Chapter 8

4.9K 95 0
                                    

Chaos.

Ito ang nababagay na description sa mga sumunod na araw para kay Cornelia. Hindi niya alam kung anu-ano ang mga pinag-gagawa niya. Maliban sa kanyang mga deadlines sa magazine, she has to deal also with the preparations for her wedding.

Pagkatapos nilang lagdaan ni Carlos ang kontrata na nagpapatibay ng merger ng dalawang pamilya. Pinasimulan na agad ng kanilang mga magulang ang paghahanda sa kasal lalo na ng ina ni Carlos.

Halos, na schedule na lahat ni Natalia yung mga dapat I accomplish ni Cornelia at Carlos for their wedding and as agreed by both parties, si Natalia na ang nag hire ng wedding planner at nagpapasimuno ng lahat ng arrangements. Which is favorable naman with Cornelia, considering her commitments at work and she is also quite unsure of some things without the guidance of Natalia.

Today, she will be meeting Carlos' mother para sa fitting ng kanyang wedding gown sa isang exclusive na fashion house. She had chosen the design herself, according sa style niya rin na simple lang. Ito ay isang tube French lace gown with sheer neckline going to almost half of her back. Romantic ang dating nito especially when worn na with her veil which is her Nana's antique French lace veil.

Eventhough malabo na talaga matupad yung pinapangarap niyang wedding  with someone she really loves, Cornelia decided to go all out with her choice sa gown. Kahit on this aspect na nga lang mapagbigyan niya ang kanyang sarili to wear her dream wedding dress when she walks down the aisle.

Their wedding will be held sa chapel ng village nila at ang reception sa backyard ng mga Miranda na bagong ayos ang landscape at paligid. Only a small crowd will be present, some close relatives and friends.

Sa loob ng tatlong lingo mabilis na natapos lahat ng mga kailangan for the wedding and during those days, halos mabilbilang lang sa daliri ang pagkikita nila ni Carlos. Naging busy rin ito sa pagset-up ng kanyang opisina sa siyudad that will bridge his communication with his department in their company in France. Kaya ipinaubaya na talaga niya lahat sa kanyang ina at kay Cornelia ang pag-aayos sa wedding.

Cornelia is almost running late nung dumating sa fashion house and she was met by her eager future mother-in-law.

"Iha!", sabay beso nito sa kanya, "you go inside the fitting room na, they will be bringing your gown." dagdag nito.

Nilagay ni Cornelia yung bag niya sa sofa kung saan nakaupo si Natalia at sumama na agad siya sa nag-aantay na assistant patungong fitting room.

She have no illusions on her appearance kaya for her ng isuot na niya yung gown , she is just wearing something beautiful and expensive but she still looks the same. Which, samantala, is a different story naman sa mama ni Carlos ng lumabas siya.

Naluha si Natalia ng makita siya at niyakap siya nito.

"Iha, you made my dream come true for Carlos." Sabi nito. "I hope that you two will be happy despite how all of this happened."

"Tita..."

"Mama, from now on, you call me mama."

Hindi na tumutol pa at nagsalita si Cornelia upang ma disillusion ang mama ni Carlos, dahil na rin nakita niyang masayang masaya ito at emosyonal sa pagkakataong iyun.

Niyakap siya nang mahigpit ni Natalia. Wala na ring nagawa si Cornelia kundi ang yakapin rin si Natalia.

They left the fashion house together for their next appointment, which includes a salon visit and spa treatments bilang five days na lang at wedding na.

Bukas, naka schedule yung pre-nup shoot nila ni Carlos for their avp and photos. And this will be handled by her team since hindi ang mga ito papayag to miss the chance of doing this for their boss. Pati sa wedding day mismo, her team offered to handle everything for the documentation and videos. Ito na daw ang wedding gift nila sa kanya.

She was not able to hide her upcoming wedding from her staff and management since she had filed two weeks leave to be able to prepare and deal with everything, the wedding and moving in with Carlos.

Hindi pa rin siya talaga makapaniwala na nangyayari lahat ito. At naging marami na rin ang mga namumuong pag-aalinlangan sa kanyang isipan pero sa tuwing sasagi ito sa kanya, she diverts her mindset to thinking that she is doing this for her Nana and Papa. To keep the mansion. And she reminds herself also that it is just for a year lang naman.

Ever After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon