34. Oplan Lakbay Pag-Ibig

1.3K 19 7
                                    

December 2014

Corrine

"Anak sigurado ba ka sa gagawin mo? Mag isa ka lang pupunta dun, baka mapahamak ka."

Sabi ni Mama habang tinutulungan akong mag impake, mga dalawang buwan ang nakakaraan pagkatapos ng tagpo sa American embassy.

Tinulungan ako ng consul na maisaayos kaagad ang papeles ko. Hindi na muli kami nagkausap ni Joshua, kayat hindi ako sigurado kung tama ang gagawin ko.

"Ate sama ako."

Sabi ni Nate na gustong gusto maka punta sa America.

"Matatagalan ako pag isasama kita Nate, kita mo nga natagalan ako sa akin na may kaukulang dahilan ako para maka punta dun diba?"

"O sege wag na ako, kahit tong si Princess nalang."

Inilagay nito sa maliit na kahon ang bago niyang alaga.

"Nate isasama ko yang black scorpion kung gusto kong wag nang maka labas sa bansa! mapagkamalan pa akong terrorista niyan eh."

Inihatid ako ng buong pamilya sa airport, naka lagay ang mga importanteng documento sa shoulder bag ko.

Si Papa, nakakitaan konting konting disappointment sa akin pero hindi naman niya matitiis ang kanyang unica ijha, kaya walang tigil ang hagubilin, kesyo maging mapagmatyag, mapagmasid maging matalino, matanglawin ang peg.

Hindi pa man ako naka alis ay namimiss ko na sila kaagad. Lalo na nang nakikita kong tumutulo na ang luha ni Mama.

"Mama naman eh, babalik pa ho ako."

At sa tingin ko ay alam na ni Papa kung anu ang mangyayari sa airport kaya't may baon itong tissue. Napasinghot si mama. Ang sweet talaga ni Papa.

"Alangan namang pigilan ko ang sarili ko na malungkot, buti naman sana kung yung aalis eh yung kapit bahay lang natin."

So alam nito na kung san ako nag mana sa pagigibg iyakin.

"I love you Mama and Papa."

Nagyakapan kami bago ako pumasok sa eroplano.

Habang sumasakay sa 48 hours na flight papunta sa Arizona, nag iisip ako ng plano pagdating doon.

Plan A patigilin na si Corbes sa pag susundalo at hilahin siya pabalik sa Pilipinas.

Plan B maghanap ng trabaho doon kung ayaw niyang bumalik sa Pilipinas, At patitigilin siya sa pagsusundalo.

Plan C Nauubos na ang idea ko baka may suhestion kayo. Basta ang karugton nito ay patigilin si Corbes sa pagsusundalo.

Pwede akong mag auditon sa broadway, pwede din akong mag apply sa corporate businesses. O di kaya mag aaply nalang ako sundalo para pareho na kami.

Napanaginipan ko na nasa katabing upuan daw ang diyosa ng langit na si Alunsina.

"Madami kang pag subok na kakaharapin palangga ko, pero buwag kang pang hinaan ng loob."

"Uhm mawalang galang na po mahal na diyosa, pero sa tingin ko ay wala po kayong kinalaman sa buhay ko sa ngayon."

Napatawa ang diyosa.

"Hindi ibig sabigin na hindi ka naniniwala sa amin ay hindi na din kami totoo. Nandiyan lang kami sa palibot kung kinakailangan."

Overactive pa yata ang imagination ko kung stress ako. Nakasuot daw ito ng makukulay at katutubong damit. Ang headress niyang sinusuot ay kinuha niya at isinuot sa akin bilang kwentas, isang manipis na cut ng telang itim na may palamuting tanso.

Nagising ako nang papalapag na ang eroplano sa Phoenix sky harbor international airport.

Hindi naman siguro to katulad sa pilipinas na maraming manloloko, saka may gps naman ako sa tingin ko ay hindi ako maliligaw.

Malamig, kahit walang snow, gabi ng dumating ako. At nakapanlulumo ang hindi ko pagkapamilyar sa lugar.

Sumakay ako ng taxi at nagpahatid muna ako sa isang malapit na murang motel para may matuluyan. Napapadaan kami sa desyerto na may manakanakang mga naglalakihang cactus, bukas nalang ako mag seselfie. Ang layunin ko ay maka tawag kay Corbes.

First Gravity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon