Call me maybe? or not

2K 26 11
                                    

Corrine

Extended po ang pagkatulala ko sa maghapon. Walang pumasok sa utak ko ni isa sa mga lessons ko.

Kasi, isa...at isa lang ang nag re-replay sa utak ko at alam niyo na iyon. Yup that white monster's face is plastered abnormally in the middle of my mind's eye.

Wala sa sarili na papasok ako sa library ng may humila sa akin.

Wala sa sarili ko din na tumingin sa humila.

"Hey, do you need help with the lessons I gave earlier today?" Seryuso ang mukha nito.

Tae ng ipis naman oh! kung sino pa iyong iniiwasan mo..waaaaah.

Napahagulgol ako sa sobrang inis saka hinampas ko siya ng hinampas ng libro.

"Can you stop bothering me?!"

Nagpapadyak na ako sa sobrang inis.

"Why are you crying? stop that." Sabi ni Mr. Corbes habang palinga linga sa palibot, na nag aalalala na isipin ng iba na inaway niya ako.

At nang patapos ko ang aking munting shenanigan ay saka naman niya ako kinulong sa bisig niya, ipokrita ako pag sinabi kong ayuko at di ako kinilig, alam nyo naman di ba?

Nagtaka yung iba pang kababaihan at may nag bulungan pa na di naman masyadong bulong kasi dinig din naman.

"Are you done crying? because if not you can continue crying in my car."

Paano ko mapipigilan? Bwisit na buhay to oh. Sege na sege na ako na yong iyakin.

"Jesus!!!people are staring, come with me so we can have some privacy."

At kasalanan ko pa talaga kong bat ako umiiyak? Siya tong ginugulo ang puso at isip ko, siya pa ang may ganag magalit at mahiya.

"Don't talk to me, talk to my hands!."

Alam ko alam ko, para akong kinder. So what, wala ba akong karapatan?

Wala nga huhuhu. Ayuko nang ganto nakakabaliw.

"Ayuko ko na nga eh. Ang kulit kulit mo."

Tumatagas pa din ang luha at sipon ko. Mabuti nalang at may tissue akong dala.

"What?" At talagang nagtataka pa ito? Buwisit na to.

"Ang sabi ko ayuko na ngang mag c-crush sa iyo bat ba ang kulit kulit mo."

Patay.....tinakpan ko ang sarili kong bibig.

Bat ba kasi nagsasalita tong bibig ko ng kusa? Di bale di naman niya naintindihan yun, walang reaksyon eh.

Hinila niya ako papuntang kotse. Corrine! Kelan ka pa naging kaladkarin, kaya ka napagkakamalan eh.

"Where do you want to go for lunch?"

San pa syempre sa paboritong fast food chain ng mga pinoy. Sunod-sunuran nalang ako, kasi kinikilig akong kasama siya at may guilt din na namuo sa loob ko sa inasal ko.

"Are you really that hungry?" kumento niya habang naka tingin siya tray na inorder ko.

Pakialam nito, sinimangutan ko siya.

"I'm paying, I don't need your opinion of my appetite."

Tiningnan lang niya ako sa peripherals niya.

"Don't be stupid."

Oo na stupid na kung stupid! Love is soft as an easy chair..love, fresh as the morning air..love that is shared by me, I didn't found in you..stupid! kada kasi mag mag salita ng stupod di ko mapigilang maalala ang salbakuta.

Sa table namin, yung tray ko may hotdog sandwich, spaghetti, Cheese burger, Fried chicken with rice, Extra large fries, Coke float at isang set ng peach pie. Sa tray ni white gorilla isang fried chicken na tinanggalan ng skin. Kinuha ko naman.

"Akin nalang sayang."

Yun pa naman ang masarap sa chicken. Matagal bago maubos ang pagkain ko. Stress eating kung baga dahil ang source ng stress ko ay nasa harap ko at siya pang nagpakain.

Nagpadagdag pa ako ng extra coke.

"So are we good?"

Naka kunot ang noo niya. Ang cute niya talaga...hays.

"Are we dating?"

Curios lang naman ako kasi, nag kiss kami, kumain kami sa labas. Di ba yun naman ginagawa ng nag de date? Nag hug pa kami kanina. Malakas ang attraction ko sa kanya, sa tingin ko di naman niya ako hahalikan kong hindi siya attracted sa akin.

"Noo!"

Mabilis pa sa alas kwatro niyang sagot.

Sa Inis ko, nahambalos ko ulit siya ng bag ko may lamang laptop. So pinakain niya ako sa Jolibee para pampalubag loob?
abilis akong nag walkout. Hbrrrrr, syempre magagalit ako mapahiya ka ba naman anu gagawin mo kung ikaw sa situasyon ko?.

Anu nga ba? Huhuhuhu...hapdi nun ha.

"Corrine wait! stop, Please."

pinigil niya ang isa kong braso

"Anu to exena sa Fifty Shades of Grey?"

Kaloka, kung ayaw mo di wag. Hanap ako ng mas may sense kausap, yung kasing sarap humalik.

At least, mabuti yung malinaw, habang mas maaga eh malagyan ko yung puso ko ng concrete wall at cast iron gate, para mahihirapan silang makapasok.

Subukan niyang lumapit ulit at makakatikim siya ng kung-fu hambalos slash kamot style.

Hitsura nito...(gwapo), basta nalang manghahalik at mang lilibre ng food, di naman kami magka anu-anu.

Ako naman si tanga ang bilis mag asume. Buti nalang marunong akong 'mang lilinaw' if that's even a proper word sa tagalog.

Nag tangka pa siyang habulin ako, pero ayuko ko nang maabutan niya kaya iniligaw ko siya sa lagusan ng mga stores ng mini china town. As if naman di na kami ulit mag kikita, di ba? may pagka timang ang peg kung sa usaping puso. Whatever!

First Gravity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon