Chapter 14

5K 92 2
                                    

Magdadalawang linggo na silang ikinasal at totoo sa kanilang pinag-usapan, patuloy pa rin ang kani-kanilang buhay katulad ng single pa sila.

Si Carlos busy pa rin sa pag-eestablish ng kanyang office sa Catalina at si Cornelia naman balik sa tambak na photo editing works, event coverage at print shoots.

Yung nag-iba lang ay magkasabay sila tuwing papunta ng trabaho dahil sira pa rin ang kotse ni Cornelia kaya hinahatid siya ni Carlos sa office nila araw-araw. Pero, iba iba naman yung schedule nila kapag uwian na, kasi minsan si Carlos ay may mga late meetings at minsan si Cornelia naman may event o di kaya late night shoot.

Nakagawian na rin nilang di na nag aalmusal sa condo dahil sa nagmamadali nga sila tuwing umaga at kanya-kanyang hapunan na rin sila tuwing gabi.

Isang hapon, maagang umuwi si Cornelia dahil sa dinaramdam niyang sakit ng ulo. Dumeretso na siya sa kanyang silid pagdating ng condo at natulog pagkatapos uminom ng gamot.

Kaiidlip lang ni Cornelia ng dumating si Carlos. Nakita niya agad ang mga gamit ng asawa sa trabaho na nasa sofa. Pagkatapos ng ilang linggo nagkataon din na pareho silang maagang umuwi.

Katatapos lang ni Carlos na maligo at bumihis ng nagpasya itong umorder na lang ng makakain dahil sa wala nang laman na pagkain yung ref nila. Pagkalabas niya ng kwarto ay agad niyang tinawag si Cornelia upang tanungin ng gusto nitong pagkain.

Ilang beses nang tinawag ni Carlos ng asawa at hindi pa rin itong sumasagot kaya kinatok niya ang pintuan ng silid nito.

Wala pa ring sagot.

Sa pagkakataong ito ay nagtaka na siya. Tiyak niyang nandito na ang asawa ngunit bakit hindi ito sumasagot.

At nagpasya na si Carlos na buksan ang pinto ng kanyang kwarto at doon nakita niyang mahibing na natutulog ang asawa.

Nilapitan niya ito at tinapik ang balikat para magising.

"Cornelia!" gising niya dito. "Cornelia!"

Dahil sa medyo madilim na ay binuksan ni Carlos ang lampshade sa gilid ng kama. At doon niyang napansin na pawisan ang mukha ng asawa kahit na malamig ang aircon ng kwarto.

Na alarma si Carlos. Dinama niya ang noo at leeg ng asawa at nag-aapoy ito ng lagnat. Dali-dali siyang kumuha ng bimpo, alcohol at tubig at bumalik ng kwarto. Umupo siya sa gilid ng kama para mapunasan niya ito.

Nagising si Cornelia ng may dumampi sa kanyang noo na malamig na bagay.

"Carlos?" mungkahi niya ng maaninag ang asawa. "Anong ginagawa mo?" tanong niya dito.

"Cornelia, you have a fever. Why didn't you call me earlier at the office para nasundo kita?

"No need Carlos." Sagot niya. "Kaya ko pa naman eh. I'm used to these migraine attacks"

"Do you want me to call a doctor?"

"No, no... Ok lang ako. Kailangan ko lang itulog ito. I have taken a medicine na"sabi niya kay Carlos at di sinasadyang hinawakan niya ang kamay nito habang siya ay nagpapaliwanag.

Agad namang kinuha na rin ni Carlos ang kamay ng asawa at automatikong binigyan ito ng halik. Nagtama ang kanilang mga mata at parang may magnet na umakit kay Carlos na matikman muli ang mga labi ng asawa.

Mahina niyang dinampi muna ang kanyang labi sa labi ni Cornelia. Nadama niya ang hininga nito lalo na nang bahagyang bumukas rin ang mga labi nito, palatandaan na hindi ito tumututol sa nais niyang gawin. Kaya tuluyan na niyang pinadama sa asawa ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng paghalik dito.

