Four

332 6 0
                                    

North's

"Saan daw kayo magkikita?" Tanong ni Shiloh habang naglalakad kami papasok sa classroom. Pagpasok namin kakaunti palang ang tao.

Nagpapasalamat talaga ako sa inay ko dahil nagkaroon ako ng life size na alarm clock kaya hindi ako nalelate.

"Wala pa syang sinasabi pero sabi nya lunch time kaming magkikita at text nya na lang daw kung saan" kumunot naman ang noo ko ng bigla syang ngumiti.

"Well, I can sense na gagawin nya na ang plans nya" naguluhan naman ako sa sinabi nya. May tama pa ata toh.

"Anyway, musta na pala si Megumi?" Tanong ko. Pero nagsisi agad ako ng napalitan ng malungkot na ekspresyon ang kaninang nakangiti nyang mukha.

"Oh~ never-

"Well, she's still fighting that damn heart failure of her. And I'm here, relaxing at nagpapakasaya while she's in pain" and a faint smile appeared on his face. Lalo akong naawa sa kalagayan nila lalo na kay Shiloh. Pero bilib din ako sakanya dahil napaka tatag ng loob nya.

"I wish I could do something. Pero isa lang talaga ang puso ko at ninakaw pa ni Sofia. Damn that girl. I should've punished her" gusto ko lang naman syang patawanin pero mukhang di naman umepekto.

"KINGIN MO NORTH HARPER!! UMAGANG UMAGA TALAGA!!" paglingon ko ay agad kong nasalubong ang sapatos ni Sofia na tinapon nya pala saakin.

Napasigaw pa ako dahil sa sobrang sakit ng pagkakatama sa ulo ko. Leche mismo yung takong ang tumama sa noo ko! Ang sakit!

"Buti yan sayo! You bastard!" at nakatanggap pa ako ng sipa sa tiyan ko. Tsk iba talaga magmahal si Sofia.

"Hays. Kase naman" sabi ni Shiloh at tinulungan akong makatayo. Nawala naman yung sakit ng ulo ko ng makita ko syang nakangiti.

"YES!!" sigaw ko at pinisl pisil ko pa ang pisngi nya. For the first time eh! Madali ko syang napangiti ngayon hahaha. Nung una kase andami pa naming ginawang orsayon para lang pangitiin ang gungong na toh.

Nakuuu pasalamat talaga si Sofia dahil napangiti si Shiloh. Dahil kung hindi lagot talaga sya sakin mamaya. Papaulanan ko lang naman siya ng halik HAHAHA. Pero dahil napangiti nya si Shiloh. Papaulanan ko na lang sya sa kama ^0^

Magkakabit lang ako ng shower sa kwarto. Wag kayong bastos dyan.

Napatigil naman ako ng dumating na sina Sky.

"Ang wierd nyong dalawa" bulong samin ni Kacper at lumapit na dun kay Quinn. Napatingin naman ako sa iba naming kaklase at lahat nga sila nakatingin saamin. Pati na din si Sofia nakakunot pa ang noo.

Inayos ko naman ang sarili ko dahil mukhang napahiya kami ng wala sa oras. Tsk mukhang nabawasan pagiging pogi ko doon.

"Uy North! Palit nga tayo" sigaw ni Mert. Katabi nya si Sofia habang ako naman katabi ko si Jane. Magsasalita na sana ako kaso bigla namang may kumurot sa hita ko. Pagtingin ko si Jane pala.

"Mangungurot na nga lang. Ang hina pa" sabi ko sakanya. Napatingin sya sakin saglit at naramdaman kong biglang lumakas yung pagkakakurot nya sakin hanggang sa napaimpit ako ng sigaw.

"Mahina pa ba?" Nakaramdam ulit ako ng chills sa hita ko ng mas lalo nyang diinin ang pagkakakurot nya.

"Shit! Tama na!" sigaw ko at tinabig ang kamay nya.

"Wag kang aalis dyan kung ayaw mong makurot ulit" pananakot nya. Ewan ko ba. Bigla akong natakot. Kaya nung tinawag ulit ako ni Mert ay di ko na sya pinansin. Tinext ko na lang sya na mahal ko pa ang hita ko at pati na din ang buhay ko kaya di ako dito umaalis.

Di ko rin alam kung pano nakakasurvive si Mert sakanya kung ganito sya kabrutal at gusto pa talagang tumabi ni Mert sakanya.

Dumating na ang teacher namin kaya nagfocus na lang ako sa mga nilelecture nya.

****

"San nyo gusto?" Tanong ni Sky.

Magkakasama kami ngayon at kasama na din pati barkada ni Tory. Pero si Kaius di sumama. Pansin ko nga lumalayo sya kay Tory. At alam kong pansin nya din yon. Alam ko ding nasasaktan sya sa ganon.

"Sa geeenwhich nalang" suggest ni Kacper. Tsk pizza lang naman ang habol nya doon.

Nagvibrate naman ang phone ko at nakatanggap ako ng txt mula sa pinsan ni Zac.

Pinsan ni Zactoot,
Maghintayan na lang tayo sa Mcdo.

Agad akong napatingin kina Sky ng tawagin nila ako.

"Di na ako sasabay. Alis na ako! Bye!" Sabi ko at kumaripas na ng takbo. Habang naghihitay ng tryci dahil malapit lang naman yung Mcdo dito pero tinatamad ako maglakad kaya eto naghihintay talaga ako ng tryci.

Bigla ulit nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito. At sa di nga naman inaasahang pangyayare ay may nakabanggan pa ako. Shit! Yung phone ko!

Agad kong pinulot ang phone ko at chineck kung may basag o wala. Sadly. Merong basag!! Kainis!

"Miss! Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Leche nabasag pa phone ko ng dahil sayo!" Inis kong sigaw sakanya. Tinry kong i-on ang phone ko at buti naman ay nag on.

Napatingin ako doon sa babae at gulat lang ang ekspresyon nya. Tsk. Wierd.

Maglalakad na sana ulit ako ng bigla nya akong higitin at sinakay sa motorcycle nya. What the heck?! Ang bilis nyang magpatakbo at agad kaming nakarating sa jollibee?!

At hindi sa Mcdo!!

"Hoy miss. Wala akong oras para makipagdate sayo dahil loyal ako kay Sofia. Tsaka meron pa akong ime-meet sa Mcdo. Kaya mawalang galang na kahit na may atraso ka pa sakin ay kelangan ko na talagang umalis" sabi ko at maglalakad na sana palabas ng jollibee pero agad nya din akong hinatak pabalik. May kinausap syang employee dito at tumango tango naman iyon. Pagkatapos ay kinaladkad nya ako patungo sa tagong lugar. Pero nagulat ako ng makita ko si Kaius sa kabilang table at magisang kumakain. Tsk. Bigla akong naawa sakanya ah.

"Listen. Carefully okay?" Sabi nya kaya nabaling ulit ang tingin ko sakanya. Bahagya syang napatingin sa pwesto ni Kaius. Na nasa left side lang namin.

Nilapit nya ang mukha nya sa tenga ko. Kingina kala ko nga hahalikan nya na ako eh. Leche para kay Sofia lang tong kissable lips ko noh.

"I'm Demi Lazaro" nagulat ako sa sinabi nya. Seryoso? Sya ba talaga toh?

"I already know you. And..... yeah hahaha long time no see bestfriend!" At nagulat ako sa sunod nyang ginawa.

She just kissed me!?

Don't worry guys, sa ilong lang naman hahahaha.













^^-

Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now