Chapter 18

4.9K 94 3
                                        


Tuluyan nang nakalimutan ng dalawa ang kanilang kasunduan to maintain their single lifestyle. They became more of their true status na talaga nang hindi nila namamalayan. Naging mag-asawa sila in every sense of the word.

Cornelia had fallen into the habit of preparing breakfast and dinner for both of them especially when she had the time. She even prepares Carlos outfits at times kung umaga.

They share the same bedroom and bed eversince the dynamics of their intimacy had leveled up. Tuluyan nang pinalipat ni Carlos ang asawa ng kwarto.

They had also fallen into routines and habits in almost two months that they had been married.

Ang pinakapaborito ni Cornelia sa kanilang mga ginagawa ay yung nasa condo lang sila at nagmo- movie marathons, kasi, she gets to cuddle up with her husband on the couch lalo na kapag thriller at horror yung pinapanood nila. Kahit na magkasalungat sila sa mga hilig ng klase ng pinapanood, they had compromised to alternately watch their kind of movies.

Carlos, on the other hand, loves it when Cornelia would spend time to cook up something special or any of his favorites. He also discovered that his wife is a chef, kasi maliban sa tinuruan ito ng kanyang Nana at yaya ng mga heirloom recipes nila ay kumuha rin ito ng course in culinary, which is according to her, her second passion after photography.

Sa loob lang ng dalawang buwan, they were almost like an old married couple. Alam na ni Cornelia ang mga quirks at trip ni Carlos at si Carlos naman ay kabisado na rin ang mga mood swings ng asawa at ang mga bagay na ayaw na ayaw nito.

In that span of time also, naging blooming si Cornelia. Gone was the plain and simple style niya at napalitan ito ng lively but elegant outfits. Ito ay dahil na rin madalas siyang yayain ng mother-in-law niyang mag shopping. Kaligayahan nito ang bilhan siya ng mga damit at accessories. Hindi naman ito matanggihan ni Cornelia. Kaya pati hairstyle na rin niya at kung anu-ano pang pwede ma make-over sa ayos niya ay unti-unting na enhance kasi when its not a shopping expedition ay sa beauty salon and spa naman sila nagbobonding ni Natalia. Naging tuluyang malapit na siya sa mama ng asawa.

Pero sa kabila ng mga papuri ng mga tao sa paligid niya on her new style and how she looks great ay meron pa ring insecurities si Cornelia. She still believes na hindi pa rin niya mapantayan ang mga nakasalamuhang magagandang babae at past girlfriends ng asawa. Kaya she conditions her mind that she was just a temporary fascination for Carlos. Darating rin ang araw na magsasawa ito sa kanya.

Kaya merong mga sandali na sa tuwing mauuna siyang magising sa umaga ay matama niyang pinagmamasdan si Carlos. How he looks so peaceful and still so handsome at sleep. She is trying to memorize his features and store it in her mind together with the memories that she had with him. Minsan ay nahuhuli siya ng asawa habang siya ay nakamasid dito at nauuwi ang tuwa nito sa paglalambing sa kanya.

Halos lahat ng gusto at hilingin ni Carlos sa kanya ay hindi niya matanggihan. Kaya ng hilingin nito na samahan siyang mag jogging sa park tuwing may pagkakataon ay pumayag siya kahit na hindi niya hilig mag jog. Naaaliw na lang siya dahil kasama niya ito at marami silang napag-uusapan.

Pagkatapos nilang mag jogging ay pinagbibigyan naman siya ni Carlos na dumaan ng simbahan para magdasal.

Isang araw pagkatapos nilang dumaan ng simbahan ay merong tumawag sa cellphone ni Carlos. Timing naman na naiwan nito ang telepono sa kotse kasama ni Cornelia dahil may binili lang ito sa convenience store. Hindi na sana ito papansinin ni Cornelia, kaya lang merong kung ano na nagtulak sa kanya upang kunin at sagutin ito.

International number. Baka importanteng business call.

"Hello?"

"Hello." Sagot ng isang babae sa kabilang linya. "Have I got the wrong number? Is this Carlos' phone?" Tanong nito sa pananalitang may accent.

"Yes, it's Carlos number? May I know who's this please and can I take your message? He is just away for a while but he'll be back. You can also call him then." Sabi niya.

"Oh, are you his secretary? Why are you answering his phone? Well, can you please tell him to call his girlfriend. It's very important." Bilin nito at pinutol na agad yung call.

Nabigla si Cornelia. Hindi lang dahil sa binabaan siya nito ng telepono. Hindi lang din sa paraan at tono ng pananalita ng babae. At lalong hindi rin lang dahil sa nalaman niya na girlfriend ni Carlos ang tumatawag. Kundi sa sakit na bigla niyang naramdaman na parang sinaksak ang kanyang puso.

Napahawak siya sa kanyang bibig, pinipigilan niyang umiyak. Kailangan niyang kalmahin ang sarili bago pa siya madatnan ng asawa.

Nilagay niya uli ang telepono sa tabi ng driver seat at pinag-isipan ang sasabihin niya dito.

May isang ligaw na luha na umagos sa kanyang pisngi. Pinahiran niya ito.

Pilit man niyang itanggi pero alam niya ang ibig sabihin nito. Nagseselos siya. Hindi lang isang simpleng physical attraction ang kanyang nararamdaman dito. Mahal niya si Carlos.

She had known and she knows this part of his life and she remembered their conditions before they got married. Kaya she must acknowledge na wala siyang karapatan dito, wala siyang karapatang magselos dahil nagkasundo sila sa simula na they are free to do whatever they like as if they are still single. Their marriage is just on paper.

Kalmante na siya ng pumasok si Carlos sa sasakyan.

"Carlos, somebody called up while you're gone. Girlfriend mo daw. Maybe she will call up again later. I'm sorry I answered your phone. Insistent kasi yung ring eh hindi tumigil." Medyo defensive niyang bungad ditto.

Di agad nakapagsalita si Carlos. Tiningnan siya nito with an unreadable expression.

At pagkatapos ng ilang sandali...

"Okay." Ang simpleng sagot ni Carlos habang pinaandar na ang kotse.

Nakarating sila ng condo na hindi nagkikibuan.

Nang nasa banyo na si Cornelia at naliligo narinig niyang may tumawag kay Carlos. Ito na siguro ang girlfriend kasi naririnig niyang kinakausap ito ng asawa in French.

Umagos muli ang mga pinigilan niyang luha.

This is an eye-opener for her. It's only two months but she was not able to stop herself from falling deeply for her husband. Parang nahihiya siya sa sarili sa mga ginawa niya at humantong sa ganito ang kanyang damdamin.

It is also too late dahil naibigay niya na lahat kay Carlos. At wala na siyang dapat na sisihin pang iba kundi ang sarili dahil alam naman niya na hindi istilo ni Carlos ang makipag commit sa isang babae at ang katawan lang naman niya talaga ang kailangan nito as he had said from the start of their intimacy.

This is all her fault.


Ever After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon