Sofia's
"Wag mo akong paasahin kung wala ka saking gusto pwede? Kase matagal na akong umaasa kung may pag-asa ba talaga ako sayo. Matagal na kitang mahal Sofia, alam mo yan. Kaya kung may gusto kang iba. Sabihin mo na para di na ako mahirapan pa. Aalis na ako"
"Urgh!! Pwede ba tigilan mo na nga ako!!" Sinabunutan ko ang sarili kong buhok dahil sa paulit-ulit ng mga sinabi ni North sa ulo ko. Nakakabwiset na eh!
"Bat mo ba ako pinapahirapan? Bat ba! Eh di ko sayo masabi eh! Kase nga natatakot ako!" Mukha na akong baliw dito pero wala akong pake!
"Taena mo North Harper! Kahapon pa ako di pumasok ng dahil sayo! Pagbabayaran mo toh!!" Sigaw ko sa salamin.
"Urgh!! Nababaliw ka na Sofia! Baliw! Aish! Aray!!" Tumayo ako sa pagkakadapa ng mahulog ako sa kama ko. Aish.
Tok tok tok tok tok
"Sofia?" Napatingin naman ako sa pinto ko.
Dali-dali akong nagayos bago buksan yung pinto. Pagbukas ko ng pinto ay may anim na babae na mas baliw pa sakin ang nasa labas ng kwarto ko.
"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko sakanila. Sabi ko wala muna sakin manggulo hanggat di pa ako nagiging ok. Tapos nandito sila ngayon? hayst.
"Oh my God! Sofia! Ang gulo ng kwarto mo!!" Gulat na sabi ni Daphne at agad na pumasok sa room ko. Ganun na din sina Tory. Sinarhan ko na ang pintuan at hinarap ko sila.
"Ano bang ginagawa nyo dito? ginugulo nyo ako eh" inis kong sabi.
"Ano? Wala kaming ginugulo ah. Ikaw kaya. Ginulo mo buong room mo. Pati sarili mo. Hayst sofia!" Napataray na lang ako sa sinabi ni Jane.
"OH MY GOD!!" napapitlag naman ako ng biglang sumigaw si Quinn. Nakatingin sya sa phone nya at gulat na gulat sya sa anuman nakita nya o nabasa nya sa phone nya.
"Ano yun? Nanggugulat ka pa" inis na tanong ni Tory. Malamang nagulat din ang gaga. Si Quinn kase eh.
"HOMAYGHAD!! Sofia!! Hurry up!! Magbihis ka na bilis!! We need to go to the airport! Danm! 9:47 am na!!" naguluhan naman ako sa sinabi ni Quinn.
"Anong gagawin natin sa air-"
"BILISAN MO NA!!" agad akong nakapunta sa closet ko ng sigawan nila akong lahat.
Agad akong nagpalit ng jeans and shirt na white. Sinuot ko na din yung sneakers ko at nagsuklay. Buti na lang talaga at naligo ako kaninang madaling araw. Nag apply din ako ng lip gloss at powder pagkatapos ay lumabas na ako. Di pa man ako nakakapagsalita ng hablutin nila ang kamay ko at agad kaming lumabas sa bahay.
"Tita! Hiramin namin si Sofia! Byeee" sigaw ni Angel kay Mom. At pumasok na kami sa kotse. What the heck did just happend??
"Ano bang gagawin natin sa Airport?" Tanong ko sakanila. Buti na lang marunong magdrive tong si Quinn and I swaer ang bilis nyang magpatakbo.
"We only have 8 mins. Go Quinn kaya mo yan" 8 mins? I don't think so.
"At ikaw Sofia! Ngayon ang alis ni North kung alam mo lang! At pwedeng doon nya na ipagpapatuloy ang pagaaral nya. Kaya
wag ka dyang maingay!" What?!"Saan sya pupunta?" Tanong ko ulit.
"Sa paris" PARIS?!!! DANM! ANG GAGO MO TALAGA NORTH HARPER!!
"BILISAN MO NA!! MAPAPATAY KO YANG SI NORTH HARPER!!" Sigaw ko kay Quinn.
Pero sa pagkaminamalas nga namin.
"BAKIT TRAFFIC?!" NAKAKABWISET!!
Binuksan ko ang bintana sa gilid ko at nilabas ko ang ulo ko. Puta magaaway na nga lang yung dalawang driver sa gitna pa ng kalsada! Urgh!! I don't buy their action scenery!!
"AAAAAAAAAAAAAH!!! TULOOONG!! PADAANIN NYO PO KAMI!! MANGANGANAK NA ANG TITA KOOO!!!!!! WAAANG WAANG WANG WANG WANG!!!!!" sigaw ko. Nag beep na din si Quiin at nakisigaw na din sina Tory. Si Daphne naman nagpanggap na manganganak. Aish!! Pota padaanin nyo kami!!
"KUYA!! TUMIGIL NA KAYO SA PAGAAWAY POTA!! PAG TONG TITA KO NANGANK DITO SA KOTSE MANANAGOT KAYONG LAHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT!!!" nagecho naman sa buong lugar ang pagsigaw ko. Kasabay nun ang pag bigay nila ng daan saamin. Hay salamat.
"Thank you" mahinhin kong sabi. At agad na sinarhan ang bintana.
"Quinn. Go!! Faster!!" Agad na pinatakbo ni Quinn ang kotse nya hanggang sa makarating kami sa airport.
"Miss I.D" shiit!
"Here" napatingin naman ako ng abutin ni Tory yung mga I.D namin. Oo nga pala nasakanya I.D ko.
Agad kaming tumakbo kung asan sina Sky at agad naman namin silang nakita.
"Asan na si North?" agad kong tanong. Nagkatinginan naman silang anim sa tanong ko.
"Ahh wala na Sofia. Kanina pa sya nakaalis" sabi ni Nico. Napaiwas naman ako ng tingin.
"Di na kayo nakahabol" malungkot na sabi ni Mert. Nagsilabasan naman ang mga luha sa mata ko. Peste!
"We're sorry... Sofia" di ko na mapigilan at humagulgol na ako.
"H-huy? Bat ka umiiyak?" Napatigil naman ako sa nagsalita.
"Aish. Bat ka nandito??" Inangat ko na ang ulo ko at tama nga ako. Si North.
Agad ko syang sinampal na ikinagulat naman nya.
"Walanghiya kang lalakeng ka!! Nakakainis ka! Alam mo ba yon?! Pinagmukha mo akong tanga tapos iiwan mo ako?! Kung kelan gusto na kita iiwan mo ako??! URGH!! TANGINA MO!!" wala na akong pake kung pinagtitinginan na kami dito. Nakakainis lang kase eh.
"Kayo din!! Nakakainis kayo!!! BAT NYO BA AKO PINAGTRIPAN HUH!!" sigaw ko din kila Sky.
"S-sorry hehe" napatingin naman ako kay North.
Napaatras naman ako ng lumapit sya sakin. What the?? Anong gagawin nya?
"W-wag kang lalapit!" Sigaw ko sakanya. Pero patuloy pa din sya sa paglapit sakin.
"Di mo magugustuhan ang gagawin ko sayo. North. Humanda" pambabanta ko pero ngumiti lang sya.
"Ikaw ang humanda" bulong nya. Tumaas naman ang balahibo ko dahil doon. Di pa man ako nakakaatras ng pumulupot na ang kamay nya sa bewang ko.
Nanlaki naman ang mata ko ng bigla nya akong halikan. Parang tumigil ang oras at tanging pintig ng puso ko na lang ang naririnig ko. Napapikit na din ako ng pumikit si North. Tila pinapakiramdaman ang isa't-isa. Humiwalay na si North sa halik at bahagyang kumamot sa batok.Di ko alam kung ilang minuto kami nagtagal sa posisyong iyon. Ang alam ko lang ang init ng mukha ko.
"Kingina nyong dalawa! Woooh!! PDA! HAHAHAHAHAHA" pangangantsyaw ni Daphne. Aish. Ngayon ko lang naisip na sobrang nakakahiya ng nangyare kanina.
"Taena mo North hahahahaha. Iba ka rin eh noh! Sa airport talaga" rinig kong sigaw ni Kacper.
"Hayaan mo lang sila. Inggit yang mga yan" sabi ni North sakin. Hinawakan nya ako sa kamay at hinila na palabas ng airport.
"Akala ko aalis ka?" Napatingin naman sya sakin at ngumiti ng malapad.
"Parte yon ng plano hahahahaha" napatigil naman ako sa sinabi nya.
"So.. lahat ng toh plano mo?!" Tanong ko. What the fuck??
"Oh kalma. Mahal mo naman ako eh" sabi nya pa at hinalikan ako sa noo.
"Taena mo talaga North Harper" sabi ko sakanya.
"I love you too" napangiti naman ako sa sinabi nya.
^^-
YOU ARE READING
Boy In Love (COMPLETED)
RandomKelan nya ba ako mapapansin? Teka nga. Ang tanong. Mapapansin nya pa ba ako? Tokwa! Basta sakin sya! Akin sya! Sofia Bertis I swear to God you'll be mine-- North Harper -BOY IN LOVE- BTS (KIM TAEHYUNG) ^^- Kwento ni North Harper and Angel Bertis War...