39. Pag -laya

1.2K 16 4
                                    

August 2016

Corrine

Ang akala ko kung sasama ako sa Paris ay mababawasan ang pagka inlove ko kay Joshua. Ayun at mas lalo lang yata akong naging malungkutin, walang araw na hindi ko siya na mi-miss, walang araw na hindi ako nag mamadaling umuwi ng Pilipinas.

Halos dalawang taon na walang communication kami ni Joshua. Ang sabi ni Mama minsan daw niyang namataan si Joshua sa basket ball court malapit sa bahay noong nakaraang anim na buwan, kakaalis ko lang noon papuntang France pero hindi naman daw ito lumalapit o nag hanap sa akin.

Ako mismo ang nag sabi sa sarili ko na kalimutan siya pero somewhere deep inside me umaasa na isang araw ay makikita ko ang mukha niya sa Avenue des Champs-Élysées.

Kasalukuyan akong assistant ni Romano na isang ganap na ramp model at paminsan minsan tumatanggap din ng raket kapag pinipilit niya ako, pinag a-audition sa play.

Nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay. Alam ng best friend ko na hindi na ako ang dating Corrine na masigla at masayahin, pero pinipilit niya na maging ganun pa din sa dati.

Alam ko na nahihirapan din siya, pero hindi siya nag gigive up. At si Jenna, araw-araw niya akong dinadalhan ng libro, ng pagkain, minsan niyayang mamasyal, mag window shopping.

Kahit pa assistant ako ni Romano ay malaya akong ginagawa ang gusto ko, katulad ngayong araw. Binigyan niya ako ng oras para maka pag hanap ng gusto kong trabaho.

At kapag ganito sinasamantala ko ang pagkakataon na tumawag sa Pilipinas.

"Hello anak, wala ang Papa mo nasa Davao ngayon. Kamusta ang araw mo?"

Nag iba na din ang pakikitungo ni Mama sa akin may extrang banayad. Alam niyo yun pag nagkalagnat ka at inaalagaan ka nung maliit ka. Yun ag feeling.

"Mabuti naman Ma, kamusta ang mga bago niyong mga alaga?"

Huminga ako napaka lalim.

"Heto at nakiki gulong sa damuhan  kasama sila Bruce at Wayne."

At may naririnig akong kahol ng aso sa background.

"Huwag mo muna kaming isipin anak, ayusin mo muna ang sarili mo."

Pabalik na ako ng apartment ng may makasalubong ako, parang sadya niyang hinaharangan ang dadaanan ko. At nang iiwas na ako saka siya nag salita.

"Corrine!"

Kumunot ang noo ko, may iba pa pala akong kakilala sa Paris. Tinitigan ko siya ng maiigi.

"Andy?"

Si Andy nga hindi lang ako nama malik mata.

"Kamusta, come let's get us some coffee."

He looks so hot, so handsome and so..gay.

"So paanong nangyari?"

Naintriga ako sa paglalantad ng tunay na kulay ni Andy. Ayun sa kwento niya, nasa broadway daw siya ngayon at niligawan daw siya ng isang French na hunk na kasamahan, inilabas daw nito ang totoo ang sensual side niya at masaya daw sila sa set up ng kanilang relasyon.

"Ang ibig mongbsabihin nung College tayo hindi mo pa alam ang gay side mo?"

Neat and clean yun ang impression ko sa kanya dati, kung meron mang lalakeng version si Jenna ay si Andy iyon.

Nag open up ako sa kanya, ewan ko kung bakit magaan ang loob ko sa mga bading, somehow part of myself is gay.

Ikinuwento ko lahat-lahat, at matiyaga namang nakinig si Andy, nag mistula siyang psychotherapist ko.

Hindi ko namalayan na nasa harap na kami ng theater kung saan siya kasalukuyang nag ta-trabaho.
Pinakilala niya ako sa mga kasamahan at binigyan ng script.

Bago matapos ang araw ay kasama na ako sa Cast ng Othello bilang pangalawang Desdemona. Ito na yata ang pinapanalangin kong pag babago, ito na ang totoong pag bangon.

I secretly pat my back and said to myself good job Corrine, keep it up.

"O anu? sabi ko naman sa iyo diba? magaling ka, natural ang pag project mo sa madla at maligaya ako para sa iyo friend."

Inihatid niya ako sa apartment at binigyan ng beso beso.

"Thank you Andy for coming just right on time."

Nag waive waive ito na parang beauty queen saka sumakay sa Parisien Taxi.

Pag pasok ko palang ng apartmet.

"Cor si Andy ba yun?"

"Yup."

Namulsa ako para ma contain ang excitement ko.

"Alam mo bagay kayo Cor-cor. Medyo mukhang mas maganda lang siya sa iyo."

Natawa ako sa comment ni Romano.

"Mas maganda talaga siya kesa sakin, at mahaba ang hair kasi mas gwapo pa sa iyo ang boyfriend niya."

"Sinasabi ko na nga ba eh, kaya madalas ko siyang nakikita sa basket ball practice noon, baka ako ang pinag mamasdan nun."

"Ikaw..." tinusok ko ng hintituturo ko ang dindib niya.

"Kahit kelan saksakan ka ng yabang!"

Pinandilatan ko siya ng mata.

"Totoo naman."

First Gravity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon