Chapter 13

4.9K 100 0
                                        

Hindi makapaniwala si Carlos na tuloy na tuloy na talaga ang pagpapakasal niya. Ngayon niyang nararamdaman na parang may kung anong tali na unti-unting humihigpit sa leeg niya. He tried loosening up his cravat a bit while waiting near the altar for his bride.

Nang tumunog ang bridal march, mas lalong na tense ang katawan niya.

Bumukas ang antigong pintuan ng chapel at nagsimulang humakbang si Cornelia patungong altar. Napako ang paningin ni Carlos sa kanyang mapapangasawa. She never fails to surprise him with another transformation. Para siyang pinaghalong 50s celebrity at European princess sa kanyang wedding dress. Lalo na sa kanyang kagandahan.

Nawala lahat nang agam-agam ni Carlos nang salubungin niya si Cornelia at kinuha ang kamay nito mula sa papa niya.

Nagtama ang kanilang paningin at parang nagkaintindihan ang kanilang mga isipan. Pinisil ni Cornelia ang kanyang kamay at siya naman ay tumango rin dito.

Para namang lasing si Cornelia na nakalutang ang malay habang kinakasal. Hindi na niya alam kung ano na ang mga sinagot niya sa pari at sa kay Carlos. Bumalik na lang ang kanyang uliran nang binuksan ni Carlos ang kanyang belo at hinawakan ang nguso niya upang bigyan nito ng halik na ubod ng ingat at tamis.

Isang kisapmata at parang nagisisng si Cornelia mula sa isang panaginip nang marinig niya ang palakpakan ng kanilang mga bisita sa loob ng chapel.

Pagkatapos ng mga huling seremonyas at picture-taking, tumuloy na sila sa mansion ng mga Miranda para sa reception. Doon nakihalubilo sila sa kanilang mga guests.

Habang iniikot nila ni Carlos ang reception area para magpasalamat sa mga kamag-anak at bisita, naramdaman ni Cornelia na parang may mga mata na nakasunod at nakatutok sa bawat niyang galaw. Tumayo ang mga balahibo sa kanyang batok at nagsimulang maging uneasy siya.

Napansin ito ni Carlos at parang instinctive na napuna niyang may bumabagabag sa asawa kahit wala itong ipinakitang senyales na ganun ang kanyang naramdaman.

Somethings bothering you? tanong niya kay Cornelia.

Ha? namangha si Cornelia na naramdaman ni Carlos na may bumabagabag sa kanya. Carlos, I feel like may bumabantay sa bawat galaw ko. Its like theres a pair of eyes behind us na nakamasid and its not a nice feeling. Reklamo niya sa asawa.

Lumingon si Carlos at tamang-tama nakita niya ang nag-iisang tao na nakasandal sa haligi at nakatingin sa kanila habang ito ay naninigarilyo. Si Raphael, ang kaniyang pinsan. Tumango siya dito at lumapit ito sa kanila.

Lumingon na rin si Cornelia nang marinig niya na may humahakbang papalapit sa kanila.

Carlos! bati nito, Its a great wedding. Care to introduce me to your bride? dagdag pa ni Raphael habang hindi umaalis ang mga titig nito kay Cornelia.

Cornelia, this is my cousin, Raphael. Sabi ni Carlos.

Tumango si Cornelia to acknowledge him pero mabilis nitong kinuha ang kanang kamay niya at dinampian ng halik.

It is a pleasure to meet you. Carlos is a lucky guy. Mahal siya talaga ng mga lolo namin. pasaring pa nito making them think na meron siyang ideya sa kanilang arrangement.

Mabilis na binawi ni Cornelia ang kanyang kamay at ewan ba niya pero parang nandiri siya lalo na at nangangamoy ito ng usok ng sigarilyo. Parang gusto niyang masuka. Humigpit ang hawak niya sa braso ng kanyang asawa.

Naramdaman ni Carlos ang paghigpit ng hawak ng asawa. Namumula na ang mga tenga niya sa namumuong galit sa kay Raphael simula ng lumapit ito sa kanila at di umaalis ang malagkit nitong paningin sa kanyang asawa. Muntik na niyang suntukin ito ng hinalikan niya ang kamay ni Cornelia pero nakapagtimpi pa siya lalo na nang naramdaman niyang humigpit ang hawak ni Cornelia sa kanya.

Raphael, maiwan ka na namin. We have to circulate with our guests pa. You enjoy the rest of the reception. Sabi ni Carlos sabay hila sa kay Cornelia palayo.

I dont like the vibes from your cousin Carlos. I am sorry to say that. Mungkahi niya sa asawa. Mabuti na lang at nagpakasal tayo. Kung hindi siya pala yung magbebenepisyo ng lahat.

Sorry for that too, sabi ni Carlos at kinuha niya ang dalawang kamay ng asawa upang hawakan ito. Raphael just have this somewhat sinister personality. He is a spoiled brat so used to having everything at just a snap of his fingers and most of the times it just goes to his vices. Just be careful when you are around him lalo na kapag wala ako. Babala nito.

Carlos, Cornelia iha. Tawag ng lola ni Cornelia. Mauna na kami ng papa mo. Well be expecting you on the weekend.

Okay po Nana. Sagot ni Cornelia habang bumebeso sa Lola niya. Ingat po kayo.

Pagkatapos nilang ihatid sa garahe ang lola at papa ni Cornelia ay nagpaalam na rin sila sa mga magulang ni Carlos since only a few of their guests remained at ito yung mga kasosyo ng papa ni Carlos.

Habang nagmamaneho si Carlos pabalik ng hotel nila, namayani ang katahimikan sa loob ng kotse. Pareho silang preoccupied ang isipan sa kani-kanilang concern sa buhay nila ngayong mag-asawa na sila.

Si Cornelia, nagmamatyag sa mga samutsaring emosyon niya kapag kasama at kausap ang asawa. Si Carlos, inuunawa rin ang sarili sa mga naramdaman niya ng araw na ito tungkol sa kay Cornelia.

Pagdating ng hotel, pinauna siya ni Carlos pagpasok sa elevator.

Katahimikan pa rin.

Kumawala ang isang malalim na buntong hininga mula kay Carlos at bigla niyang nilapitan at sinungaban ng halik ang asawa. Nagulat si Cornelia. Halos lumaki ang mata niya nang biglang ipasok nito ang dila at nakipag espadahan sa kanya. Damang-dama niya ang pananabik ni Carlos sa kanya kaya para na rin siyang nalunod at automatikong napapikit sa sensasyong dulot ng mapusok nitong halik.

Gumaganti na rin ng halik si Cornelia ng biglang tumunog at tumigil ang elevator sa kanilang floor. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

Hawak pa ni Carlos ang mukha niya ng siya ay yumuko dahil sa hiya na naramdaman. Dali-dali siyang lumabas at naghintay sa pintuan ng silid nila. Nang buksan ni Carlos ang pinto ng suite room ay halos kumaripas siyang papasok ng sarili niyang silid.

Medyo napangiti naman si Carlos sa reaksyon ng asawa. At narito naman ang kanyang isipan at siya ay inuudyok na maging mas malapit pa dito in terms of physical relationship.

Minsan na niyang naisip ito at pwede rin naman sana kung papayag si Cornelia. Pero mukhang malabo yatang pumayag ito kung prangka niyang kausapin. May pagka-dalagang Pilipna kasi eh.

Sa kabilang kwarto, kaharap ni Cornelia ang sarili sa salamin. Parang paulit –ulit na nagrereplay sa kanyang imahinasyon ang nangyari sa elevator habang inaalis niya ang mga hairpins sa buhok niya. Namumula ang kanyang pisngi sa alaala ng mainit nilang halikan ng asawa.

Napatigil siya at matiim na tiningnan ang kanyang repleksyon. Napataas ang kanyang kilay.

Huwag mong sabihin nadadala ka na Cornelia. Sabi niya sa sarili. Delikado tayo sa lagay na yan! at inilingan niya ang kanyang imahe nang may kumatok sa pintuan niya.

Cornelia?! tawag ni Carlos.

Yes? sagot niya.

Goodnight! sabi nito.

Ever After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon