Chapter 7

5.1K 106 0
                                    

Marriage of convenience.

Habang nilalahad lahat ni Carlos ang gusto niyang mangyari. Ito ang phrase na sumagi sa isipan ni Cornelia. Hindi niya lubos maisip na mangyayari ito sa buhay niya. Sa libro lang yata niya ito nababasa at sa chic flicks napapanood.

Pero hindi talaga siya makapaniwala na ito ang magiging destiny niya.

Carlos emphasized that since they will be living together, they can still go on with their own lives nang walang pakialam sa isa't isa. He wants them to live in the condo unit that he had just bought so that they can have the independence that they want without the interference of their families. However, they don't go telling other people na mag-asawa sila unless it is called for.

For the moment, parang blangko ang isipan ni Cornelia kaya wala siyang naisipan na pagtutol o idagdag man lang sa mga sinasabi ni Carlos. Pinili niya na lang munang manahimik at humigop ng kape.

Di niya namalayan na tumigil na pala si Carlos sa kasasalita at nakatitig ito sa kanya.

"So, are you okay with the arrangement?" tanong nito.

"Actually I heard you but to be honest, hindi talaga nag sisink-in ito sa isipan ko so parang in denial pa ako na nangyayari ito." Sagot niya kay Carlos. "The arrangement is agreeable with me as it sounds but alam natin na it will be different when it is actual na."

"Well, as long na you don't invade my space and I promise not to cross yours, everything will be fine." Optimistic na dagdag ni Carlos. "I think, that will be all for now."

Sabay silang tumayo pagkatapos na magbayad ng bill si Carlos.

Tahimik silang lumakad patungo sa parking. Pansin na pansin ni Carlos ang mahinhin na paglakad ng kasama kaya medyo inadjust niya yung mga hakbang niya.

At nang marating ni Cornelia ang kanyang kotse, hinintay siya ni Carlos na makapasok dito.

"Goodnight!" sabi ni Cornelia nang siya ay papaalis na.

Tumango ang nakaabang na si Carlos at nang makalayo na si Cornelia ay tinungo na rin nito ang sasakyan niya para makauwi na rin.

Pagdating ni Cornelia sa mansion ay agad na itong humanda para matulog at may pasok pa kasi siya kinabukasan.

Nasa kama na siya at nakahiga ng tumunog ang kanyang cellphone.

Si Carlos, nagtatanong if she's home safely.

Yes, thank you for asking. Goodnight again.

She typed and sent her message.

Goodnight. Reply nito.

Mga five minutes na siguro pagkatapos niyang basahin ang huling text ni Carlos at nakatulala pa rin sa kisame si Cornelia.

Hindi siya makatulog.

Naisip niya ito. Naisip niya if how does he sees her. Bilang magiging asawa ni Carlos, she knows na hindi niya abot ang usual standards nito sa mga kababaihang nakarelasyon at nakakahalubilo. Malayong malayo siya sa glamorosang kagandahan nila. Kaya nga siguro ayaw nitong malaman ng ibang tao na mag-asawa sila.

Tsk tsk tsk, kung ako madedeprive ng lovelife mas nasa disadvantage si Carlos sa kanya dahil bukod sa pagiging plain niya , hindi rin naman nila mapapantayan ang yaman ng mga Miranda kasi nga ang mansion na lang ang natatanging yaman na meron sila. Thus, this impending marriage.

Hmph... matulog ka na nga Cornelia at baka kung ano pa yung aabutin ng isipan mo.

Samantala sa kanyang condo, si Carlos naman ay nakaharap sa tanawin mula sa kanyang higaan. Kitang kita ang mga ilaw at ang view ng siyudad sa glass wall ng kanyang silid.

Naalala niya yung kanina, kung gaano kalambot ang mga kamay ni Cornelia ng hawakan niya at ang bango nito ay parang naaamoy niya pa rin.

Aaaaahhhh... It has been... what, mga 6 months since his last fling. Na mimiss niya lang siguro ang mag enjoy sa company ng isang babae kaya papunta sa ganitong direksiyon ang isip niya.

But still, parang naha-haunt siya sa simple pero nakabibighaning ganda ni Cornelia. He tried his best kanina na huwag magpahalata that he is checking her out while she was sitting across him and while they were walking outside the coffeeshop.

Ewan ba niya but tonight made him want to get to know her more and it made him forget their first disastrous encounters. Maybe, it would not be so bad after all, being married to her.

Nagulat si Carlos sa sarili. He really needs a woman badly siguro nga. And he should remedy that soonest before he does something na pagsisisihan niya balang-araw.

Ever After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon