is glad to realize now that he can be friends with his wife. Kaya napangiti siya at this thought habang nakatingin sa asawa.
“Ano? Do I have something in my face?” tanong nito sa kanya ng makita ang pagngiti nito.
“In your lips,” sabi nito at agad inabot ni Carlos ang bibig ng asawa wiped it using his thumb. Pero sa totoo lang wala naman talagang something sa bibig nito.
Natigilan si Cornelia when Carlos touched her lips and once again their eyes connected. Her insides seemed to melt with his action and sa sensasyong dulot nito. At lalong lumakas ang pagkabog ng kanyang dibdib when Carlos put his thumb in his mouth to taste her.
All of a sudden, the friendly atmosphere was gone and replaced with a seductive mood.
“ Carlos…” mahina niyang sambit sa pangalan ng asawa. Alam niya na dalang dala na siya talaga sa karisma nito.
“ Let’s go home.”
BINABASA MO ANG
Ever After Contract
RomansaA merger between two families. Unknown to them, Carlos and Cornelia are the subject of an agreement made by their grandfathers a long time ago when they were still babies. The agreement includes a merger clause which requires them to get ma...