36. Cold Christmas and Heart break New year.

1.3K 14 5
                                    

Corrine

Nakausap ko mismo ang direktang pinuno ni Joshua at kasalukuyan daw nasa Rescue mission sa Rain forest. Ang team lang daw ni Joshua ang may kakayahan na mang rescue ng kapwa sundalo sa gubat ng Amazon.

Bumalik ako ng Phoenix, namasukan bilang waitress sa pinag tatrabauhan ni Kelly, pansamantala akong tumira sa apartment ni Joshua at pinilit ko na dun tumira si Kelly, atleast may nakaka sundo ako. Maliban mga kalaguyo niya na paminsan minsang dinadala sa bahay ay okay na okay kasama si Kelly.

Sinugurado ko na may contact akong iniwan sa mga kasamahan ni Joshua, at kinuha ko din ang contact nila para masiguradong maipaabot ang mensahe.

Nanibago ako sa pamumuhay ng Americano. Hindi ako familiar sa mga produkto nila sa grocery, wala ang mga familiar brands na pikit mata mong hinuhugot sa grocery stores ng Pilipininas

Bagamat hindi bago sa akin ang mag trabaho sa ganitong business pero hindi sila kasing polite at lasing pasensyuso ng Pinoy mabilis silang nagagalit at nangagaway kung hindi nila nakukuha ang gusto nila. Although hindi sila naiiba sa pang t-chismis, pinag uusapan din na ang wala. Hindi ako nakiki salamuha sa mga katarabaho ko kasi hindi din ako nakaka relate. Hindi din maiiwasan na mag pahangin ang ibang crew at customer na lalaki.

Tuwang tuwa ako ng tumawag si Joshua. Thanks giving day, celebration ng mga migrants na nagsimula pa noong una silang dumating sa America pasasalamat sa magandang ani.

"Hi babe."

Hawak- hawak ko ang telepono na parang ito ang source ng buhay ko.

"Josh." garagal ang boses ko.

"I'm glad you're here. I'll be home by Christmas."

"Talaga? that's 2 weeks from now."

"Yeah, hahaha, do you miss me? because I hella do sweetheart."

"Care telling me where you at?"

"Somewhere between the trees and wild animals."

Napahagikgik ako, halatang ayaw niyang sabihin kung saan siya.

"Somethings telling me, you're lying."

Pang aakusa ko.

"No I'm not, just didn't tell you the details."

Ganon? at bakit naman niya gagawin iyon.

"What's the difference."

Mag sasalita pa siya dapat ulit pero may narinig akong yabag at sigaw galing sa pinto.

"Honey! I'm home!"

Si Rob isa sa mga boyfriend ni Kelly.

"Who's that?"

Bago pa ako nag paliwanag ay may narinig kabog malakas na kalabog galing sa side niya.

"Why the f#ck d'you bring a man in my own house?!"

"Babe! That's not what you think."

"Did you find someone that can f*c# you better than I do?!"

"Ay tae! isa kang napakalaki at malisyusong tae! heto at halos hindi tayo magkita ay aawayin mo pa ako!"

"Yeah and why do you bring a man in my own house!?"

Halatang may sinuntok siya na kung anu.

"He is Kelly's boyfriend, you don't even know how to listen do you? Get lost Corbes I don't wanna talk to you again."

Binagsak ko ang telepono sa sobrang inis. May mas makitid pa ba na ulo keysa kay Joshua. Gusto ko siyang hambalusin ng telepono. Bakit gustong gusto niyang manira ng moment, nandun na kami eh, papunta na sa masaya, pero bumulusok pababa.

Ni hindi nito tinupad ang pangako na uuwi sa Christmas. Nag celebrate ako, si Kelly yung bagong boyfriend niyang si Tyler at ang caretaker ng bahay, habang sila sarap na sarap sila sa pagkaing pinoy na luto ko, wala naman akong gana . Simula nung araw na nag away kami ni Joshua hindi ko na ulit sinasagot ang telepono.

Isang linggo pa ang lumipas after ng Christmas, nakapag desisyon na akong umuwi nalang ng Pilipinas. Anu ba ang kabuluhang pumunta ako dito kong ang taong mahal ko ay walang tiwala at parati nalang akong magagalit tuwing pagdududahan niya ako. Ayuko ko nang masyaso pang paguluhin ang buhay ko. I think I've done my part and I've done enough.

"Corrine honey, I've noticed you've lost weight this past few days, are you alright?"

Tumango lang ako. Sinabi ko na sa kanya ang plano at sinuportahan naman niya ako.

"Are you sure? I mean you and Joshua can still work it out. He is sometimes a Jerk but you know he calls you and made an effort to talk to you even if he's somewhere unreachable."

Hindi sapat iyon para basehan na mag wowork ang relationship namin. Hindi pa nag sisimula toxic na.

New year, walang Joshua ang nag pakita at hindi na rin tumawag pa ang the great white monkey.

Kaya imbes na mag mukmok ay pumunta ako ng restaurant kung saan kasalukuyang nag paparty ang crew. Naki sali ako pero wala akong masyadong gana, ito na yata siguro ang tinatawag na depression at malungkot na New Year ng buhay ko.

Mukhang mahihirapan akong mag move on nito pero alam kong makakayanan ko. Fight Corrine fight!

First Gravity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon