North's
"Guys! Nandito na tayo!!" Masayang sabi ni Kacper.
Hays namiss ko din dito eh. Namiss ko yung mga makukulit na bata haha.
Inayos na namin yung gamit sa van. Yung mga regalo namin sa mga bata nilabas muna namin. Sabi ni Shiloh maghahanda daw sya ng games para sa mga bata.
"Kuya langiiit!!" Rinig kong sigaw ni Cylie. Patay, baka tawagin nya si Tory ng Pery syet.
"Hi ate Pery!!" Rinig kong sabi ni Cylie. Lagot, yan na nga ba ang sinasabi ko.
"North patulong nga" syempre tinulungan ko na si Sofia . Bahala na si Sky magpaliwanag kay Tory HAHAHA.
Nakita ko naman na kinakausap ni Shiloh yung isa sa head ng orphanage na toh. Binaba ko yung isang box dun sa gilid at inayos.
"Kuya Hilaga!" Sigaw ng batang lalake at biglang lumukso sa likod ko.
Bahagya ko syang nilingon at tama nga ang hinala ko.
"Kuya hilaga! Namiss kita! HAHAHAHA" sabi nya. Tumayo ako at inayos ang pagkaka piggyback nya. Bigla na lang kaseng lumulukso sa likod ko. Hahaha.
"Namiss din kita hahaha. Ano? San mo gusto?" Tanong ko.
"Sa taas!! hahaha" napangiti naman ako. Dun kase kami laging tumatambay eh.
"Owkay! Humanda ka na at lilipad na tayoo~" humarap naman ako sa likod ko dahil dun kami dadaan kaso muntik ko ng mahulog si Kenneth dahil sa taong nasa likod pala namin.
"Oh? Sofia kanina ka pa nandyan?" Tanong ko sakanya.
"Uh? Di, ngayon lang" sabi nya at nilagay sa gilid yung dala nyang gamit pagkatapos ay umalis na agad.
"Kuya, sino yon?" Tanong bigla ni Kenneth.
"Asawa ko" nakangiti kong sambit.
"Ano? Tara na?" Tanong ko at bahagya siyang nilingon.
"TARA NAAAA!!!" Sigaw nya.
Nagpasound effect pa ako bago tumakbo ng mabilis. Nilibot ko ang buong room tsaka ako tumaas sa hagdan.
Tatlong palapag lang naman bago kami makataas sa rooftop.
"Yey!! Ang astig nun kuya hilaga! haha isa pa!!" Request nya pa. Jongina napagod nga ako bigla eh.
"Leche kang bata ka. Ilang platong kanin na ba inuubos mo sa isang araw?" Tanong ko.
"Ah lima lang naman hahaha" LIMA?? SA SIX YEARS OLD NA BATA NAKAKAUBOS NG? LECHE.
"Pa beterinaryan na tayo"sabi ko at hinawakan sya sa kamay.
"Kuya? Mukha ba akong hayop sa paningin mo?" Kumunot naman noo ko sa batang toh. Ano bang pinagsasasabi nya?
"Boplax is you. Papabakunahan na kita madami ng bulate tyan mo kaya ang bigat bigat mo na" sabi ko sakanya at naglakad ulit.
"Huh? Kuya ang gulo mo! Magpapabakuna ako sa beterinaryan? Seryoso ka ba dyan?" Tanong nya at biglang napakamot sa batok nya. Abang batang toh kinikwestyon pa ako?
"Seryoso nga kase ako bat ba lahat ng tao ayaw sakin maniwala?" Nakakatampo na ah. Pati sya ayaw na sakin maniwala.
"Hayst. Drama king eh no? Boplax is you kuya. Kitang ang beterinaryan sa mga hayop yun. Aish kuya nagaaral ka ba talaga?" Napaisip naman ako bigla beterinaryan? Sa hayop ba yon? Hahaha.
YOU ARE READING
Boy In Love (COMPLETED)
RandomKelan nya ba ako mapapansin? Teka nga. Ang tanong. Mapapansin nya pa ba ako? Tokwa! Basta sakin sya! Akin sya! Sofia Bertis I swear to God you'll be mine-- North Harper -BOY IN LOVE- BTS (KIM TAEHYUNG) ^^- Kwento ni North Harper and Angel Bertis War...