Three

340 8 2
                                    

North's 

"Nay!! Tay! Aalis na kayo?" tanong samin ni Kenneth. Nagkatinginan naman kami ni Sofia.

"Ahm, Yes bby. Pero babalik naman kami. Diba tay?" Sabi ni Sofia. Linapitan ko na din si Kenneth at hinawakan sya sa kamay.

"Promise ni tay babalik kami every sunday. Okay ba?" Sabi ko. Napagplanuhan kasi namin nina Shiloh na bumalik dito every sunday para dalawin sila.

Ngumiti naman sya at niyakap kaming dalawa.

"Sabi nyo yan ah! Hahaha maghihintay ako sa linggo tay!" Sabi nya at naglahad pa ng fist bump.

"Guys, aalis na tayo" sabi ni Jasmine kaya tumayo na kami.

"Bye po" nakangiting sabi ni Sofia kina Sister.

Nginitian ko naman sila bago pumasok sa van.

"Bye nay!! Bye tay!!! Hihintayin ko kayo ah!" Huling hirit pa ni Kenneth. Binuksan nga ni Sofia yung bintana at sumigaw din.

"Oo bby! Babalik kamii! Byeee~" at nag wave pa sya. Nakisilip na din ako sa bintana at nagwave din.

"Wag na wag kang magpapagod kundi lagot ka sakin" sabi ko naman. Pinatakbo na ni Shiloh ang van kaya sinarhan na namin ang bintana.

"Hays, may pasok nanaman" sabi ni Quinn.

"Inaantok ako" biglang sabi ni Sofia.

****

"Oi! Kayong dalawa gumising na kayo kung ayaw nyong maghalikan ng wala sa oras!" Napadilat naman ako dahil sa sobrang lakas ng boses pati na rin sa suntok na naramdan ko sa hita.

"AHHHH!" bigla naman akong tinulak ni Sofia kaya na out balance ako at napahiga. Nakatama pa yung ulo ko sa pintuan ng van na toh. Tsk.

"Y-you! Pervert!" Sabay turo nya sakin. Umayos ako ng upo at tiningnan lang sya.
Aware naman ako dun sa nangyare dahil alam kong magkatabi kami. Pero di naman kami nagkahalikan ah.

"Nagkalapit lang mukha natin. Ganyan ka na agad? Pano pa kaya kung kamahin na kita? Tsk." Nakangisi kong sabi. Lalo naman uminit ang ulo nya at susuntukin na sana ako. Buti na lang at napigilan ko agad.

Lumapit ako sa bandang tenga nya at bumulong.

"Mamaya ulit ah" bulong ko at hinalikan sya sa pisngi. Agad akong tumakbo palabas at nagtago sa likod ni Sky.

"UGH!! LAGOT KA SAKIN MAMAYA NORTH HARPER!!!" inis nyang sabi at nagdadabog pa doon.

"Ano nanaman bang ginawa mo doon?" Tanong sakin ni Shiloh kaya napatawa ako bigla.

"May ginawa lang kami. Hahaha" nakatanggap naman ako ng batok mula kay Kacper.

"Tsk. Diba ang sabi ko sayo. Maghintay ka kung kelan ready na ang babae? Tsk. Lagi ka na lang nangunguna." Napatigil naman ako doon at napangiti.

"Nah. I have my plans." Sabi ko at tumingin ulit kay Sofia. Dang. Mukhang mamimiss ko toh.

"So is that your plans?" Tanong ni Mert. Nagkatinginan kaming anim at alam kong iisa lang iniisip namin.

"Yeah" agad silang nagtawanan ng sabihin ko yun. Alam kong ironic pero wala eh. Di ko naman inaasahang mangyayare toh.

"Goodluck talaga sa gagawin mo Hahahaha" oh? Anong pinakain ni Daphne sa isang toh at kung makatawa wagas?

"Hoy! Kayong anim dyan magtatawanan na lang ba kayo dyan oh tutulungan nyo ako dito?" Wala na kaming nagawa nung sigawan kami ni Daphne. Tsk may atraso pa nga sya sakin eh. Sya kaya sumuntok sa hita ko kanina. Kala nya ah.

"Kaya mo na yan!" Sigaw ko at bumalik na ulit sa van. Tulog ulit si Sofia pagkarating ko. Aba naman oh. Sya na kaya ang huling ihahatid namin. Nauna na kasi sina Tory at yung magshota pati na din yung tatlo at ngayon si Daphne. Medyo malapit na din ang bahay ng babaeng toh tapos matutulog ulit? Hays talaga naman.

Tutal tinulungan na nila si Daphne. Kaya na nila yun. Pinagmasdan ko na lang si Sofia tutal wala naman akong magawa eh. Hays mamimiss ko sya. Kingina naman para sakanya naman tong gagawin ko kaya dapat maghintay sya. Pag wala talagang nangyare lalayuan ko na sya. Wala na ata akong pag asa eh.

"Huy, matutunaw na si Sofia" napaayos naman ako ng upo ng magsalita si Sky.

"Ayos na ba?" Tanong ko sakanya at tumango lang sya.

"Saan nga ulit nakatira si Sofia?" Tanong ni Kacper. Sya na pala yung nagdadrive.

"Dalawang kanto lang naman ang layo ng bahay nila ni Daphne" Sabi ko. Pinaandar na ni Kacper ang Van at lumiko sya at nalagpasan namin ang dalawang kanto. Tanda ko pa ang bahay nila dahil halos dalawang buwan ko lang naman syang inistalk nung nasa third year kami. Tsk. Oo na stalker na kung stalker masisisi nyo ba ako?

"Yan na kulay white na may black ang bahay nila" turo ko kay Kacper sa unahan. Tinigil nya na ang engine at humarap sakin.

"Psh. Stalker! Hahahaha-" tinakpan ko agad ang bibig nya ng sabihin nya yun. Pag ako nahuli ni Sofia mananagot toh sakin.

Tinanggal ko na ang pagkakatakip ko sa bibig ni Kacper at niyugyog ko si Sofia.

"Gising na Sofia. Nandito ka na sa bahay mo" buti na lang at nagising agad sya pero pagkatingin nya sakin ay tinarayan nya ako at agad na lumabas.

"Tss. Pervert" inis nyang sabi at padabog na sinarhan ang pinto.

Nagkatinginan naman kaming anim at nagkibit balikat na lang ako.

"So? Bukas ka na magsisimula?" Tanong sakin ni Zac.

Pinaandar naman ulit ni Kacper ang engine at kasabay nun ang pagsagot ko.

"Hays pasalamat ka talaga at tinuturing pa kitang kaibigan. Nakwento ko na din sa pinsan ko yung plano mo at ayos naman sakanya" sabi ulit ni Zac.

"Talaga? Di ba syang nagalit?" Tanong ko. Malay ko ba, baka mamaya magalit pa yon kase gagamitin ko lang sya.

"Tsk. Kala mo dun? Syempre may plano din yun. Mag-usap na lang kayong dalawa. Ang alam ko kase may gusto sya sa classroom naten kaso pagnilalapitan nya naman ang sungit. Kaya magkateam daw kayo" kahit papano natutuwa ako ngayon kay Zac.

Medyo humaba yung sinabi nya eh ^___^

"Call. My number ka ba nya? Text ko na lang sya kung saan kami magkikita" sabi ko. Binigay nya naman sakin- nah tinapon nya talaga sakin yung phone nya. Sarap ngang paslangin eh. Ikaw ba naman tapunan ng phone tas sa ulo mo pa tumama sinong di makakapatay? Buti na lang kasing haba ng ano ko yung pasensya ko.

"Oh ayan ang phone mo" sabi ko. Sakto naman nandito na pala kami sa bahay.

"Geh North. Goodluck sa buhay mo HAHAHAHA" pahabol pa ni Mert at tumawa ng malakas.

"Sus! Mas goodluck sainyo ni Jane!" Natigil naman sya at pinakyuhan ako. Leche. Napailing-iling na lang akong pumasok sa bahay. Palibhasa di pa sya gumagawa ng way para magpapansin kay Jane hahaha.





^^-
Sofia Bertis above☝☝

Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now