14.Roman loves Jenna

1.8K 26 4
                                    

Corrine

Nasa bungad ako ng Campus gate ng makasalubobg ko si Jenna. Hinila ko siya sa cafeteria para makausap. Nag explain talaga siya ng husto para bang may ginawa itong heinous crime lalong lalo na sa akin. Napatakip pa ito ng mukha sa sobrang guilt.

"Promise po talaga ate Corrine hindi na po mauulit."

Pansin ko lang pag ako ang kinakausap nito ate ang tawag sa akin, pero pag si Roman, at talagang Roman lang.

Hmm Corrine hayaan na wag nang maging nosey..

"Siya sege, may klase pa ako, at ikaw din, kita nalang tayo sa Cafe mamaya?"

Tango lang ito at tumalikod na. Inlove nga si Romano kay Jenna yun na yun.

Salamat naman at nakapag basa ako ng konti tungkol kay St. Benedict at may naisulat ako sa quiz. At himala naperfect ko ang score sa theology, first time. Salamat sa pagiging wierd ng amo ko.

Last class, defence ng thesis ko. Wala masyadong interview mas more ang presentation ko.

May documentary pictures at videos ng interview pati ng ng nagsasayaw sa club.

Na shock pa ang isang madre na professor, hindi makapaniwala na kilala niya ang sumasayaw. Si Kay lang ang dancer sa night club ang pumayag na mag pakuha ng video. Yung iba pinag blur ang mukha.

Pero yun ang totoo eh nangyayari talaga yan ngayon at probably matagal na. Sabi nga ng Rector ng school na pari, prostitution is one of the oldest profession in history of mankind.

Naka tanggap ako ng masigabong palakpakan galing sa audience. Meaning may natutunan sila at may nakuhang leksyon.

I'm sure si Sister Mary Imaculate Conception ay kokontakin na ang DSWD para e-report, despite my warning for confedentiality nung ibang student na ayaw magpakilala sa publiko.

"Congratulations Miss Lagua, good job!."

Tumaba ang puso ko sa papuri. Pati nga kaklase ko. Lumapit sa akin si Andy yung president ng org namin.

"Impressive, maybe I can ask a little help on my thesis?" Nag smile ito na kita lahat ng braces at nawala ang chinito nitong mata.

Cute naman nito, ito yung tinutukso sa akin ng mga kakalase at schoolmates namin.

"Ofcourse, sabihin mo lang." Tipid kong ngiti.

"Kung okay lang sana sa Cafe niyo nalang ako pupunta mamaya."

"No problem."

Nagpractice din kami ng play, at siya din pala yung aking Romeo sa character ko na Juliet masaya ang practice namin natural ang chemistry namin ni Andy.

Nag decide kami na sabay na kaming pupunta sa Cafe para sa thesis niya. Pagbaba namin ng jeep nadatnan namin na hinahabol ni Jenna si Roman.

Mukhang may pinag talunan na naman sila.

"I told you I can fix it, I have the antidote!"

Sabay habol ni Jenna kay Roman.

"Well then do it. And show your monster face to me when you have the cure!" Bulyaw ni Roman.

"Damn you!" Sabay hampas sa likod ni Roman at umalis na ito patakbo papuntang bahay nila.

"Is that Jenna and Roman?" Tanong ni Andy.

"No other."'Sagot ko

Pumasok kami ng Cafe at namili ng pwesto. Nagkabunguuan pa kami ng tuhod kaya natawa kaming pareho.

Umusog siya nang konti at nabunggo ulit ang mga tuhod namin, shaks! awkward ko talaga.

"What would you like, coffee, tea or choco? it's on the house."

Ngumiti si Andy na parang nahihiya.

"Kahit anu nalang."

Hindi ko alam pero parang may mainit na matang tumitingin sa likod ko.

Hindi na ako mapakali at lumingon ako. Isang pares na Blue na mata ang nakakapasong tumitingin sa kinaroroonan namin, katabi ng mama ko sa counter.

Pinaypay ako ni Mama.

"Excuse me Andy ha, tawag lang ako ni Mama." Pa cute kong pag paumanhin. Nilapitan ko sila.

"Mama, how did you meet my boss? Mr. Corbes my mother, Mrs. Adelfa Lagua."

"Yeah we've met, Thank you for the delicious coffee Mrs. Lagua, I should go now."

Hinalikan niya sa pisngi si Mama saka ni hindi na muli akong tiningnan.

Ang antipatiko talaga!..Mama why are you friends with the monster that's under my bed? get along with the voices inside of my head? gusto ko yung kanta ni Rihanna hehehe.

Anyways may bisita ako kaya huwag akong mag eemote ngayon.

Dinalhan ko ng hot Spanish chocolate at peanut butter cookie si Andy na nadi-dyahe.

Habang ideni discuss ni Andy ang layout ng thesis niya. Naka tanggap ako ng text galing kay Romano nag papatulong manghingi nang sorry ka Jenna, nasasaktan din daw kasi siya habang nasasaktan si Jenna. Waehhh..
nag text back ako

me: Tol! hindi sintoma ng gayuma yang nararamdaman mo, sintoma yan ng sugat galing sa pana ni kupido.

Romsky: anung ibig mong sabihin? Na nagkakagusto ako kay Jenna?

me: Mag dedeny mag dedeny?...uyyyy Romano and Jenna sitting on a tree..K. I. S.S.I.N.G yeheee..

Tinukso ko siyang lalo at iniimagine ko na namumula na siya kung san man siya ngayon.

Napansin siguro ni Andy na hindi sa kanya nakatuon ang atensyon ko, nagpaalam na ito.

Sa totoo lang okay naman na ang thesis niya, hindi ko alam kong bat pa niya ako ginawang consultant samantalang nangapa din naman ako nung ginawa ko yung akin.

May nag text akala ko galing kay Roms, galing pala kay Lilia sa office.

Hindi ko na daw kailangang pumasok bukas friday, mag rest nalang daw ako dahil may outreach program daw kami sa sabado.

By team daw at itenext niya sa akin ang mga makakasama ko. Si Caloy, isang taga finance, isang taga IT at great! kasama ang his majesty king Gorilla the White.

Makapag rehearse nga ng dapat kung ipakikitungo sa kanya. Nag ch-chant pa ako ng "be professional, be professional..Wala kang matinong mapaglipatan."

Kung sa kanya eh, wala lang ang nangyari, sa akin naman ay, pinukaw nito ang isang damdamin na hindi ko pa naramdaman dati.

Na-infatuate ako kay Kuya Louis dati yung semenarista nag vo-volunteer mag turo ng catechesis sa Flores de Mayo every summer. Pero nawala din lalong-lalo na nung nag held siya ng misa sa baranggay namin nang ganap na siya pari.

First Gravity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon