Chapter 23

5.2K 104 1
                                        


Unti-unting bumabalik na ang consciousness ni Cornelia.

She was able to sleep for a while. Dinig na dinig niya ang tunog ng mga apparatus ng hospital at naalala niya kung bakit siya nandito.

Bumilis uli ang tibok ng kanyang puso at nagregister ito sa monitors na nakakabit sa kanya.

"Cornelia...Babe..."

Carlos... Si Carlos? He is here?

Iminulat ni Cornelia ang kanyang mga mata at bumungad sa kanya ang mukha ni Carlos na haggard at punong-puno ng pag-alala.

"Carlos..." sambit niya. "I'm sorry..." at nagsimula na siyang umiyak.

"For what babe? Calm down..." sabi nito habang nakahawak sa kamay niya at hinahaplos ito.

"I wasn't able to inform you..."

"Sshhh... That's okay..."

" No it's not... Kung hindi pa nangyari to sa akin, hindi mo pa nalaman. We are having a baby..." at bigla siyang humagulgol. "Do... do we still have our baby? Tell me Carlos... the truth please?" tanong niya sa asawa habang mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay nito upang umapela na sabihin sa kanya ang katotohanan.

" Calm down babe, the doctor said makakasama sa'yo to be agitated." Sinubukan niyang pakalmahin ang asawa kaya he tenderly kissed her on the lips and then held her face. " Our baby is now doing fine. He hold onto you." Pahiwatig niya sa asawa ng may ngiti sa kanyang mga labi.

Hinalikan niya ulit si Cornelia. This time mas matagal at parang may gustong ipahiwatig ang kanyang mga titig.

Hinawakan ni Cornelia ang mukha ni Carlos.

"I love you." Mahina niyang sambit habang nakatingin ng deretso sa asawa. "I don't expect anything back or want you to feel obligated by my situation." Patuloy niya habang nangigilid ang kanyang luha.

"Babe, I love you rin naman eh." Sagot agad ni Carlos habang pinapahiran ng kamay ang mga luha ng asawa. " The flight going here was the longest flight of my life. I couldn't get any faster to you. Gusto kong tumalon na lang from the air just to get here quick."

He kissed her once again and this time, Cornelia felt the sincerity and his love for her.

Carlos then tenderly touched her developing baby bump.

"This made me realize... that I never want to be parted from you and from our baby." Patuloy nito. " Mama told me to pray for you and for our baby, and I had never prayed so hard. I terribly want him or her babe. And God listened."

Sobrang tamis ang mga ngiti ni Cornelia. Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ni Carlos.

"I love you..." sabi niya uli dito para patunayang hindi siya nananaginip.

"Mahal na mahal rin kita. Kaya, magpagaling kayo. We will stay here for a while until you are well and fit to go home." Pahiwatig sa kanya ni Carlos. " Oh, siya, you go back to sleep muna and we will talk later kapag nakapagpahinga ka na ng maayos."

And he helped her get comfortable on the hospital bed. He kissed her on the forehead just when is about to close her eyes. Cornelia smiled.


Ever After ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon