25. For the Lack of it

1.6K 25 23
                                    

Corrine

Sa sobrang stress ko, sumama ang pakiramdam ko. Sumakit ang ulo ko kaya't absent ako, pangalawang araw na ito. 

Pero kahit absent ako ipanapadala pa din ng mga kakalase ko ang lessons at notes nila para mapagaralan ko.

Tumambay ako sa coffee shop dahil may aircon, kahit papano ay naguginhawaan ang pakiramdam ko sa malamig. Naka pambahay ako at ni hindi nag suklay.  Doon lang ako sa sulok.

"Cor gusto mo ng gatas?"

Tanong ni Roms, shift niya ngayon. Tumango ako. Medyo nawala na ng konti ang sakit ng ulo ko pero nilalagnat pa din ako. Nagpatuloy ako sa paglaro ng Plants vs. Zombies sa laptop ko.

"Tingnan mo to, tigil mo nga muna yang pag c-computer mo lalo sumasakit ang ulo mo niyan eh."

Bitbit ang isang baso ng h0t milk.

Naupo siya sa harap ko. At nilagay ang likod ng palad sa leeg at noo ko.

"O mainit ka pa din, umuwi ka nalang kaya at matulog."

Umiling ako, at nagpatuloy sa paglalaro.

"Mama Dels Oh, ayaw umuwi ni Corrine, mataas pa po lagnat niya, pero naglalaro sa computer."

Ay walastik, humanap daw ng kakampi.

"Sumbungero."

Tumayo na ako iniwan ko yung laptop. At nag marcha pauwi saka bumalik.

"O op op! iwan mo yang laptop."

Harangan daw ba ako.

"Yung gatas ko."

Sabay hablot sa baso.

"Corrine naka inom ka ba ng gamot kanina?"

Tanong ni mama. Tumango lang ako.

"Naku eh pag nag patuloy pa yang sakit mo hanggang bukas, mag pacheck up ka na."

"Mauna ka nang mag hapunan, may tinolang manok dun sa ref, iinit mo tapos uminom ka ulit ng gamot at matulog ng maaga."

"Yes ma."

Habang binabaybay ko ang kalye pauwi sa amin, naka kita ako ng kotseng dumaan na parang familiar pero di ko sigurado. Deneadma ko at dere derecho nang umuwi.

Hindi pa rin ako nakapasok the next day kaya ipa doctor na ako nila Mama, viral infection daw due to low immune system. Kulang ako sa vitamins. Kaya pinag bawalan akong kumain ng junk foods at inerekomendahan kumain ng gulay at prutas.

Nung weekend ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko at umokey nong Linggo.

Hindi pa ako handang harapin si Joshua, pero kailangang masolusyunan ang kaguluhang ito sa lalong madaling panahon.

Nag research ako sa internet. Although legal at binding ang kapangyarihan ni Inay Laring, nasa kautusan din na kailangan ng consent mg magulang ang ikakasal kung mababa sa edad na bente uno, na pwedeng ikawawalang bisa ng kasal. 

Pero ayukong malaman nila Mama.

Monday, huminga muna ako ng malalim bago pumasok. At tada!!!! na surpresa ako na may dalawang taong nag hahalikan sa mismong opisina ni Joshua.

Nakikipaghalikan si Lilia, naka kandong kay Joshua at bukas pa ang harapang butones ng blouse. Umusok ang tenga ko at nanlaki  ang butas ng ilong ko.

Hinila ko ang kwelyo ni Lilia at itinulak pa labas ng opisina ni Joshua. Wala akong pakialam sa kung anong posisyon ko sa kumpanyang to kung sino ang nasa harap ko.

First Gravity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon