Scene 19: Ang Tipak ng Pangako

9 0 0
                                    

ISANG ARAW LUMABAS SI MARCO NG KWARTO NIYA, LUMABAS SIYA NG BAHAY PATUNGO SA BEACH FRONT... NAKITA SIYA NG MOMMY NIYA...

Lilia: Marco!!! San ka pupunta?!!

Marco: Ma... ok lang ako... Kaya ko... Gusto ko lang lumabas... May kukunin lang ako sa pampang...

PUMAYAG ANG NANAY NI MARCO... NGUNIT TANAW TANAW NIYA ITO HABANG PAPUNTA SA BEACH.

NANG MARATING NI MARCO ANG BEACH FRONT, GAMIT ANG MARTILYO AT PAKO, TINATABTAB NIYA ANG NATITIRANG BATO SA DATING TAMBAYAN NILA NI LORA. MATAPOS MAKAKUHA NG MARAMI. INILAGAY NIYA ITO SA ISANG SUPOT AT ITINALI SA KANYANG BISIG... BIGLANG NANLABO ANG MATA NI MARCO AT DUMILIM ANG KANYANG PANINGIN... NAGSISIGAW SIYA...

Marco: Ma!!! Ma!!!

(Tumakbo so Lilia palabas)

Lilia: Marco anung nangyari?! Anung nagyari sa'yo?

Marco: Ma? Bakit wala akong makita? Ma, wala akong makita.

IYAK NG IYAK SI LILIA NANG MAKITA ANG ANAK NA NABULAG... SINABIHAN NA SIYA NG DOCTOR NI MARCO NA ISANG ARAW TATAMAAN NG LUMALAKING BUKOL NI MARCO ANG MGA UGAT NG KANYANG MATA... DARATING ANG PART NG KARAMDAMAN NIYA NA MABUBULAG NGA ITO...

ININVEST NI MARCO ANG MADILIM AT MALUNGKOT NA SANDALI NIYA SA MARAMING MARAMING DASAL. OO, HINDI LAHAT AY KAYA NIYANG MAUNAWAAN. MAY MGA BAGAY NA MABILIS AT MABAGAL NA NANGYAYARING ISA-ISA SA KANYANG BUHAY. NAGDASAL SIYA. AT UNTI-UNTI NIYANG NAUNAWAAN ANG MGA PLANO NG DIYOS.


Before I Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon