Prolouge

1.1K 27 4
                                    

Flashback.....

"Panget! Panget! Panget! Panget! Sofia Panget! hahahahaha Sofia Mabantot!! Panget!!"

Kinder palang kami binubully nila noon si Sofia kase pangit sya. Pero totoo naman eh. Bungi-bungi, Malaki ang eyeglasses tsaka uhugin.

At mismong bumubully sakanya ay si Sky. Si Sky na crush nya. Tsk ang bata bata pa tapos may crush agad? Wooh. Landi noh?
Wala naman akong pake kung binubully sya ni Sky pero di na din ako nakikisama sa mga pambubully nila. Sabi kase ni Mom bad yon.

Hanggang sa mag grade 5 kami at naging kaklase nanaman namin siya. Grade 1 - 4 kase di namin sya kaklase at di namin sya nakikita kaya walang mabully tong si Sky. Pero damn! Nagulat ako ng ibang Sofia na ang pumasok sa room namin. I know, bata pa lang kami pero shit! Aaminin ko gumanda sya. Di na sya bungi at di na sya uhugin pero may eye glasses sya. Di nga lang tulad ng dati na malaking bilog yung sakto lang tsaka di na bilog.

Simula nun lagi ko na syang kinukulit. Di na din sya binubully nila Sky dahil pinakiusapan ko sila. Di ko alam pero mukhang tinamaan ako sakanya eh. Lagi ko na syang ini-istalk at nagpapapansin pero di nya pa rin ako napapansin. Until one day, aksidente kaming napabagsak sa sahig at nahalikan ko sya sa pisngi nya malapit sa may labi. Ang bakla man pero bigla akong kinilig. Tinulak nya ako at pinagsususuntok. Ang sakit nga eh pero ayos lang nakahalik naman ako ^_^

Nagsisigaw sya at umiyak. Pinatahan naman sya ng mga kaibigan nya at sinabihan ako na wag munang magpapakita sakanya. Kasalanan ko bang matulak sakanya? Hays di bale. Nagpapasalamat naman ako sa tumulak sakin.

At simula non. Lagi na syang galit sakin at hanggang ngayon di pa rin nya ako napapansin.

Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now