Six

251 6 0
                                    

North's

"So pano yun nagsimula?" Tanong ko kay Demi. Pagkatapos kase ng nangyare kanina ay agad kong hinabol si Demi. Buti na lang ay hinintay nya pa ako.

"Nagirng- kai-bijan ko, shila nung-

"Don't say when your mouth is full" pagpuputol ko sakanya habang nakalagay sa lips nya yung hintuturo ko.

Eww. Napairap nalang sya at inubus muna yung nasa bibig nya. Nasa shakeys kami ngayo dahil sabi nya dito daw kumakain si Kaius every monday. Tapos pag tuesday naman Mcdo tas pag wednesday Jollibee tapos pag thursday Max's and friday Greenwhich. Rk eh noh.

"Pwede na ba akong magsalita?" Tanong nya kaya tumango ako ng may malapad na ngiti.

"So yun na nga! Ganito kase yun. Grade school pa lang kami. Magkakaibigan na kami dahil na din sa magbabarkada mga moms namin. Hanggang sa maghigh school kami kung asan ako. Nandun din sila. Sumali pa nga kami sa underground battle eh. Pero syempre lalake pa sila noon. LALAKE! And nung junior high school na kami, nagulat na lang ako ng bigla silang unamin na bakla sila. As in sabay-sabay pang umamin! Leche! Tapos sinabi din nila na may gusto din sila kay Kaius. Eh alam naman nila na patay na patay ako dun sa tao tapos may balak pa silang agawan ako? Omyghad!" Mahaba nyang kwento sabay hilot sa sentido nya. Kahit ako naguguluhan eh. Pero sumali sila sa underground battle?

"Marunong kang sumayaw?" tanong ko na nagpairap nanaman sakanya.

"Tanga ka ba? Sasali ba ako dun kung di ako marunong? Omyghad Harper kaya pala minsan nagagalit sayo si Zac. Now i know" aba leche toh ah. Leche nahahawaan nya na ako sa kakaleche nyang yan.

"Anyways, matagal na yon. And ngayon? Tsk mukhang sisirain nila ang plano ko. Alam mo parehas pala tayo ng problema eh. Di ka gusto ni Sofia, di rin ako gusto ni Kaius. Ano kaya kung tayo na lang? Tutal mukhang wala naman tayong pag-asa sakanila eh" nagulat naman ako sa sinabi nya. Seryoso ba sya? Kingina.

"Pero mukhang wag na lang. Kung sakali man na maging tayo baka magkaroon ako ng anak ng kasing boplax mo tsaka kasing wierd mo. Eww" sabi nya at nag act pa ng diring diri.

"Ay wow. Choosey ka pa. Sa gwapo kong toh? Alam mo bang maraming nagkakandarapa sa mukhang toh? Eh ikaw nga eh di napapansin ni Kaius" sabi ko din at ngumisi.

"Hoy~ kung alam mo lang. Madami saking nangliligaw pero syempre. Dahil baliw ako sa lalakeng yon! hindi ako nagpapaligaw. Hmmp!" Sabi nya din at nagcross arms.

"O edi parehas lang tayo." Sabi ko. Napatingin ako sa entrance ng fast food na toh at saktong pumasok si Kaius kay bigla kong hinawakan sa kamay si Demi.

"Oh ano? May gusto ka na sakin noh? Hahaha iba talaga ang alindog ng ganda ko" tanginang babaeng toh. Ang taas ba naman ng kayabangan. Di ko na lang sya pinansin. Pasalamat sya gusto ko syang tulungan.

Pagkatapos umorder ni Kaius ay naghanap sya ng upuan. Agad akong tumingin kay Demi at pinisil ko ang kamay nya kaya napatingin sya sakin. Alam kong nakatingin dito si Kaius kaya napakaperfect timing. Plus dito na lang sa gilid namin ang may bakanteng table kaya for sure dyan sya uupo.

"Ano? Aysus. Harper alam ko na yan hahaha. May gusto ka sakin noh? Siguro nainlab ka sakin nung hinalikan kita? Hahaha. Iba talaga ako" geh lang. Naririnig ka naman ni Kaius eh. Ngumiti lang ako at linapit ko ang mukha ko sa mukha nya. Ramdam ko na ang hininga nya at pasimple akong tumingin sa pwesto ni Kaius.

Bakas sa mukha nya ang pagkagulat kay mas lalo ko pang nilapit ang mukha ko kay Demi.

"Hmm~"

Napatingin ako kay Demi ng marinig ko yun. Kinginang babaeng toh.

Agad kong nilayo ang mukha ko sakanya at ngumiti. Hanggang ngayon nakapikit pa rin sya na parang naghihintay na mahalikan. At para di sya magmukhang tanga sa harap ni Kaius ay pinisil kong muli ang ang kamay nya.

"Kala ko tulog ka na eh" pangiinis ko sakanya.

Sisigawan na nya sana ako pero mukhang napansin nyang may nakatingin samin.

Kaius.

"He-he" ackward nyang tawa at hinila ako palabas.

"Leche Harper!! Bakit mo yun ginawa?! Nagmukha tuloy akong tanga!" Bulyaw nya sakin sabay hampas sa likod ko. Tangna ang sakit ng hampas nya ah.

"Eh pasalamat ka nga wala ka ng ginawa. Tinulungan na nga kita ikaw pang galit. Tsaka di kita hinalikan ah! Nilapit ko lang mukha ko sa mukha mo. Tsk peeling kase hahalikan" sabi ko sakanya at ngumisi. Totoo naman eh hahahaha.

"Leche!! Nambibigla ka ba naman! Eh di ako ready! Alam mo yun? Wala! Andaya napahiya lang tuloy ako " sabi nya at nagpout pa.

"Believe it or not. Mukhang nakumbinsi natin syang nagkiss tayo kahit hindi. Eww" sabi ko sakanya kaya napatingin sya sakin.

"So posibleng isipin nya na naghalikan talaga tayo?" Tumango na lang ako sakanya at hinila na sya papunta sa motor nya.

"Oo, kaya wag kang mag-alala di ka naman masyadong nagmukhang tanga sa ginawa mo. At ngayon babalik na tayo sa school kase malapit na tayong ma-late" wala na syang nagawa kundi ang paandarin na ang motor nya at sumakay na din ako. Kingina magaaral na din akong mag ride ng motor. Nakakainis na ikaw yung lalake pero babae yung nagmomotor.









^^-
Plot twist: Nainlove sila sa isa't isa! Wala ng North x Sofia Hakhakahak --RIN

Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now