Umakyat naman ang mga kamay ni Cornelia sa mga balikat ng asawa at sa kanyang pagyakap dito ay tuluyan nang hinayaan ni Carlos na idagan ang katawan nito sa asawang nakahiga.

Dito napatunayan ni Cornelia kung gaano kasabik ang asawa niya sa kanya at halos di siya makapaniwala kaya bigla siyang natigilan at kumalas siya sa yakap nito.

" Carlos, stop... please." Sabi niya.

"Cornelia..."

" Baka napagkakamalan mo lang ako as somebody else." Dagdag niya.

"What?!" pataas na tonong sagot ni Carlos. "Are you for real? Don't you feel how badly I need you? For so many times that I have kissed you already." Patuloy niya habang masinsinang pinagmamasdan ang mga ekspresyon na sumasayaw sa mukha ng asawa.

Batid ni Carlos ang nananaig na hiya at insecurity ng asawa. Napagtanto niya sa loob ng pagsasama nila at pagkalapit niya dito na hindi conscious si Cornelia sa taglay nitong kagandahan. Kaya ngayon gustong- gusto niyang ipadama dito kung gaano siya naaakit dito pero naalala niyang maysakit ito.

Hinawakan niya ang mukha ng asawa at mata sa matang inilahad niya ang matagal na niyang gustong imungkahi dito.

"Cornelia, I need to be honest with you. Even though napag-usapan nating to maintain our single lifestyle while we are married to each other, I want you to know that hindi kita napagkakamalang ibang babae. I kissed you because I want you. You." Seryosong sabi nito.

"Pero Carlos..."

"Let me finish. I have wanted to pose this to you eversince. I want to have a physical relationship with you, if you are okay with that" prangka nitong sinabi.

Napasinghap si Cornelia at halos nanlaki ang mata niya sa mga sinasabi ng asawa.

Gusto niyang kurutin ang sarili upang mapatunayan niyang hindi siya nagdedeliryo dahil sa kanyang migraine at kung anu-ano na ang kanyang na-iimagine.

Pero patuloy pa rin sa pagsalita si Carlos and this time, hinawakan siya uli nito.

"Since we will be living for a year with each other. It is inevitable that something like this is gonna happen. And I want us to enter this phase with eyes wide open if ever you will give your consent."

Napahigpit na rin ang kamay niya sa mga kamay ni Carlos.

" Be rest assured Cornelia, that I will take care of you, I will still respect you and I won't have other relationships while with you."

At muli siyang hinalikan ng asawa, pero sa pagkakataong ito ay madali lang.

Kinuha nito uli ang bimpo upang ipagpatuloy ang pagpunas sa kanya.

Hindi pa rin makapagsalita si Cornelia.

"By the way," mungkahi ulit ni Carlos. "I want to ask you what do you want for dinner? Magpapa-deliver na lang ako ng pagkain."

" Ah, ikaw na lang bahala, parang wala rin naman akong gana eh" medyo mahinang sagot niya dito.

"Okay." Sagot ni Carlos. " I'll order now. You just stay there. Tatawagin na lang kita kapag kakain na tayo. Or do you want me to bring your dinner here?" tanong nito.

" Ha? Ah, wag na. Sa dining room na lang tayo kumain." Sabi niya dito.

Iniwan siya ni Carlos na confused. Hindi niya inexpect na may gusto sa kanya ang asawa lalo na sa pisikal niyang anyo. Sa buong buhay niya, ngayon lang niya naramdaman na may lalakeng naaakit sa kanya. Sa buong buhay niya, ngayon rin lang siya nakaranas na bigyan ng ganung klaseng proposal at ito ay mula pa sa kanyang asawa, who as she have known, is so used to having flings, affairs and whatever kinds of relationship with the opposite sex as long as it does not involve anything that is long-term.

She admits, it is a heady feeling. Pwera migraine.

At napapaisip at nacoconsider niya pa talaga ang gusto ng asawa. Why not?

Napahawak siya sa kanyang dibdib na ngayon ay lalong kumakabog ng palakas ng palakas. Bakit she found his proposal exciting? Napaka-inosente niya talaga, tsk tsk. Naisip niya rin na maaari siyang masaktan sa dulo ng lahat ng ito.

Ever After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon