40. O pag ibig

1.3K 14 6
                                    


Corrine

Tatlong buwan matapos kaming nag tagpo ni Andy naging busy ako sa aking career sa broadway.

Kung iniisip ko man si Joshua ay pinapamanhid ko sa trabaho. Unti unti na ding bumabalik ang sigla ko. Isinasama kasi ako ni Andy sa Gym na at pinag work out.

Nag aaral din ako ng French sa gabi, nag hanap na din ng ibang assistant si Romano.

Sa apartment pa din niya ako naka tira pero hindi na kami halos mag pang abot, dumalang na din ang pagkikuta namin ni Jenna, pero sinisigurado ko na every sunday ay mag luluto ako ng dinner, kasama na si Andy.

Kaming apat ang nag silbing pamilya. Madalas pa ding mag away si Jenna at Romano at hindi pa din umaamin ang kaibigan ko na may gusto siya kay Jenna.

Noong minsan naabutan ko silang natutulog na magkatabi na magkadikit ang mga labi. Hindi ko naman ugaling mang usyuso kaya pinalagpas ko. Sa mortal na magkaaway nagiging madalas ang pag tatabing matulog huh kunyari wierd.

Minsan din naabutan kong nambubunot ng kilay ni Romano si Jenna, ako na bestfriend niya hindi ko ginagawa lalo pa nung naging assistant niya ako, hmp may isang araw, isang araw at mapipilitan kayong dalawa na umamin sa mga nararamdaman niyo.

May ipinakilala sa akin si Andy na French guy, mabait naman itong si Felipe. May aura ng pagka aristokrato at matipid din sa salita. Naka apat na date na rin kami.

Scheduled date dahil parehong busy ang mga buhay namin. Kung manamit ito ay napaka elegante at mukhang mabango ang kaibahan lang nito kay Andy ay ma awturidad nitong aura.

Katulad ngayong gabi manunood kami ng ballet show na Anastacia, ayaw ko na sinusundo niya ng limousine at gusto ko na ordinaryo  lang na may apat na gulong, pero heto at ipina sundo ako ng karwahe. Utang na loob naman.

"I told you we can go with a normal and ordinary car."

"But my love, this is normal to me and you very well know we are not ordinary."

Sabi nito habang binigyan ako ng beso beso. Naka suot ito ng tuxedo na puti at may rosas sa bulsa ng coat nito, kinuha at inilagay ang bulallak sa tenga ko.

"You look dazzling tonight."

Sino na ang hindi mag dazzle sa itim na gown na puno ng swarovski crystals na denesenyo ni Jenna.

Dahil sa broadway ako, nakaka relate ako sa show kayat na enjoy ko ito ng husto.

At mas lalo na nung dinala niya ako sa restaurant sa taas ng Eiffel tower. Napaka romantic ng aura.

Kapag kasama ko si Felipe prinsesang prinsesa ang peg ko.

Nag ring ang cellphone ko. Anu bang klaseng abala tong mga cellphone na to. Pero si Mama pala kahit kelan ay hindi sila abala.

"Can you excuse me for few minutes?"

Hindi naman ako umalis sa kinauupuan ko, nag face the wall nalang ako at lalo ko lang na enjoy ang view ng Parisian night nang humarap ako sa labas.

"Ma?"

Tuloy-tuloy sa pag sasalita si mama na humahagolhol, nag freeze ang buo long katawan bigla, hindi ko masyadong naiintidihan ang sinasabi nito, may kinidnap daw. Nabitiwan ko ang phone. Kinain na ako ng panick.

"I have to go home."

Tumakbo na ako papuntang elevator na mukhang cable cars sa laki may second floor pa.

"I'll bring you home."

Habol pa ni Filepe sa akin.

"No, I need to go back in the Philippines."

Hindi na napipigilan ang luha ko samut saring emosyon ang bumabalik hapdi, sakit galit at lahat ng negatibo. Habang nag eempake ako ng nag dial ako ng numero ni Corbes.

Wala akong choice kailangan ko ng tulong niya pinansyal at koneksyon. Nilakasan ko ang loob ko.

"Cor sino ang tinatawagan mo?"

Kita ko ang pagtigas ng bagang ni Romano.

"My husband, who else."

Hawak hawak ko pa din ang telepono.

Nagkatinginan si Romano at Jenna na tila may telephatic powers nag uusap sa utak. Kumalma naman ng bahagya si Romano.

"I will go home with you Corrine your family is as much as family to me."

Tumalima na rin ito at nag empake.

"Ako din Ate Corrine, malapit na din naman ang summer vacation mag papaalam nalang ako ng maaga."

Hindi pa din ma contact si Corbes sa Tempe. Unless kung nasa Arcadia ito. Idinial ko ang number sa Arcadia.

"Corbes residence."

The same pathetic voice answered.

"Is Joshua Corbea there?"

Nanginginig pa din ang boses ko kahit pinatapang ko na ito.

"Who is this?"

Sarkastiko nitong tanong.

"Tell him it's Corrine, Corrine Lagua."

"Oh Mrs. Corbes, I'm sorry I didn't recognize you. But Joshua is having his psychotherapy session right now, you may want to call after 20 minutes? he's almost done."

Ay mura! mura! at mura ulit alam nyu na ang mura ng pinoy siguro.

"I don't give a shit even if he had his brain operated at this moment! bring him the effen phone!"

Hysterical ko na sigaw. Kung ikaw may kapamilya ka at kapusong namimiligro baka mas malala pa sa hysteria ang gagawin mo.

First Gravity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon