Lumipas ang magdamag na hindi pa rin nagkikibuan si Cornelia at Carlos.
Naunang nagising si Carlos at agad nitong hinila palapit ang asawa sa katawan niya. Mabuti na lang at tulog pa rin ito. Samantalang siya ay hindi nakatulog ng maayos dahil sa naging reaction nila pagkatapos tumawag ang ex-girlfriend niya from France.
Hindi niya alam kung paano niya haharapin yung sitwasyon dahil sa hindi siya sanay sa ganito at naging malapit na sila ni Cornelia. Hindi niya rin alam kung dapat bang magpaliwanag siya dito. Siguro nga dapat niyang sabihin dito na ex na niya ang tumawag at wala siyang dapat ipag-alala. Bilang respeto sa asawa at sa kanilang relasyon, he thinks Cornelia deserves an explanation from him.
Pagkagising nito magpapaliwanag siya, he decided.
Cornelia moved closer sa nakasanayang niyang pwesto pag natutulog. Malapit sa dibdib ng asawa. Unti-unti siyang nagising at naramdaman niya ang mumunting halik sa kanyang mukha na usual na pampagising sa kanya ni Carlos.
And then she remembered.
Naramdaman ni Carlos ang biglang pag tense ng katawan ng asawa. Alam niyang gising na ito at bago pa man ito makagalaw ay pinagpatuloy pa rin niya ang paghalik at pagsuyo dito.
It has been two months but he still can't get enough of her. It as if he is addicted to her.
Gusto sana ni Cornelia na magprotesta at pigilan ang mga haplos at halik ng asawa. Pero nanaig ang pagmamahal niya dito na lalong lumakas dahil na rin sa mga napagtanto niya sa kanyang sarili kahapon.
Habang pababa ang mga halik ni Carlos ay mahigpit naman siyang nakahawak dito at wala ring tigil ang paghaplos sa batok at buhok nito.
Okay lang na magpapakatanga siya sa kay Carlos dahil sa nasabi na nga niya sa sarili noon pa man sa simula ay lulubusin na niya talaga ang isang taon nila, kahit ngayon ay kailangan niya pang masaktan ang kanyang damdamin pagkatapos ng lahat ng ito.
Kaya parang dam na ibinuhos ni Cornelia ngayon ang lahat ng kanyang pagmamahal sa kay Carlos. She did not hold anything back now.
Carlos also felt the difference in his wife . Wala na siyang nakita na inhibisyon mula dito sa halip ay binigay nito lahat sa pamamagitan ng kanilang pag-iisa. Ramdam niya ang sense of contentment nito ng magkasabay nilang narating ang kaligayahan.
"Babe..." bulong sa kanya ni Carlos habang hinahagkan nito ang kanyang tenga. "I'm sorry." Dagdag pa nito.
"For what? You have nothing to apologize Carlos."
"I'm sorry that you had to answer that call from Isabel yesterday. She..."
"Shhhh..." sabi ni Cornelia habang pinigilan niyang makapagpatuloy sa pag explain si Carlos. "You don't need to explain, I don't have the right rin naman and I understand very well our arrangement, so you are free to talk and do your own thing. Di ba yun ang usapan natin?"
"Yes, I know that pero, you deserve to know."
Hindi alam ni Carlos kung matutuwa siya o ano sa reaksiyon ng asawa.
Bago pa man siya makapagsalitang muli ay bigla na lang bumangon si Cornelia at tumakbo papuntang banyo. Narinig niya ang pagsusuka nito kaya dali-dali niyang itong sinundan at nadatnan niyang nakahawak sa sink na parang nanghihina si Cornelia. Agad niyang inalalayan ang asawa.
" Cornelia... Are you okay?" puno ng pag-aalala niyang tanong dito. " How are you feeling babe?"
"Carlos, biglang sumama yung tiyan ko. Baka acid reflux or nilamig lang ako."
" Do you want to go back and lie down muna?"
"Mabuti pa nga parang nanghihina ako eh."
"Halika, do you want me to carry you?"
"Wag na Carlos, I'll hold on to you na lang hindi naman ganun kasama yung nararamdaman ko. Yun lang medyo nanghina ako." Sabi niya dito.
Inalalayan siya ni Carlos hanggang nakahiga ito ng maayos sa kama.
"You just stay there and I will fix you breakfast para bumuti yung tiyan mo. What do you want to eat?" tanong ni Carlos.
"Ikaw nang bahala." Medyo mahina niyang sagot. Parang gusto niyang matulog muli kaya pinikit niya ang mga mata upang umidlip sandali. Tatawagan na lang niya mamaya sa office na sa hapon na lang siya papasok.
Naalimpungatan si Cornelia ng nanuot ang amoy ng niluluto ni Carlos sa kwarto. The smell of oil and bacon suddenly made her retch again. Muli siyang tumungo ng banyo at nagsuka ng nagsuka.
Nang humupa na ang kanyang sikmura ay naghilamos si Cornelia at sa pagharap niya sa salamin it suddenly occurred to her na delayed yung period niya. She was due to have it last week. Although may pagka irregular siya at times pero hindi namang tumatagal ng halos isang linggo yung delay niya.
No... Yun ang sabi ng kanyang isipan. Isang malaking "NO" dahil hindi maaring mangyari ang duda niya.

BINABASA MO ANG
Ever After Contract
RomansaA merger between two families. Unknown to them, Carlos and Cornelia are the subject of an agreement made by their grandfathers a long time ago when they were still babies. The agreement includes a merger clause which requires them to get ma...