35. I'm the legal wife!

1.4K 21 7
                                    

Corrine

Sa pag tapak ko mismo sa pinto ng motel ay nag dial ng number ni Papa, kasi kung si Mama baka hagulgol at singhot ang magiging conversation namin.

"Pa nandito na po ako sa Arcadia, kailangan ko lang po magpalipas ng gabi para mahanap ko kung saan nakatira si Joshua."

Narinig ko ang buntong hininga ni Papa.

"Corrine, alam mo na kahit hindi ako masyadong sang ayon sa ginagawa mo ay hinahayaan kita, basta siguraduhin mo lang na kakayanin mo kung sakaling masaktan ka."

Wala akong masabi kundi ang iparating nararamdaman ko.

"I love you Papa."

Sa mga panahong ito ko naapreciate lalo ang mga magulang ko.

Tinawagan ko ang telepono na ibinigay ni Joshua. Dalawang address dalawa din ang telepono, yung isa ay nasa Arcadia at isa North Tempe. Tinawagan ko muna ang North Tempe. Ayun at answering mahine ang sumasagot bagamat boses ni Joshua ang nasa recorder.

Naka ilang attempt ako sa North Tempe at walang buhay na tao ang sumagot kaya ang Arcadia address ang sumunod kong tinawagan. Ayun may sumagot.

"Corbes residence."

Boses high pitch na babae.

"Hi, can I please speak to Joshua Corbes?"

May maliit na dead air.

"He's not here at the moment, may I know who's on the line please?."

"I'm his wife Corrine."

Tumawa ng nasa kabilang linya.

"Yeah right."

Abat ang mahaderang stateside na to!
Sa pagod ko pinalagpas ko na muna at natulog nalang. Wala akong Jet lag, para sa mayayaman lng yata iyon.

Nakatulog agad ako at nanaginip agad agad. Nasa loob daw ako ng gubat at nakakasakal daw ang pagkalago ng mga halaman at kakahuyan. Nagising ako ng sarili kong sigaw hindi ko maalala kung anu ang kinatatakutan ko. Ah baka ito na yung jet lag.

Kinabukasan, nasa harap ako ng Corbes Mansion. Napaka gara nito at mukhang palasyo, may manicured lawn at merong fountain sa labas. Sa harap ako ng gate at hindi ako pinapasok kahit anung pagpapakilala ko. Wala daw kasukuyan ang mga Corbes kondi mga taga pamahala lang ng mansion.

Hindi talaga sila naniwala sa halip ay itinuro nila ako sa kabilang building kung saan nag ha hang out ang fans club ni Joshua. Hindi lang pala sa Pilipinas siya may career. At doon marami ang nag aambisyon na maging Mrs. Joshua Corbes.

Juice Milo! Sa sobrang inis ko parang gusto kong gumulong gulong at mag wala. Merong isa doon na ipina tattoo pa ang mukha ni Joshua sa ibabaw ng anu niya sa bandang ibaba ng puson.

Kung dati isinulat ko ang pangalan ni Joshua sa pahina ng textbook ko yung isa dito gumawa pa talaga ng isang buong libro na puro larawan at pangalan ni Joshua.

Meron namang mula t-shirt, pantalon, bag, head band, casing ng cellphone na inirampa ni Joshua bilang modelo ay suot niya.

Ang sa akin sing sing na bigay niya at dokumento lang.

"Hey! you look very pretty, would you like some coffee?"

Abat at home na at home pa ang mga ito.

Grrrrrr. Ako legal wife!!!!!

"No thank you."

Nginitian ako at binigyan bisquits.

"I'm Kelly I'm from Texas, how about you, where are you from?"

Sa impyerno at ipapadala kita dun! Pero polite akong sumagot.

"Philippines. Listen I need your help, I need to speak to Joshua and I know the right person to get into him."

Sana maintindihan niya ang english ko.

"I'm listening."

Sabi niya, nung nadinig niya na pwede niyang makita in person si Joshua.

"I need to go in Virginia."

"Why? is Joshua in Virginia right now?"

"Possibly and if not I know someone there that can bring us to him, problem is I just got here and I need help in getting there."

"You're saying you want me to come with you?"

Excited niyang tanong.

"When do we leave?"

"Tommorow, I need to get to Tempe first."

Kailangan kong makapunta sa pentagon. Pero kailangan ko ding e check muna ang Tempe.

"Okay let's do this."

Siya pa mismo ang humila sa akin. Ipinakita ko ang Address na ibinigay ni Joshua sa Tempe.

First Gravity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon